Child star Timothy Chan remains unaffected despite success in showbiz

As a child star, mistulang laro ang ginagawa ni Timothy Chan sa showbiz. Hindi siya apektado ng anumang kumpetisyon sa larangang pinasok.


Determinado ang mga taga-suporta ng batang aktor na si Timothy Chan sa pagpapatuloy ng pag-aartista nito.

Ito ay base sa naging magandang pagtanggap ng manonood sa bata, sa mga ABS-CBN shows, tulad ng Goin’ Bulilit at May Bukas Pa, bilang kaibigan ng bidang si Zaijan "Santino" Jaranilla; at pagganap sa mga markadong papel sa pelikula, as in last year’s Paano Na Kaya?, bilang batang kapatid ni Kim Chiu, at Here Comes The Bride, bilang spoiled brat na alaga ng comedienne na si Tuesday Vargas.

"Right now, freelancer si Tim," banggit ni Mr. Chris Deuna, ng Sirhcthopher Talents Management, ang outfit na namamahala sa showbiz career ng 8-year old singer-actor and dancer.

"Puwede na rin siyang maging Kapuso; may offer siya [sa GMA-7] pero, tinatapos pa niya ang project sa ABS-CBN," sabi pa ng manager.

"Kasali si Timothy sa Maria La Del Barrio (upcoming Channel 2 teleserye), as the young Enchong Dee (kapareha ni Erich Gonzales, in the title role). Pero wala pang schedule kung kailan mag-start ang airing ng series."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Timothy at ang kanyang manager, sa formal launch ng child actor, bilang endorser ng JP Muñoz (Jackman Plaza), sa Quezon City, kahapon, June 2.

Masiglang humarap sa naimbitahang taga-media ang malusog na batang aktor, na nagpamalas rin ng kanyang husay sa pagkanta at pagsayaw sa ginanap na mini-show.

Pagkatapos nito’y umupo si Timothy sa maliit na mesa, para sa kanyang mini-presscon.

"SECRET" CRUSH. Nakakatuwa ang kanyang pagsagot sa mga tanong, lalo na ang tungkol sa kung sino ang kanyang crush na child actress.

"Secret..." nakangiting nagsalita ni Timothy, to the amusement of everyone present.

Tapos, siya rin ang nagtanong at sumagot, "Clue? Nag-start sa letter ’M’!"

Nasa Goin’ Bulilit ba siya?

"Opo," sagot naman ni Tim.

Close ba sila ng crush niya, na nag-start sa letter ’M’ ang name?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," sagot uli ni Tim.

Si Mika dela Cruz ba ang crush niya?

"Opo!" pag-amin agad ni Timothy.

Ano ang sinasabi sa kanya ni Mika pag nagkikita sila sa studio?

"Nag-he-hello lang po siya!" nakangiting saad pa ng inosenteng bata.

Friends pa rin ba sila ni Zaijan, kahit hindi na sila magkasama sa show?

"Opo," sagot uli ni Tim.

Paano kung crush din ni Zaijan si Mika?

"Okey lang po," wika ni Timothy.

Sino sa tingin niya ang mas sikat, siya o si Zaijan?

"Pareho lang po kami," with confidence na tugon uli ni Timothy.

UNAFFECTED. As a child star, mistulang laro ang ginagawa ni Timothy sa showbiz, na hindi siya apektado ng anumang kumpetisyon sa larangang pinasok.

Kaya itinuturing pa rin niyang "favorite child actor" niya si Zaijan Jaranilla, o si Santino, ang "child wonder" na nakasamang gumanap sa phenomenal na seryeng May Bukas Pa.

At ang kanyang favorite actor naman niya ay "Si Daddy Albert Martinez," sabi pa ni Tim. As Rico, ginampanan ni Tim ang papel ng anak nina Albert at Dina Bonnevie.

In real life, si Timothy Chan ay anak nina Tony and Lailani Chan, mga negosyante. Hindi sila ang personal na namamahala sa pag-aartista ng kanilang anak.

Sa kasalukuyan ay nasa Grade 3 si Timothy, sa Early Achievers School, sa Quezon City.

When asked kung ano pa ang iba niyang ambisyon sa buhay, sabi ni Timothy, "Maging pilot po.

"Gusto ko pong mag-piloto ng two years, tapos, babalik po ako sa pagsasayaw," kuwelang banggit pa ng child actor-comedian, revealing his preference for dancing over any of his equally outstanding skills.

CREDENTIALS. Nagsimula si Timothy sa showbiz sa pamamagitan ng pagsali sa mga talent search for kids, sa malalaking mall, tulad ng Ever at SM.

Taong 2007 nang manalo siya sa Ever Kiddie Star at SM Little Star searches, na kapwa siya ang Grand Winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ang natamo niya, as Garfield Image Model nang taong ’yon; at hanggang ngayon si Timothy pa rin ang Garfield image model.

Bukod sa May Bukas Pa at Goin’ Bulilit, nakalabas din si Timothy Chan sa iba pang TV shows, like: Obra, La Vendetta, Moomoo and Me, MMK ("Medyas", "Sexual Harrassment", "Doctor’s Diary" episodes), Everybody Happy, Magic Gimik, Natutulog Ba Ang Diyos?, Betty La Fea (as the young Sam Concepcion), at Wansapanataym ("Inday Sa Balitaw" episode as Rico, ang duwendeng kaibigan ni Maja Salvador).

Sa movies, nakalabas din si Timothy sa mga pelikulang Banal (ng GMA Films), as Cassandra Ponti’s son; Palos (ng Star Cinema) as Jodi Sta. Maria and Jomari Yllana’s son; and Kasal, Kasali, Kasalo and its sequel, Sakal, Sakali, Saklolo, bilang first-born son ng real-life couple, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

Kilala rin si Timothy sa larangan ng advertising, dahil marami na siyang tinampukang TV commercials, bukod pa sa bagong pag-e-endorso ng isang mini-plaza mall, sa Quezon City.

Young as he is, may award na din ito bilang Dangal ng Bayan Most Promising Child Performer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN