’8os child star Chuckie Dreyfuss wants to revive his showbiz career

"God forbid, may mangyari man, at least I did everything for her," says Chuckie Dreyfuss about his mother, who is suffering from Stage 3 breast cancer.


"Ang hinihingi ko lang po, oportunidad at tiwala, at pagmamahal at suporta sa inyong lahat."

Ito ang naging pahayag ng dating child star na si Chuckie Dreyfuss sa interview sa kanya ng The Buzz.

Si Chuckie ay naging sidekick ng yumaong actor na si Rudy Fernandez sa 1985 film na Idol at naging miyembro rin ng youth-oriented show na That’s Entertainment.

Ang dahilan ng kagustuhan ni Chuckie na magbalik sa showbiz ay dahil sa kundisyon ng kanyang ina.

Nasa Stage 3 na ang breast cancer ng ina ng dating child star, na matagal daw inilihim nito sa kanyang pamilya.

"I found out early this year," sabi ni Chuckie.

"Itinago niya sa akin. Ang sabi niya sa akin, ayaw lang niyang maging pabigat.

"Ayaw daw niya akong nakikitang nag-aalala bilang nag-iisang anak."

Ngunit hindi na rin nakaya ng kanyang ina na itago pa ang lumalalang kalagayan nito.

"Hindi na niya matago ang sugat sa dibdib niya...

"When we had it checked, it was already Stage 3C, which I believe is the last phase before Stage 4."

Sa kasalukuyan, abala si Chuckie sa pagpapatakbo ng kanyang sariling digital recording studio.

Bagamat maganda ang takbo ng kanyang negosyo, at career bilang musical director ng ilang mga palabas at pelikula, hindi ito sapat para sa pagpapagamot ng kanyang ina.

"Ang sakit na cancer, hindi naman murang sakit ’yan...

"Kahit ano pang yaman mo, kahit anong dami ng pera mo, uubusin ng cancer ’yan.

"Ang masakit para sa akin is breast cancer is the most curable of all cancers.

"Sabi nga ng doctor, nakakalungkot kasi kung naagapan lang ito, nagawan sana ito ng paraan."

Ang kalagayan na ito ng kanyang ina ang dahilan kung bakit gustong bumalik ni Chuckie sa showbiz, kung saan siya nagsimula sa edad na walo.

"I would really like to give her proper treatment," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"God forbid, may mangyari man, at least I did everything for her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN