Ai-Ai delas Alas stars opposite Vic Sotto and Gov. Vilma Santos in her next two movie projects

"Wala, e. Ganun talaga, di ba, hindi lahat sa iyo? Ibigay mo na lang sa iba. Pag meron na, baka mamaya hindi na kumita yung mga pelikula. So, okay na yun," says Ai-Ai delas Alas when asked about her lovelife.


Marami ang na-excite sa balitang magsasama sa isang pelikula na magiging entry sa Metro Manila Film Festival 2011 sina Box-Office Queen Ai-Ai delas Alas at Box-Office King Vic Sotto.

Sa interview ng Paparazzi na ipinalabas kahapon, June 5, sa TV5, may reaksyon si Ai Ai tungkol dito.

"Nung tinanggap ko yung Best Actress ko sa Metro Manila Filmfest [2010], sabi ko, sana next year hindi na kami magkalaban [ni Vic], magkakampi na kami.

"Kasi parati akong naii-stress na siya yung kalaban ko. Gusto ko kakampi ko naman siya.

"Dream come true ko yun na makasama ko si Bossing sa movie.

"Sana nga matuloy kasi parang 50-50 pa. Kasi inaayos pa yung iba, direktor, ganyan-ganyan, blah, blah, blah," sabi ni Ai Ai.

OTHER PROJECTS. Bukod pala sa movie project nila ni Vic, nakatakda ring gumawa ng pelikula si Ai-Ai kasama naman si Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

"Malapit na rin yun. Baka after nito [movie with Vic], next year.

"Gusto ko yun at saka ipinangako sa akin ng Star Cinema yun," sabi niya.

Nang matanong naman kung sino ang gusto niyang maging leading man sa gagawin pa niyang pelikula, isang Kapuso hunk ang isinagot niya.

"Si Aljur [Abrenica]. Gusto kong makasama si Aljur sa movie."

Totoo bang pinagnanasaan niya si Aljur?

"Pinagnanasaan niya ako.

"Bakit ako? Ako lang ba?

"Hindi na siya baby, pero ako pa rin ang mommy!" biro niya.

NO LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, inamin naman ni Ai-Ai na loveless siya ngayon.

"Wala, e. Ganun talaga, di ba, hindi lahat sa iyo? Ibigay mo na lang sa iba.

"Pag meron na, baka mamaya hindi na kumita yung mga pelikula.

"So, okay na yun."

Pero happy ba naman siya?

"Single but happy," sagot niya.

Paano niya sasagutin yung sightings sa kanya na may ka-date?

"Naku, wala yun, date-date ko lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

With regards naman sa short-lived romance niya sa ilang foreigners, heto lang ang masasabi ng Comedy Queen:

"Hindi naman ako playgirl," biglang naubo sa pagsagot si Ai-Ai.

"Naubo naman ako sa iyo. Hindi, wala ano lang yun, friendly date ang tawag doon.

"Atsaka, di ba, loveless is the new flawless?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN