Jinkee Pacquiao’s "unconditional love" saved her marriage with Manny Pacquiao

"Siguro yung ginawa ko na, talagang kahit minsan, nasasaktan niya ako, yung suporta ko pa rin, hindi ko binitawan. Kumbaga, yung unconditional love. Kahit ganoon kasakit. Pero kapag mahal mo ang isang tao, kailangan ipaglaban mo yung pagmamahal mo," says Jinkee Pacquiao.


Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng problema sa pagsasama ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng kanyang misis na si Jinkee.

Ito ay dahil sa pagkakaugnay ng pangalan ni Manny sa sexy star na si Krista Ranillo.

Nasaksihan ng publiko kung paano nasaktan si Jinkee sa nangyari, pero sa kabila nito ay nanatili siyang matatag at ipinaglaban ang kanyang karapatan bilang maybahay ni Manny.

At pagkatapos nga ng unos na ito ay naging matatag ang pagsasama nina Manny at Jinkee.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagtatanong kung napatawad at nakapag-move on na nga ba si Jinkee sa mga intriga at kontrobersiya na yun sa kanilang buhay mag-asawa.

Sa isang phone-patch interview ay nakausap ng The Buzz si Jinkee habang nasa General Santos ito kahapon, June 5.

Aniya, "Mas lalong naging close kami.

"Sa lahat naman ng pinagdadaanan, parang you learn from it.

"And then, yung love namin sa isa’t isa, parang nadaragdagan pa.

"Masaya kami na buo ang pamilya."

Ibinahagi rin ni Jinkee ang kanyang ginawa para mapaglabanan noon ang hindi magandang nangyari sa kanilang pagsasama ni Manny.

"Siguro yung ginawa ko na, talagang kahit minsan, nasasaktan niya ako, yung suporta ko pa rin, hindi ko binitawan.

"Kumbaga, yung unconditional love. Kahit ganoon kasakit.

"Pero kapag mahal mo ang isang tao, kailangan ipaglaban mo yung pagmamahal mo," saad niya.

Ngayon, kung pagmamasdan sina Jinkee at Manny, tila tapos na ang kabanatang yun sa buhay nila. Handa na nga ba silang umusad at harapin ang kani-kanilang buhay?

"Matagal na rin kasing panahon na nangyari yun, so parang nakalimutan ko na rin yun," sagot ni Jinkee.

"Saka napatawad ko na rin lahat kung sinuman ang nakasakit sa akin.

"Parang naka-move on na rin ako. Parang ganun."

Simula nga noon, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sina Jinkee at Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali man daw na magkaroon ng pagkakataon na magkita sila, nakahanda raw si Jinkee na pansinin o batiin si Krista.

"Kung papansinin niya ako, siguro yun lang, ngingitian ko lang siya. Just say hi, hanggang dun lang," sabi niya.

Naniniwala naman si Jinkee na kung naka-move on na siya, gayundin naman si Krista.

"Siguro naka-move on na siya.

"Kasi kapag nakikita ko siya, kapag ini-interview siya, nakikita ko na happy naman siya. Parang at peace naman siya.

"Happy siya ngayon na nagkaroon na siya ng anak. May pamilya na rin siya.

"I’m sure na naka-move on na rin siya."

Sa huli, may mensahe namang ibinigay si Jinkee para kay Krista.

"Kasi sa mag-asawa, may mga pinagdaraanan tayo, may mga ups and downs.

"Pero basta maging strong lang siya saka alagaan niya rin yung pamilya niya if ever na may mga problemang darating.

"Yun, mahalin niya ang pamilya niya. Yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN