Kris Bernal sheds weight in preparation for upcoming danceserye

Kapuso star Kris Bernal takes into consideration the comment of other people about her weight loss. "So, ngayon bumabalik ako, kumakain ako pero wala pa ring kanin, pero binubonggahan ko yung kain!" Kris told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in an interview.


Sinadya pala talaga ni Kris Bernal na magpapayat para sa soon-to-be-launched danceserye ng Kapuso network na pinamagatang Jump.

"Kasi siyempre pag sumasayaw, alam mo naman ang mga outfit, kita ang tiyan tapos naka-shorts.

"Actually, mali nga, kasi pag pumayat ako, lalong lumiliit yung bewang ko, tapos lalo akong lumiliit," sabi ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa set visit ng Amazing Cooking Kids.

Naganap ang press visit kaninang hapon, June 2, sa Magsaysay Center for Hospitality & Culinary Arts (MIHCA) sa Times Plaza Building, Taft Avenue, Malate, Manila.

Nagsilbing guest judge si Kris at fellow Kapuso star na si Rocco Nacino sa Amazing Cooking Kids, na napapanood tuwing Sabado, bago ang Eat Bulaga!, sa GMA-7.

Si Carmina Villarroel ang host ng nabanggit na programa at siya rin ang tumatayong gabay ng mga batang kalahok, na sa ngayon ay binubuo nina Duday Reyes, Angela Clarke, Tasha Pulgado, Budik Villalobos, Ronin Leviste, Patrick Reyes, at Xymon Caballero.

Nandiyan rin siyempre sina Chef GB Barlao, Chef Jackie Ang-Po, at Chef Rosebud Benitez para magbigay ng komento at husgahan ang luto ng mga batang contestants.

NO RICE DIET. Dalawang buwan na raw na hindi kumakain ng kanin si Kris bilang paraan niya para magbawas ng timbang.

"Marami akong kinakain, pero puro ulam lang.

"Kahit ano kinakain ko, nagbababoy pa rin ako ’tsaka nagmi-meat pa rin ako—wala lang rice.

"Parang binubusog ko lang ang sarili ko sa ulam," kuwento ni Kris.

Sariling desisyon naman daw ni Kris ang no-rice diet, at naisipang magpapayat matapos na mapanod ang nakaraan niyang mga programa.

"Natatawa ako kasi simula nung Koreana ’tsaka Machete, e, di pinanood ko siyempre yung mga episodes, ang taba-taba ko nun!" bulalas niya.

"Sabi ko, ’Naku, hiyang na hiyang ako dito sa pagkain sa show. So, simula nun, na-conscious ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pag mataba ako, lumalaki yung mukha ko and nagmumukha akong bagets na mas bata.

"E, gusto ko nang mag-move on sa image na yun.

"Hindi naman yung sexy [image], pero yung dalaga naman."

TAKING CRITICISMS. Aminado naman si Kris na hindi paborable ang ilang natatanggap niyang komento mula sa ibang kakilala kaugnay nga ng kasalukuyan niyang timbang.

Nakikinig naman daw si Kris at malamang ay i-adjust niya ang kanyang diet regimen para hindi rin niya mapabayaan ang sarili.

Bagamat importante sa mga artista na mapanatiling maayos ang kanilang physical appearance, mahalaga rin siyempre na huwag makumpromiso ang kanilang kalusugan kapalit ng pagmamahal sa trabaho.

"Pag nakikita ako ng tao, nagugulat sila. Akala nila kung ano ang ginawa ko or napapabayaan ko ang sarili ko," pag-amin ng StarStruck alumna.

"Naa-alarm ako kasi ang daming nagsasabi na hindi maganda: ’Mas nagmumukha kang bata, ang liit-liit mong tingan’—yung mga ganun.

"Ang dami kong nakukuhang criticisms. Pero every time naman na sinasabihan ako ng ganun, like sinabihan na rin kasi ako ni Ms. Lilybeth [Rasonable, GMA-7’s Vice-President for Drama] na, ’Magpataba ka, magpalaman ka naman,’ sabi niya nung story conference namin.

"So, ngayon, bumabalik ako, kumakain ako, pero wala pa ring kanin. Pero binubonggahan ko yung kain.

"I mean, dati kasi, iniiwasan ko rin yung mga pizza, spaghetti—wala akong ganyan!

"Ngayon, kumakain naman ako, or minsan pag Sunday kasi family day and lumalabas ako with my family, ayun, kumakain naman ako."

Sinabi rin ni Kris na siguradong mapaparami ulit ang kain niya kapag nagsimula na silang mag-taping para sa Jump, dahil nga naman may pagkain lagi sa set at masarap ding kumain kapag pagod.

Speaking of Jump, sinabi ni Kris na masaya at excited siya para sa bago niyang proyekto matapos mapanood sa Machete at Spooky Nights Presents: The Ringtone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala namang kaso kay Kris kung sa hapon o primetime siya mapanood ng kanyang mga tagahanga.

Mahal daw ni Kris ang afternoon timeslot dahil naging matagumpay ang mga programa niya noon katulad ng Dapat Ka Bang Mahalin? (2009) at Koreana (2010).

"Kahit anong timeslot naman, okay lang sa akin. Ang mahalaga may project kang ginagawa at may trabaho ka—sobrang masaya na ako nun," ngiti ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN