Director Richard Somes makes fearless forecast for Erich Gonzales: "Bigyan mo ng limang taon na mag-mature, magiging isa [siya] sa magagaling na artista natin."

Director Richard Somes has nothing but praises for young actress Erich Gonzales. Magkatrabaho kasi ang dalawa sa mga proyektong pinagbibidahan ni Erich, ang pelikulang Corazon under Star Cinema at ang Pinoy remake sa telebisyon ng Maria La Del Barrio.


Puno ng paghanga ang award-winning director na si Richard Somes sa young actress na si Erich Gonzales. Magkatrabaho kasi ang dalawa sa mga proyektong pinagbibidahan ni Erich, ang pelikulang Corazon under Star Cinema at ang Pinoy remake sa telebisyon ng Maria La Del Barrio.

"Ito, totoo ito ha. Hindi ito showbiz. Si Erich, bigyan mo ng limang taon na mag-mature, magiging isa sa magagaling na artista natin.

"No. 1, ang ganda niya sa screen e, ang ganda niya sa camera talaga. Ang na-in love talaga ako sa kanya bilang direktor, ay yung mata niya. Magaling siya na artista. Kailangan lang na siyempre i-maintain niya yung discipline, yung hard work," sabi ni Direk Richard.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Richard last May 26 sa intimate press interview para sa kanila ni Direk Topel Lee na ibinigay ng Revolver Studios at Reality Entertainment, kung saan bahagi sila ng pool of directors. Ang naturang studio house at film company ay pinamamahalaan ni Dondon Monteverde, anak ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

NO ATTITUDE PROBLEM. Tinanong din ng PEP kay Direk Richard kung may naranasan ba siyang attitude problem kay Erich sa set tulad ng mga naglabasang tsismis na nagsasabing malaki na raw ang ulo at unprofessional ang young actress?

"Wala naman. Siyempre dahil bata pa siya, kung minsan kailangan mo rin siyang i-guide dahil kumbaga maigsi lang minsan yung pasensiya niya sa trabaho as a whole. Pero wala naman akong na-encounter na problema sa kanya. Wala naman siyang tantrums."

Ano ang ibig niyang sabihin na maigsi ang pasensiya ni Erich sa trabaho?

"Kasi minsan gusto na niyang magpahinga. Alam mo na kailangan na niyang magpahinga dahil galing sa ibang trabaho, sa ibang project, ganun. Pero pagdating ng trabaho, ginagawa niya ang trabaho niya."

Mas madali ba para sa kanya na makipagtrabaho kay Erich dahil kasama niya ito sa dalawang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Since magkatrabaho nga kami sa Corazon tapos nung dumating yung Maria La Del Barrio, alam mo na yung mga anggulo niya. Alam mo na yung capacity niya as an actor. Alam mo na yung maganda niyang moment. So, hindi na mabigat para sa akin. Maganda yun para sa akin."

Paano niya gina-guide si Erich dahil magkaibang characters ang ginagampanan nito sa pelikula at telebisyon?

"Ang nangyari kasi sa Maria La Del Barrio, kasi meron ng TV version iyan before e, so hindi na siya mahihirapan. On my part naman, susundin ko na lang kung ano yung gusto ng industry, kung ano ang gusto ng production. Susundin ko lang yung pattern na iyan. Pagdating ko sa set konting ayos-ayos na lang sa gusto kong mangyari."

AWARDS. Si Direk Richard ang nagdirek ng critically-acclaimed at award-winning movie na Yanggaw. Nakakuha ito ng awards for Best Picture and Best Director sa Cinema One Originals noong 2008.

Sa 2009 PMPC Star Awards naman ay pinarangalan ito ng Digital Movie of the Year at Digital Movie Director of the Year. Naipalabas na rin ang Yanggaw sa iba’t ibang international fim festivals.

Bukod sa pagiging award-winning director, pinarangalan na rin si Direk Richard sa kanyang mahusay na production design sa Metro Manila Film Festival blockbuster hits na Exodus noong 2005 at Panday noong 2009.

Masasabi ba niyang may ginagawa siyang tama kapag nananalo siya ng award?

"Actually, romantic lang siya sa akin dahil syempre hindi mo naman ine-expect yung mga ganyang bagay e. Ang sa akin lang kasi ay yung maitawid mo kung anuman yung nasa utak mo.

"So, pag nananalo ka ng award na ganyan, feeling mo naro-romanticize ka na. Nakikita mo yung produkto ng good job mo and effort. Is it an indicator na I’m doing right? Maybe.

"Maybe you’re on the right path. Pero hindi mo dapat ilagay iyan sa ulo mo. Kumbaga galingan mo pa rin sa susunod, ayusin mo ulit ang trabaho mo," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM INDIE TO MAINSTREAM. Unang nakilala si Direk Richard sa mga indie movies hanggang sa dumating ang unang mainstream movie niya na Shake, Rattle and Roll 2K5, "Lihim ng San Joaquin" episode. Ang latest nga ay ang Corazon na pinagbibidahan nina Erich at Derek Ramsay.

Sumabak na rin siya sa pagdidirek sa telebisyon sa Imortal at ngayon nga ay sa Maria La Del Barrio with Erich and Enchong Dee.

Ngayong gumagawa na siya ng mainstream projects, ibig sabihin ba nito ay iiwan na niya ang indie?

"Hindi, actually may isinusulat nga ako e. Isu-shoot ko iyon sa bahay lang. Para yun sa mga kaibigan kong Ilonggo. Nag-meeting na kami."

Ano ang comment niya na mas napapansin ngayon sa mga awards night ang indie movies?

"Actually, dapat nga walang dibisyon diyan e, whether indie o mainstream. Kung iisipin mo kailan ba nag-boom ang indie? maybe nine years ago. Sabihin na nating eight years ago. But if you’re gonna ask yourself, ano ba ang nadala nito sa industry, wala.

"It’s the same with mainstream. Parang ganito na lang yung pelikula kasi nagkakaroon palagi ng dibisyon e," aniya.

"Nagkakaroon lagi ng mas okay ang mainstream, mas okay ang independent. Sinasabi galing sa independent iyan e, well, highly acclaimed sila pero hindi naman sila kumikita. Yun ang sasabihin ng mga taga-mainstream.

"Ito namang mga indie, sasabihin, kami napupunta kami sa abroad. Pero ang hindi nila nakikitang problema, ano ba ang naitulong niyan sa industriya as a whole—wala. Kasi walang gustong mag-compromise e."

GROUP OF DIRECTORS. Positibo naman si Direk Richard na may magagawa ang kanilang grupo ng mga direktor sa Revolver Studios at Reality Entertainment para makatulong sa industriya ng filmmaking.

Bukod kina Richard at Topel, kasama rin sa in-house directors nito sina Erik Matti, Jerrold Tarog, AF Benaza, Joel Limchoc, Borgy Torre, Peter Collias, Larry Ang at Jun de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumali si Direk Richard sa grupo dahil naniniwala siya sa pangarap ng mga kasamahang sina Dondon Monteverde at Erik Matti para sa mas makabuluhang paggawa ng pelikula, TV shows at maging commercials.

"Bago kasi naging reality ang lahat, me, Dondon and Erik Matti, feeling ko kami talaga ang nag-start ng Reality Entertainment. We were in the Valle Verde office.

"Tatlo lang kami doon at madalas ginagabi kami sa pagtatrabaho. It’s Dondon’s dream and Erik’s dream to have this. So, hindi na ako nagdalawang-isip nung sinabi nila sa akin dahil pioneer din ako e," ang kwento ni Direk Richard.

"Nung time na hindi pa ako direktor, kumbaga sila na yung kumupkop sa akin. Nagsimula kasi ako as propsman. Tapos naging production designer hanggang sa maging direktor na nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN