Jennylyn Mercado’s biological mother answers her daughter’s allegations

Jinkee, the biological mother of Jennylyn Mercado (in photo), agreed to an interview with The Buzz to dispel some of her daughter’s allegations in her tell-all interview with YES! magazine.


Matagal nang naririnig ang kuwento tungkol kay Jennylyn Mercado kunsaan ipinaampon daw siya ng biological parents niya sa kanyang kinikilalang ina na si Lydia Mercado.

May mga hindi rin magagandang karanasan si Jennylyn noong bata siya na minsan na ring naisatelebisyon noon pagkatapos niyang manalo sa StarStruck Batch 1, at madalas ay napag-uusapan pa rin sa mga interview niya.

Sa The Buzz kahapon, June 5, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpa-interview ang biological mother ni Jennylyn na si Jinkee.

Nakausap si Jinkee sa Dubai ng TFC senior correspondent for Dubai na si Rachel Salinel.

Humarap ang tunay ina ni Jennylyn para pasubalian ang ilan sa mga naging pahayag ni Jennylyn tungkol sa kanya sa tell-all interview ng Kapuso young actress sa June 2011 issue ng YES! magazine.

Hindi nga lang pumayag na humarap sa camera si Jinkee nang magpa-interview siya. Ito ay bilang proteksyon na rin daw sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang mga anak.

Ayon sa impormasyong ibinigay nina Jennylyn at Lydia sa YES!, pinsan ni Lydia ang biological mother ni Jennylyn.

Sina Jinkee at Lydia, kasama ang isa pa nilang pinsan na si Thelma, ay pinalaki bilang magkakapatid ng kanilang adoptive mother na si Salustiana Vergara.

Ang tunay na ama naman ni Jennylyn ay si Noli Pineda, isang musician.

Nang maghiwalay ang biological parents ni Jennylyn, lumipad papuntang South Korea si Noli, at si Jinkee naman ay nagtrabaho bilang domestic helper sa Dubai.

Anim na buwan pa lamang daw noon si Jennylyn na naiwan kay Lydia at sa yumao nitong asawa na si Roger Mercado.

Sinasabing ang main suspect daw sa physical abuse noong three years old pa lang si Jennylyn ay isang hindi pinangalanan na lalaki na diumano’y pinakasalan ni Jinkee at tumayong stepfather kay Jennylyn.

WHY NOW? Pero sa interview ng The Buzz kay Jinkee sa Dubai, itinanggi nito ang ilang nailathalang impormasyon sa YES!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa biological mother ni Jennylyn, hindi raw sila magkamag-anak ni Mommy Lydia.

"We’re not related. My biological family has passed away," sabi niya.

Isang dahilan daw ng paglantad at pagsasalita ng tunay ina ni Jennylyn ay ang diumano’y marami pang kasinungalingan na nakarating sa kanya.

Nabasa rin daw nito ang June 2011 issue ng YES!.

"Yes, I read the magazine," sabi ni Jinkee.

"And I’ll be frank with Jenny now.

"Since January to May, we had a lot of communication.

"And my question is, why now? I can’t understand.

"Why now, after all those times na I have already a communication with Jenny for a couple of months now?

"In fact, we have plans to see each other on the 24th or 29th of June."

Ipinakita rin ni Jinkee ang mga palitan nila ng text messages ni Jennylyn sa kanyang cell phone.

Ipinakita rin nito ang mga resibo ng money transfer at educational plan na ibinigay raw niya kay Jennylyn at Lydia noong dekada ’90.

Ayon pa kay Jinkee, "No, it’s a lie. I have proof to show you.

"I did send money to Jennylyn through Lydia.

"I have actual proof that I have provided [for] her financially."

Tinanong ng ABS-CBN Dubai correspondent si Jinkee: Ang ibig ba niyang sabihin, continuous pa rin ang communication at support niya kay Jennylyn kahit nasa Dubai siya?

"Okay, fine, I’m not there with her physically, that’s true, but I have provided her financially all those times.

"I thought I was doing the right thing," sagot niya.

Sabi pa ni Jinkee, ang adoptive mother daw ni Jen na si Lydia ang sagabal sa kanilang mag-ina para makapag-communicate.

Aniya, "Lydia would not let me communicate with Jennylyn. Despite the fact na nagpapadala ko ng pera sa kanya."

Bumabalik ba lahat ito kay Lydia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Absolutely," mabilis na sagot ni Jinkee.

PHYSICAL ABUSE. Itinanggi rin ni Jinkee ang impormasyon na may pinakasalan siyang lalaki na siyang umabuso kay Jennylyn physically noong ito’y bata pa.

May katotohanan ba sa balitang ito at kung meron man, ano ang naramdaman niya bilang isang ina?

"I can’t relate to this question. You have to find this guy," sagot ni Jinkee.

Ang ibig ba niyang sabihin, until now, masasabi niyang this person doesn’t exist?

"I want to meet this man," sabi ng tunay na ina ni Jennylyn.

Ayon pa kay Jinkee, wala raw siyang pinakasalan noong mga panahong yun.

Wala bang nagsabi at nagpaalam sa kanya ng sinasabing pang-aabuso physically sa anak noong panahon na yun?

"Wala," tugon niya.

So, ano ang ibig niyang sabihin dito?

"It didn’t happen," sagot ni Jinkee.

Ito ay sa kabila na nagkaroon ng news report tungkol sa pambubugbog kay Jennylyn noong 1991.

Nilinaw rin ni Jinkee na walang opisyal na kasunduan sa pagitan niya at ni Lydia tungkol sa pag-aampon kay Jennylyn.

"No, not officially," sabi niya.

"There’s no agreement between me and Lydia.

"She didn’t even try na ampunin.

"No adoption paper. It doesn’t exist at all."

Sinagot din ni Jinkee ang diumano’y maesmosyunal na paglalahad ni Jennylyn sa YES! ng kawalan ng pagmamahal ng tunay na ina sa kanya.

"I don’t really know what she’s looking for, what she’s talking about.

"Why can’t Jennylyn ask Noli, yung biological father niya?

"Tanungin niya si Noli. Kung paano nangyari ang lahat ng ito.

"Because she can’t put the blame just on me.

"Hindi lang ako, at ako ang nakikita."

Isang makahulugang mensahe naman ang iniwan ni Jinkee sa panganay na anak na si Jennylyn.

Aniya, "She knows better. She knows the truth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nangako naman si Jennylyn na sasagutin niya ang mga pahayag ng kanyang biological mother sa Showbiz Central sa susunod na Linggo, June 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN