Alfred Vargas enrolls in UP for Master of Public Administration; excited over birth of his second child this October

"Aminado ako, baguhan tayo, I wanna do everything I can para mas matuto at para magkaroon ng higher performance pagdating sa governance. Aaminin ko, enjoy na enjoy ako sa public service and natutuwa ako dahil may ganitong course sa UP, and gagawin ko lahat para mas mapabuti ko. And for me, I have the two best jobs in the world—to be a public servant and to be an actor. Para sa akin, wala na akong hihilingin pa na ibang trabaho," says Alfred


Sinundan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alfred Vargas na nagpa-enroll sa University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance o UP-NCPAG kahapon, June 8.

Pursigido ang aktor na tapusin ang Master of Public Administration na sinimulan niya noong first semester.

Kahit abala sa kanyang trabaho bilang konsehal ng District 2 ng Quezon City at sa pag-aartista, sisikapin daw ni Alfred na matapos ang kursong ito para sa kanyang political career.

Naisingit daw niya sa kanyang schedule ang pagre-review dahil pursigido siyang makatapos.

"Kahit sa taping, naka-costume ako, nag-aaral ako kasi hindi naman biro ang pag-aaral.

"Kaya nag-aaral ako para sa public service," ani Alfred.

Paghahanda nga ba ito sa susunod na eleksyon na posibleng tatakbo siya sa higher position?

"Not necessarily higher position, pero what I’m aiming for is a higher performance.

"Higher knowledge para mas ma-serve ko ang mga constituents ko.

"Kasi aminado ako, baguhan tayo, I wanna do everything I can para mas matuto at para magkaroon ng higher performance pagdating sa governance," sagot ng actor-politician.

Dagdag pa niya, "Aaminin ko, enjoy na enjoy ako sa public service and natutuwa ako dahil may ganitong course sa UP, and gagawin ko lahat para mas mapabuti ko.

"And for me, I have the two best jobs in the world—to be a public servant and to be an actor.

"Para sa akin, wala na akong hihilingin pa na ibang trabaho."

BAPTISM. Bukod sa pagiging aktor at pulitiko, ini-enjoy na rin ni Alfred ang pagiging asawa ni Yasmine Espiritu at pagiging ama sa kanilang anak na si Alexandra Milan.

Matatandaang umamin sa unang pagkakataon si Alfred noong isang linggo na kasal na sila ni Yasmine at may anak na sila. (CLICK HERE to read related story.)

Sa Sabado na, June 11, ang binyag ng kanilang anak, na gaganapin sa Christ the King Church sa Greenmeadows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga kaibigan ni Alfred sa showbiz at pulitika na kinuhang ninong at ninang ay sina Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Diana Zubiri, Iza Calzado, at Paolo Contis.

Karamihan sa mga nabanggit ay hindi makakadalo dahil may mga natanguang commitments sa ibang bansa, at si Marian naman ay may shooting para sa Temptation Island.

Pero itutuloy pa rin daw nila ang naturang binyagan.

Pinaghahandaan na rin nila ang panganganak ni Yasmine sa kanilang pangalawang baby na naka-schedule sa October.

Malalaman na raw ngayong linggo kung baby boy o girl ang ipinagbubuntis nito.

Pinag-uusapan na rin nila ni Yasmine kung dito o sa Italy ito manganganak.

"Pag boy, dito sa Pilipinas kasi gagawin kong Alfredo IV. Pag girl naman, baka sa Italy.

"Kasi sa Italy, bawal ka magpamana ng pangalan kung buhay ka pa. Meron silang ganung batas.

"Ako siyempre, gusto ko meron akong Junior., meron akong the Fourth.

"So, kung lalaki, dito sa Pilipinas. Kung babae, most probably doon sa Italy," excited na kuwento ni Alfred.

Sa ngayon ay masaya na raw siya dahil nai-open na nila sa lahat ang buong katotohanan.

Natutuwa si Alfred dahil kahit papano’y nabigyan naman ng magandang atensiyon ang kanyang asawa.

"Ang saya-saya namin ngayon, lalo na’t nakita namin ang suporta ng lahat.

"First time din niyang nakakita ng ganung atensiyon, kasi very private siya.

"Para sa amin, everything’s going well right now, gusto lang namin, e, mapalaki ang mga anak namin to be good citizens."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN