TV5 star Alex Gonzaga signs two-year contract with Viva Entertainment

"Kaya nga kami pipirma dito kasi ibig sabihin pinagkakatiwalaan namin yung Viva, kami ng mommy ko," says Alex Gonzaga as she signed a movie contract with Viva Entertainment.

(Inset) Present during the contract signing are Viva executives Vic del Rosario, Vincent del Rosario, and June Rufino, and Alex’s parents.


Muling nagdagdagan ang pamilya ng Viva Entertainment, dahil kahapon, June 2, ay pumirma na ng two-year movie contract si Alex Gonzaga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Alex na masayang-masaya siya na maging miyembro ng Viva family.

Katunayan, nauna pang nalaman ng kapatid niyang si Toni Gonzaga na gusto siyang kunin ng Viva.

"Nung una po, sinasabi ni Direk Wenn [Deramas] sa ate ko, ’Uy, gusto naming gawan ng pelikula si Alex.’

"Nung tinawagan ako ng ate ko, ’Yy, congrats! Sabi ni Direk Wenn gusto daw ng Viva.’

"E, siyempre wala pa naman tumatawag, di naman sure. Pero siyempre natuwa kami ng ate ko.

"Tapos nung tumawag na finally, e, di natuwa kami kasi ibig sabihin na siguro, meant."

Hindi kaya dahil ito sa kanyang current running drama series na Babaeng Hampaslupa?

"Siyempre malaking tulong din naman sa akin ang Juicy. Hindi naman bibigay sa akin siguro ang Hampaslupa kung hindi dahil sa Juicy," sabi ng Kapatid star.

Isa sa mga pangarap ni Alex ay magbida sa isang romantic comedy or Korean-themed na palabas.

Tingin niya ba ay maibibigay na ito ng Viva sa kanya?

"Kaya nga kami pipirma dito kasi ibig sabihin, pinagkakatiwalaan namin yung Viva, kami ng mommy ko.

"Hopefully, siyempre makuha ko yung gusto ko kung magkaayos kami, magka-compromise yung gusto naming pareho para maging maayos.

"’Tsaka at least one step at a time, ito, meron na akong contract sa movies, makukuha ko na din yung gusto ko."

DRAMA PRINCESS. Si Alex ay isa sa mga binansagang "TV5 Primetime Princess" ng kanyang network. Kasama niya sina Ritz Azul, Jasmine Curtis-Smith, Danita Paner, Arci Muñoz, at Eula Caballero.

Sa apat na taon ni Alex sa showbiz, noong 2008 lamang niya masasabing nag-bloom ang kanyang career.

Pero hindi niya kailanman akalain na papasukin niya ang mundo ng drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talaga rom-com, Koreanovela, ganun talaga gusto ko. Pangarap ko yung mga ganun."

Pag-amin niya pa, "Nung binigay sa akin ’to [Babaeng Hampaslupa], ayaw ko talaga tanggapin.

"Kaya lang sabi ng mommy ko [Mommy Pinty], ’O, ito yung role mo, ito makakasama mo.’

"Sabi ko, ’O, sige mommy tatanggapin ko ’yan basta sana bigyan nila ako ng acting workshop. Yun, binigyan naman po ako."

At ngayon ngang na-extend pa uli ng isang buwan ang palabas, mas lalong nagiging matindi ang mga eksenang kinukunan nila.

Nang humarap nga sa press si Alex matapos ang pirmahan ng kontrata nila ng Viva, kapansin-pansin ang mga sugat nito sa kanyang binti at braso na dahil daw sa kanilang taping.

Mahirap man, mas gusto raw talaga ni Alex na makatotohanan ang kanilang pag-arte lalo na sa mabibigat na eksena.

"Nire-request ko din talaga na mas totoo para mas may act.

"Oo [nagkakasakitan], pero hindi naman sobra. Kailangan talaga, e, para makasabay ka sa eksena.

"Pero right after naman nun, yayakapin nila ako, magso-sorry sila."

HER STUDIES. Lingid sa kaalaman ng lahat, hanggang ngayon ay nag-aaral si Alex.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit noong nagsisimula siya ay hindi siya ganun ka-visible.

Ganun pa man, nagbunga naman ang kanyang pagsasakripisyo dahil ngayon ay isang semester na lang ay ga-graduate na siya sa kursong Education sa University of Asia and the Pacific.

"Napa-summer talaga ako, hindi ako nagsa-summer," banggit niya.

"Kinausap ko yung mga taga-Babaeng Hampaslupa dahil yung summer class ko, one to five [p.m.], tapos galing pa ’kong Juicy, nakukuha nila ako 7 p.m.

"Nag-adjust naman sila kasi kailangan, kung hindi matatanggal yung pinag-aralan ko for four years."

Kuwento ni Alex, mula pa noong bata’y pangarap na niya ang maging isang teacher.

"Kasi bata pa lang ako gusto ko ng magturo, e," nakangiting sabi ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagdadala ako ng chalk sa bahay namin, tapos nagsusulat ako sa wall, tapos buburahin ko ulit, tapos puro chalk yung ilalim—nagagalit mommy ko!" natatawang kuwento ng aktres.

Magagawa pa kaya niya ito ngayong nasa showbiz na siya?

"Hindi talaga ako magiging teacher.

"Kasi yung UA&P, binigyan nila ako ng Humanities with specialization in Education.

"Kung gusto ko mag-teacher, meron pa akong kailangan, yung mga OJT [on-the-job training], hindi ko na kasi matatapos yun, e.

"Kasi kung tatapusin ko yun, mag-e-exceed na ako ng maximum residency, kaya dapat within this year matapos na ’ko."

Kaya naman ang plano na lang nila ng mommy niya, "Maggawa kami ng school, [tapos] palakihin siya nang palakihin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN