Jake Cuenca hopes to maintain friendship with ex-girlfriend Melissa Ricks

"Yung detalye sa relationship, sa amin na lang siguro yun. I don’t wanna go into detail kasi kung anuman ang amin, amin na lang yun. Ang sa akin, naging general na kami, we announced that we have broken up. We’re still friends and we’re not going into details anymore," says Jake Cuenca about his breakup with Melissa Ricks.


Dumating na si Jake Cuenca mula sa successful premiere ng In The Name of Love sa U.S. noong Miyerkules, June, 1.

Pagdating niya sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport, ang reaksiyon niya sa pag-amin ni Melissa Ricks na break na sila ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One News kay Jake.

Matatandaang naging emosyunal si Melissa nang aminin niya sa unang pagkakataon na wala na sila ni Jake. (CLICK HERE to read related story.

"I’m good, kung anong amin, amin na lang yun.

"So, she’s emotional right now, I’d rather console her personally than console her on TV," sabi ng young actor.

Ayon kay Jake, hindi naman nawala ang pagmamahal niya para sa ex-girlfriend.

"She will always have a special place in my heart," sambit niya.

"Like I always say, I really hope we can be friends, yun ang importante talaga.

"Sana, sana hindi masira. Sana nandun lagi ang friendship kasi before we started, we used to be friends."

Tiniyak din ni Jake na wala talagang third party involved sa naging desisyon nilang mag-break ni Melissa.

"Sa kanya na naman nanggaling, ang sa akin, she said it already and I’m saying it also.

"Yung detalye sa relationship, sa amin na lang siguro yun.

"I don’t wanna go into detail kasi kung anuman ang amin, amin na lang yun.

"Ang sa akin, naging general na kami, we announced that we have broken up.

"We’re still friends and we’re not going into details anymore."

Sa kabila ng pagde-deny nina Jake at Melissa na walang third party involved, heto’t lumalabas ang pangalan ni Jolo Revila na matagal na raw talagang gustong dumiskarte sa young actress.

Ano ang masasabi ni Jake dito?

"He is allowed to say whatever he wants to say," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ako, more than Jolo, ang importante sa akin ay si Mel, so let’s just leave it at that."

IN THE NAME OF LOVE. Samantala, masaya namang ibinalita ni Jake ang success ng premiere ng In The Name of Love sa U.S.

"Siguro, kukunin ko ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat ng taong nagpunta sa international screenings namin, maraming-maraming salamat.

"Ako, sobra akong nag-enjoy, lahat kami sobrang nag-enjoy sa America sa suporta ng mga tao, sa mga taga-TFC, sa pelikulang In The Name of Love.

"Actually, excited talaga sila sa pagdating pa lang namin, yung hype ng pelikula na ang daming nagsasabi nga na maganda.

"Siguro salamat din sa sinasabi ng tao na maganda ang pelikula namin.

"So, pagdating pa lang namin sa America, excited na sila sa movie.

"Ako, napakasuwerte ko na napasama ako sa pelikulang ito, nabigyan ako ng pagkakataon at nagtiwala din sa akin ang ABS para ilagay ako sa pelikulang ito.

"Ang tagumpay ng In The Name of Love ay tagumpay talaga ng Star Cinema at ABS-CBN."

Marami ang nagsasabi na big revelation si Jake sa nasabing pelikula, kung saan hindi raw talaga ito nagpahuli kina Aga Muhlach at Angel Locsin pagdating sa pag-arte.

Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Ako, nagpapasalamat lang talaga ako kay Direk Olive Lamasan.

"Sobrang binantayan talaga niya ako, tinutukan talaga niya ako.

"At higit sa lahat, napakarami kong natutunan na maia-apply ko sa lahat ng iba kong trabaho.

"Para ko na talaga siyang ina.

"Sinabi ko na sa kanya na kada proyekto na gagawin ko, kailangan ko munang magkonsulta kasi nanay ko na siya.

"Mahal na mahal ko na si Direk Olive, iba yung bonding naming lahat," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN