Phil Younghusband on Angel Locsin: "She means a lot to me."

"She’s very supportive! She knows that sports is my priority and she understands that. And she wants the Philippine [national football] team to be successful," says Phil Younghusband about Angel Locsin’s support for his football career.


Well-attended ang ginanap na media launch kaninang tanghali, June 7, ng energy drink brand na Vitwater Power, which has Philippine National Football Team power player Phil Younghusband, no less, as endorser.

Halos lahat ng malalaking broadcasting network, at iba pang media representatives, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay dumalo sa press conference sa 55 Events Place on Scout Rallos, Quezon City.

At the post-presscon interview, muling hiningan ng mga pahayag si Phil as he was about to take his lunch sa private room ng venue.

"I’m alright, okay...fine since I came [home].

"And I’m going to Hong Kong for training with the Azkals," banggit ng athlete.

ANGEL LOCSIN. Mabilisan ang media interview na ginanap sa private room, kaya ang mga naroong nagtatanong ay mabilis din ang pagkuha ng statements ng sports celebrity hinggil sa pinag-uusapang ugnayan ngayon nila ng sikat na young actress na si Angel Locsin.

Kumusta na sila ni Angel?

"We’re fine, we’re fine," mabilis na sagot ni Phil.

Earlier, nabanggit na rin ni Phil that Angel is "very special" to him. And he was asked to reiterate his statement.

"She means a lot to me," pag-amin niya.

"We’re still getting to know each other and find new things about each other."

Dagdag-pahayag pa ni Phil, hindi siya magiging sagabal kay Angel "where she’d be [most] happy."

IN THE NAME OF LOVE. Bagay rin ang title ng pelikulang pinagbibidahan ni Angel, opposite Aga Muhlach and Jake Cuenca, sa tinutungo ng relasyon ng young actress at ng popular athlete.

Ika nga, anumang sagabal o hindrance meron sila ngayon ay posibleng mapagtagumpayan "in the name of love."

But, at this point, tila wala pang katiyakan ang lahat.

Ang mga unang ulat pa lang ng physical togetherness ng dalawa, as seen in public, ay nang magkasama silang manood ng isang exclusive screening ng In the Name of Love. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malayang nagkuwento si Phil tungkol sa naging impresyon niya sa pelikula, sa pagganap ni Angel, at sa mga sinabi niya sa aktres matapos mapanood ang pelikula.

"I just said congratulations and I was very impressed. She did a great job!" sabi ni Phil.

Yun daw ang unang Tagalog movie na kanyang napanood.

"And I was glad that I watched her," nakangiting sabi pa ng naka-date ni Angel sa sariling movie nito.

What does Phil think of Angel’s "pole dancing" sequence in the movie?

"Oh, she’s very talented!" sambit ng Filipino-British athlete.

"I mean, that was a hard work... showing her dancing up the tower... that was hard work.

"And she puts in a lot of dedication to [her] performance."

Naunawaan ba ni Phil ang kuwento ng pelikula nina Angel at Aga?

"Yes, yes!" paniniyak din ni Phil.

"[It] was hard, but I understood some of the sentences put together."

Nakakaintindi na raw ng maraming salitang Tagalog si Phil.

"I’m okay... I’m okay," sabi pa niya.

EXCLUSIVELY DATING. Tinanong ng PEP si Phil if he and Angel are exclusively dating.

"Yeah, we’re exclusively dating," sagot ni Phil.

Kamakailan ay dumating si Angel mula sa States para sa U.S. premiere ng nasabing ABS-CBN-Star Cinema movie.

Nagkita na ba sila ni Angel?

"Yes, yes!" Phil excitedly replied.

Ano ang mga naging pasalubong ng aktres sa kanya?

"Candies, sweets," sabi ni Phil, na hindi nawawala sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti whenever he talks about Angel.

SHY ANGEL. Tinanong din si Phil kung ano ang kanyang damdamin sa pagiging likas na mahiyain ni Angel, habang siya naman ay magiliw dito and always talking highly of her.

"It’s quite hard," sabi niya.

"The thing is, it’s hard...her position.

"I mean, I don’t know what she’s feeling...what she wants to say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when she talks to me, what I want to say..."

Soon, Phil and the national football team will be leaving for Germany to compete.

Nag-usap na ba sila ni Angel on how they’re going to communicate?

"Whenever we can communicate, we will," paniniyak ni Phil.

"She’s very supportive and she understands the preparations before the game."

Ayon pa sa kilalang athlete, Angel has learned to like football.

"She’s very supportive! She knows that sports is my priority and she understands that.

"And she wants the Philippine [national football] team to be successful," sabi pa ni Phil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN