Kim Chiu shrugs off rumored rift with Erich Gonzales; bonds with new friends Angelica Panganiban and Maja Salvador

"Sa buhay ko, ang dami kong naging kaibigan. Taon-taon, iba-ibang lugar, nalibot ko na ang buong Pilipinas. So, hindi ko kaya na tayong dalawa lang, yung dalawa lang tayong magkaibigan, tayo lang for life... Gusto ko marami para masaya at iba’t ibang ugali at experiences," says Kim Chiu.


Sa pag-uwi ng Star Magic talents galing sa kanilang U.S. tour last April, kapansin-pansin ang kakaibang closeness na nabuo kina Kim Chiu, Angelica Panganiban, at Maja Salvador.

Balita na sa mga lakaran at activities na ginawa nila sa nasabing tour ay laging magkasama ang tatlo.

Nahaluan nga lang ng intriga ang lahat nang lumabas ang interview ni Angelica sa TV Patrol kung saan maaanghang na salita ang binitawan nito patungkol kay Erich Gonzales.

Lumabas kasi sa kuwento na palihim daw na nagpunta ng Tagaytay si Erich at ipinakilala ito ni Derek Ramsay sa kanyang ina. Paborito daw kasi ng ina ni Derek si Erich na nakasama ng aktor sa Magkaribal.

Ayon pa sa mga lumabas na kuwento, naituro ang pangalan ni Kim na siya raw nagparating kay Angelica ng tungkol sa minsanang paglabas nina Derek at Erick.

Magkaibigan din sina Kim at Erich, na parehong kabilang sa barkadahang "Chiurigogobashu."

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol dito si Kim sa taping ng My Binondo Girl last week, paiwas siyang magbigay ng komento.

"Next question, please. Luma nang issue ’yang kay Erich," sabi ni Kim.

Napipikon ba siya kapag napag-uusapan ang isyung ito?

"Hindi naman sa napipikon, parang naaano lang na paulit-ulit kasi, e, hindi naman talaga totoo.

"Hindi ko alam kung saan nanggaling yun.

"Kahit kami nila Melissa [Ricks], nila Erich, ’O, ayan na naman, parang bakit? Ano ang problema?’

"Sila naman, may iba ding kaibigan, hindi sila-sila lang."

Nilinaw rin ni Kim na walang away sa pagitan nila ni Erich, na siyang itinuturong rason kung bakit nagsalita raw siya kay Angelica.

"Kami, continous naman ang communication namin, okay naman kami, ganun pa rin.

"Lumalabas at nagba-bonding pa rin kami," sabi ni Kim.

Sa hiwalay na panayam ay nilinaw na rin ni Derek ang isyung ito. Sinabi niyang alam daw ito ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MELISSA RICKS. Tinanong din ng PEP si Kim kung may komunikasyon pa sila ni Melissa Ricks, at kung ano ang suportang ibinibigay niya sa kaibigan ngayong break na ito at si Jake Cuenca.

"Nag-uusap kami minsan. Nag-text siya kung ano ang gagawin niya.

"Nandun lang naman ako at isang text lang, nagre-reply ako agad.

"Saka nandito naman kaming lahat, andami namin.

"Nami-meet ko naman siya minsan, nagkikita kami, pero hindi lang lagi.

"Hindi lang yung buo sila, hindi ako nakakasama. May ginagawa, e.

"Si Mel, ngayon palaban na siya, e. ’Ay, ikaw na ba ’yan Melissa?’ parang ganun.

"Nagulat ako nung one time, parang ang tagal naming di nagkita.

"Nung nag-ASAP siya, nagkita kami dun, nagkuwentuhan kami, parang, ’Ano ’yang sinasabi mo sa akin, ’te?’

"Ako, masaya ako para sa kanya.

"Feeling ko, okay na naman siya kasi hindi na siya masyadong umiiyak."

ANGELICA & MAJA. Sa kabila nito, inamin din ni Kim na sobra siyang nag-e-enjoy sa mga bagong kaibigan na sina Angelica at Maja.

"Okay naman sila, nakakatuwa. Pag kasama ko sila, tawa lang kami nang tawa.

"Sabi nga sa akin ni Angelica, ’Ang hirap palang maging Kim Chiu, lalagnatin ako!’

"Sabi ko, ’Ano ka ba, hindi naman.’

"Iba-iba sila. Si Angelica, siga na kengkoy. Si Maja naman, siga na parang sweet at bakla din."

Ayon kay Kim, simula pa lang pagkabata ay naging bukas na siyang makipagkaibigan sa marami dala na rin ng palipat-lipat sila ng tirahan ng pamilya niya.

"Ako kasi, simula ng bata ako, wala talaga akong mga best friend kasi iba-ibang lugar ang tinirhan ko.

"Kaya hindi ko kayang magturing ng kaibigan na isa lang at siya lang ang best friend ko.

"Sa buhay ko, ang dami kong naging kaibigan.

"Taon-taon, iba-ibang lugar, nalibot ko na ang buong Pilipinas.

"So, hindi ko kaya na tayong dalawa lang, yung dalawa lang tayong magkaibigan, tayo lang for life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam ba’t hindi ko kayang gawin yung isa lang.

"Gusto ko marami para masaya at iba’t ibang ugali at experiences," sabi niya.

Pero sa kabila ng pagkakaroon ng maraming kaibigan, naniniwala pa rin si Kim na importante ang "loyalty, honesty, at trust" sa isang pagkakaibigan.

"Siguro andun talaga yun sa magkakaibigan. Dapat hindi mawala yun."

JOLO REVILLA. Sa My Binondo Girl ay isa sa mga kapareha ni Kim si Jolo Revilla—bukod kina Matteo Guidicelli at Xian Lim.

Hiningan namin ng reaksiyon si Kim sa pag-amin ni Jolo na crush siya nito, at kung wala bang ilangan na nangyari nang una silang magkaeksena sa My Binondo Girl.

Ani Kim, "Kanina nga, binigyan niya ako ng 50 pieces of siomai, so nakakatuwa siya.

"Naninibago ako, pero okay naman kami.

"Sa eksena namin kanina sa jeep, inabot niya sa akin yung pamasahe niya, pag-upo ko, ’Ay, si Jolo pala!’

"Siyempre, nakakatuwa kasi simula pa lang ng taping namin and hanggang sa ngayon, wala naman akong naramdamang ilangan, parang buddy-buddy lang.

"Basta lahat kami, ang priority namin ay yung soap, na maganda ang kalabasan niya.

"Tapos, gusto ko focused talaga at pinaghahandaan namin yung show."

Nang tanungin kung ready na ba siya ngayon for a new relationship, consistent pa rin si Kim sa pagsasabing she’s not yet ready for another commitment.

Paliwanag niya, "Friends ko silang lahat, textmates kami, nagke-care naman sila sa akin, pero ako, hindi ko pa kayang mag-care.

"Wala namang trauma, hindi naman masama ang experience ko dati.

"Naghahanap lang talaga ako ng tamang lalake na magmamahal at mag-aalaga sa akin.

"Alam naman nila yun na hindi pa ako ready.

"Nahiya nga ako, kahit hindi naman nila sinasabi na ’Kim, liligawan kita, okay lang sa iyo?’

"Mararamdaman mo naman, e, kunwari mga padala-dala... After nun, pinangungunahan ko, ’Uy, ganyan, hindi pa ako talaga ready.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung iba, gusto lang nilang maging friends lang muna kami, hindi naman ako ipaasa," saad ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN