Bea Alonzo excited to experience working with "gentleman" Robin Padilla; says Zanjoe Marudo will be a "responsible boyfriend"

"Hindi naman ako magpapaka-ipokrita na sabihing hindi ako nae-excite sa kung paano yung treatment niya sa mga leading ladies niya, kung gaano siya ka-gentleman. Na-excite ako, kasi nga, wow, makikita ko na at magkakaroon ako ng chance na ma-experience yun," says Bea Alonzo about working with Robin Padilla.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang teleserye sina Robin Padilla at Bea Alonzo.

Ito ay sa pamamagitan ng primetime series ng ABS-CBN na Guns and Roses, na papalit sa magtatapos nang Mara Clara.

Sa presscon ng Guns and Roses noong Martes, May 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin ni Bea na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Robin noong mga unang araw ng kanilang taping.

"Noong una, nagkailangan talaga kami. Siyempre, first time, e.

"Saka Robin Padilla ’yan, malaking artista, magaling umarte.

"Pero no’ng tumagal nang konti, nawala na yung ilangan namin. Feeling ko, kumportable na kami sa isa’t isa.

"Si Robin naman kasi, siya yung tipo ng kasama mo sa trabaho na ipapa-feel niya talaga na wala kang dapat ikabahala, hindi ka dapat mailang.

"He made me feel kasi na warm siya sa akin, and he also made me feel na okay lang na maging totoo ka.

"That’s when I felt comfortable na and nakita ko naman na tao rin siya.

"Then, nakikipagbiruan na ako sa kanya."

THREE YEARS IN WAITING. Halos hindi makapaniwala si Bea sa pahayag ni Robin na tatlong taon siyang hinintay nito para lang makasama sa isang project.

"Ewan ko, hindi naman nakarating sa akin ang balita. Nagulat na lang ako noong sinabi niya yun sa presscon.

"E, di sana...di ba? Parang [ang] tagal ko rin namang hinintay na makatrabaho siya.

"Sino ba naman ang hindi gustong makatrabaho siya?

"I’m sure lahat ng mga kaedad ko, gusto rin nilang makatrabaho rin siya, yung mga henerasyon namin," saad ng 23-year-old actress.

Inasahan ba niyang makakatrabaho niya si Robin.

"Pinangarap ko, oo, pinangarap kong makatrabaho siya," sagot ni Bea.

"Pero hindi ko inasahan na eto na yun, eto na pala yun. Ang lapit na.

"So, I felt so happy na finally, makakatrabaho ko na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LADIES’ MAN. Hindi ba siya na-intimidate o nailang sa sinasabi ng ibang matinik si Robin sa mga babae?

Sinasabi kasing walang babae ang hindi nahuhulog ang loob kay Robin dahil sa sobrang pag-aasikaso nito sa kanyang mga natitipuhang babae, lalo na sa leading ladies nito.

"Siyempre, I must admit," nakangiting sabi ni Bea.

"Hindi naman ako magpapaka-ipokrita na sabihing hindi ako nae-excite sa kung paano yung treatment niya sa mga leading ladies niya, kung gaano siya ka-gentleman.

"Na-excite ako, kasi nga, wow, makikita ko na at magkakaroon ako ng chance na ma-experience yun.

"Hindi naman ako kinabahan. Parang hindi naman inabot ng utak ko yung thought.

"Naka-focus ako sa pakikipagtrabaho sa kanya.

"And when I read the script, nakita ko siya, nakita ko na, wow, ibang Robin ito. Maganda ang kalalabasan kung siya yung gaganap sa role.

"Parang mas nandoon ako. Iba yung level pag ginawa niya ito.

"Kasi, his name alone, his accomplishment alone, parang ang dami nang sinasabi, ang dami nang sinisigaw.

"So, parang to be working with him in such a big project, doon ako na-excite.

"Hindi ko inisip na, ’Ay, baka mag-fall ako sa kanya! Ay, baka madala ako sa kanya!’

"Walang gano’n."

ZANJOE MARUDO. Wala naman daw kasing puwang ang bagong pag-ibig sa puso ni Bea dahil occupied na ito ng rumored boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

"Ano? Sabi! Yun ba ang sabi!" natatawang sabi ni Bea.

Nagkausap na ba sina ni Zanjoe at Robin?

"Hindi ko alam," sagot ni Bea.

Si Zanjoe ay ex-boyfriend ni Mariel Rodriguez, na siyang misis ngayon ni Robin.

Ayon kay Bea, hindi naman daw nagtatanong si Zanjoe sa mga nangyayari sa taping ng serye nila ni Robin.

"Mas ako ang nagkukuwento sa kanya tungkol sa Guns and Roses, kasi sobra akong nae-excite," sabi ni Bea.

Kumusta na ba ang status ng nababalitang relasyon nila ni Zanjoe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey naman kami so far," nakangiti niyang sagot.

Masasabi bang non-commital ang pagtitinginan at samahan nila ni Zanjoe?

"Parang hindi ko naman na mailalagay sa ganyan.

"Kasi kung saan kami dinadala ngayon, kung saan kami dinadala ng agos, kung ano lang yung nakikita n’yo, doon kami.

"Parang ang hirap magsabi na kami na. Parang hindi pa...wala pa sa gano’n.

"Kung kami na at kailangan nang i-announce, parang hindi ako ang dapat na mag-anunsiyo."

Natawa si Bea sa comment ng ibang press na baka hindi raw niya aminin ang tungkol sa kanila ni Zanjoe dahil hindi siya umamin tungkol sa kanila ni Gerald Anderson noong naging sila hanggang sa mag-break sila.

"Sinabi ko bang naging kami at nag-break kami? Hindi naman, e," depensa ng young actress.

Umaasa si Bea na mauuwi sa mas tiyak na relasyon ang kanilang magandang samahan ni Zanjoe.

"Sana," sabi niya.

HOW ZANJOE MAKES HER HAPPY. Kinilig naman si Bea sa narinig na tanong kung paano siya napapasaya ng isang Zanjoe Marudo.

"Nandiyan siya, presence pa lang niya, malaking bagay na.

"Presence pa lang niya napapasaya na niya ako.

"Yung mga kuwento niya, yung mga jokes niya... Bentang-benta sa akin yung mga jokes niya.

"Kung gusto niya akong patawanin, yun lang mga jokes niya," masayang kuwento ni Bea.

Kung mauuwi sa relasyon ang magandang namamagitan sa kanila ni Zanjoe, hindi na ba siya magugulat?

"Hindi. Magiging masaya pa ako," sagot ni Bea.

"Mas magiging masaya ako and I know he’s a good person and alam kong magiging responsableng boyfriend niya.

"Hindi niya ako sasaktan...sana.

"As of the moment, yun ang nakikita ko.

"Baka saktan niya akong biglang umiyak lang ako sa TV!" tawa niya.

Paano niya nasabing magiging responsible boyfriend si Zanjoe?

"Kasi right now, as of the moment, he thinks of me all the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung saan ako magiging kumportbale sa oras, mas pina-prioritize niya ako.

"Siya ang nag-a-adjust sa akin," sabi niya.

Nakikita ni Bea ang posibilidad na mauwi nga sa relasyon ang kanilang pagtitinginan ni Zanjoe.

Aniya, "Oo naman, possible! Siguro naman, hello!

"Feeling ko naman. Hindi naman magsasalita in public kung walang future."

Bilang pagpapatunay ni Bea sa magandang nangyayari sa kanilang samahan ni Zanjoe, nagkasama raw sila nito sa isang bakasyon noong Lunes, May 30, sa Batangas. Kasama rin ni Bea ang buong pamilya niya.

Nakilala na rin daw ni Zanjoe ang kanyang pamilya, at nakilala na rin ni Bea ang pamilya ng aktor.

"Nakilala ko yung dad niya at yung tatlong kapatid niya, nasa States. Kaya ayun, nakilala ko sila doon.

"Yung mom niya, dad niya at yung mga sisters niya na-meet ko na.

"Pero yung kuya na lang niya ang hindi ko pa nami-meet," banggit ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN