Crowds flock to watch Amaya roadshow and motorcade in Dagupan, Pampanga and Nueva Ecija; Marian Rivera and cast meet fans

"Sobrang saya at hindi ko inakala na ganoon karami ang tao na sasalubong sa amin. Nakakataba ng puso, sobra. Sana, huwag silang mag-sawa sa Amaya," Marian Rivera tells PEP, amazed at the crowds who came to watch their motorcade and roadshow.


Masasabing sulit na sulit ang effort at ang personal na pagpunta at roadshow ng cast ng Amaya, ang pinakabago at itinatayang pinakamalaki at kauna-unahang epicserye ng GMA-7, na ginanap sa Dagupan, Pampanga at Nueva Ecija noong Sabado at Linggo, June 4 at June 5.

Base sa report na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagsimula ang roadshow June 4 sa main streets ng Dagupan including Perez, Del Pilar, A.B. Fernandez, Burgos, Tapuac, Lucao, at CSI Dagupan Streets.

Nasa 100,000 daw ang estimate ng crowds na nag-abang at nanood ng Amaya roadshow motorcade.

Halos lahat daw yata ay nag-abang sa pagdaan ng float na replica ng Karakoa at sakay ang ilan sa cast ng epicserye na sina Rochelle Pangilinan, Glaiza de Castro, Sheena Halili, Mikael Daez, Dion Ignacio, AJ Dee at ng bida nito na si Marian Rivera.

Estimated naman daw na nasa 6,000 na katao ang nanood sa mall show sa Stadia sa Dagupan.

Kahapon naman, Linggo, June 5, sinimulan ang road show ng Amaya sa may SM City Pampanga Event Center. Umabot daw sa 10,000 ang pumunta at nanood at live nga na napanood ng mga PampagueƱos ang cast ng Amaya sa pangunguna pa rin ni Marian. This time, kasama niya sina Glaiza, Sid Lucero, Mikael, Dion, AJ at Buboy Villar.

After the mall show, dumiretso ang buong cast sa motorcade sa Cabanatuan City. Alas-sais na halos ng gabi kahapon ay ongoing pa rin ang motorcade. Estimated na nasa half-million daw ang mga nanood ng motorcade at nanood ng mall show sa NE Pacific Mall kunsaan, siksikan at punong-puno raw ang parking lot ng mall.

Sa mga report na natanggap ng PEP tungkol nga sa unang leg ng road show ng Amaya na ginanap sa Central Luzon, minabuting hingan ng PEP ng reaction ang tinataguriang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian sa pamamagitan ng text message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-reply naman ito after few hours.

Aniya, "Sobrang saya at hindi ko inakala na ganoon karami ang tao na sasalubong sa amin. Nakakataba ng puso, sobra. Sana, huwag silang mag-sawa sa Amaya."

May smiley pa sa hulihan ng text reply ni Marian. Obviously, pagpapahatid na rin ng kasiyahan niya sa dalawang araw na road show nila.

Sa huling tanong namin kung totoong estimated half-a-million daw ang nanood sa kanila sa huling gabi, mabilis ang naging reply niya na, "Oo nga e! Salamat sa Diyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN