Mariel Rodriguez not jealous of Robin Padilla’s Guns and Roses leading lady Bea Alonzo

"I’ve always been a fan of Bea," says Mariel Rodriguez about Bea Alonzo (inset), the leading lady of her husband Robin Padilla in the new primetime series Guns and Roses.


Hindi raw sanay ang TV host-actress na si Mariel ngayong abalang-abala na ang kanyang mister na si Robin Padilla sa pagpo-promote ng bagong ABS-CBN primetime show nitong Guns and Roses.

Lumabas kasi ang balitang nagseselos daw ang Happy Yipee Yehey! host sa leading lady ni Robin na si Bea Alonzo.

Sa panayam ng ABS- CBN News kay Mariel, ipinaliwanag nito na hindi pagseselos ang kanyang nararamdaman sa ngayon.

"I’m not just used to it na katulad yung kumakanta [para sa promotion]. Hindi ako sanay.

"Kasi ang alam ko, sa akin lang siya kumakanta. Walang may kasalanan, walang anything.

"Hindi lang ako sanay," sabi ni Mariel.

Dagdag pa niya, professional naman silang mag-asawa’t alam nilang may kanya-kanya silang dahilan sa pagtatrabaho.

"Hindi naman isyu ang pagtatrabaho.

"Alam namin yun, kaya kami nagtatrabaho, lalo na si Robin marami siyang gustong matulungan.

"This is our medium, na magawa kung ano ang gusto naming magawa," saad niya.

Sa katunayan pa nga raw, fan ni Bea si Mariel mula nang mapanood niya ang aktres sa dati nitong primetime soap opera na Maging Sino Ka Man.

"I’ve always been a fan of Bea. Sa Maging Sino Ka Man pa lang ni Bea, alam niya ’yan.

"For me, as a dramatic actress, siya ang pinakamagaling. Siya ang prinsesa ng primetime at reyna ng ABS-CBN.

"Talagang sobra kong saya na siya ang partner ni Robin,"

Mag-iisang taon pa lamang kasal sila Mariel at Robin, na unang nagkasama sa huling bahagi ng Wowowee, na nasundan sa defunct noontime show na Pilipinas Win Na Win.

Sa ngayon, aminado si Mariel na hirap pa siyang mag-adjust sa bagong schedule ng mister dahil sa project nito.

"Sobrang bait niya talaga, as in ibang klase," sambit niya.

"Siguro hindi lang ako sanay. Kasi normally kapag weekend, magkasama kami.

"Pero siyempre naiintindihan ko naman na nagtatrabaho siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s adjustment also for me.

"Kasi may ibang bagay na sa akin lang niya ginagawa.

"Pero ganoon siya talaga. Sobrang gentleman niya. Sobrang bait niya sa lahat.

"So I can’t help but feel na, awww, hindi na kami laging magkasama.

"Pero he really makes an effort at nagpapasalamat ako doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN