Dennis Trillo still chooses to remain quiet despite allegations of ex-girlfriend Jennylyn Mercado

"Ako, para sa akin, sa tingin ko, hindi ko na rin kailangang sagutin yun. Eight years n’yo na rin akong nai-interview and, sa tingin ko, alam na ninyo na hindi ako pumapasok sa mga ganyang publicities or sa mga gimmicks. Pero ang ikinatutuwa ko lang, despite do’n sa mga naglalabasang hindi maganda, nandito pa rin ako," says Dennis Trillo about not answering the allegations made by ex-girlfriend Jennylyn Mercado.


Maganda ang aura ni Dennis Trillo nang humarap siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press para sa launching ng bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sinner or Saint, kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Ave., Quezon City.

Maraming naging isyu kay Dennis nitong mga nakalipas na linggo dahil sa controversial breakup nila ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Pero nanatiling tikom ang bibig ng Kapuso actor.

Kaya naman kagabi ay kinumusta ng press si Dennis pagkatapos lumabas ng tell-all interview ni Jennylyn sa YES! magazine, kung saan isiniwalat ng actress-singer ang mapait na sinapit ng kanilang relasyon. (CLICK HERE to read related story.)

"Okay naman, hindi naman masyadong napinsala ng bagyo," nakangiting sambit ni Dennis.

"At eto, marami na namang trabaho. Itong Sinner or Saint at may dalawa rin akong pelikulang ginagawa.

"Ang Temptation Island, hindi pa tapos," banggit niya sa pelikula ng Regal Films kung saan may special guest appearance siya.

"Yung My Neighbor’s Wife, nagsimula na rin kami. Nakakadalawa [shooting days] na kami."

Dito ay makakasama ni Dennis sina Lovi Poe, Carla Abellana, at Jake Cuenca.

Ano naman ang ginagawa niyang therapy pagkatapos ng kontrobersiyang pinagdaanan niya?

"Hindi naman kailangan masyado ng therapy," mabilis niyang tugon.

"Siyempre ngayon, maraming trabaho, mas nakakalimutan ko ngayon yung mga dapat na hindi ko na pinag-iisip.

"Instead, napo-focus lahat doon sa mga kailangan kong gawin para mas pagbutihin pa at i-improve ang sarili ko.

"Sa pamamagitan nito, ng mga projects, pagtatrabaho, sa pagkakaroon din ng maraming oras para sa pamilya ko.

"Nakaka-refresh din yung ganoon na mas marami kang oras na nailalaan para sa mahal mo sa buhay."

ISSUE WITH JENNYLYN. Sa lahat ng mga naglabasang isyu at kontrobersiya sa pagitan nila ni Jennylyn, ang panig lang ng actress-singer ang naririnig at nababasa.

Piniling maging tahimik si Dennis sa lahat ng mga akusasyon na naglabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Dennis kung sa pagkakataong ito ay gusto na ba niyang linawin ang lahat ng nangyari, o ipagtanggol ang sarili sa mga naglabasan.

May nagsabi rin kay Dennis that sometimes silence means yes.

"Ganoon po ba yun?" sagot nito.

"Ako, para sa akin, sa tingin ko, hindi ko na rin kailangang sagutin yun.

"Eight years n’yo na rin akong nai-interview and, sa tingin ko, alam na ninyo na hindi ako pumapasok sa mga ganyang publicities or sa mga gimmicks.

"Pero ang ikinatutuwa ko lang, despite do’n sa mga naglalabasang hindi maganda, nandito pa rin ako.

"Parang mas dumami pa ang mga projects ko. Mas maraming blessings na dumarating.

"Yung mga negative, kailangan iwan mo yun para maging positive ang mangyari sa buhay mo.

"So, ganoon lang ang ginagawa ko ngayon.

"Imbes na pagtuunan ko ang negative, kino-convert ko siya into positive energy."

Pero ayaw ba niyang i-clear o depensahan ang sarili, lalo na sa isyung nasaktan, nasigawan, at napagsalitaan niya ng hindi maganda si Jennylyn?

"Hindi na, hindi na... Hindi na matatapos yun, e," nakangiti niyang sabi.

Masasabi ba niya na kung anuman ang nangyari sa pagitan nila ni Jennylyn, may sapat na dahilan kung bakit ito nangyari?

"Kung anuman yung mga nangyari, lahat yun may dahilan," sagot ni Dennis.

Gaano kalaki o kaliit ang percentage of truth sa mga naglabasan?

"Hindi ko naman kasi nabasa yung lahat ng naglabasan," sabi niya.

"Pero ewan ko, bahala na sila kung sino ang paniniwalaan nila.

"Pero yung totoong nakakakilala sa akin, yun ang ano..."

May pagsisisi ba siya sa naging relasyon nila ni Jennylyn?

"Siyempre, alam mo yun, nandoon yung pagsisisi, natural," pag-amin niya.

"Hindi naman puro masasaklap ang nangyari sa aming relasyon.

"Nandoon pa rin yung mga masasayang memories na kahit ganoon yung kinalabasan ng ending, yung mga magagandang nangyari, madadala mo pa rin yung mga memories no’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If he could turn the hands of time, gugustuhin niya pa rin ba na ganoon ang naging ending ng relationship nila ni Jennylyn?

"Siyempre hindi. Siyempre hindi...

"Mas maganda siyempre na hindi ganoon.

"Pero siyempre, time heals all wounds."

Sa ngayon daw ay loveless siya and not yet looking for love

"Sa ngayon, hindi muna. Susubukan ko muna," nakangiti niyang sabi.

Happy ba siya ngayon na si Jennylyn ay sinasabing may Luis Manzano na?

"Ayoko na munang mag-comment diyan," iwas ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN