Mayor Patrick Meneses denies accusation that he is violent: "Never akong naging bayolente. Hindi ako gano’ng klase ng tao."

Bulacan Mayor Patrick Meneses refuses to answer questions directly about his ongoing case against ex-girlfriend Aiko Melendez since it is already in court.

"Ang hirap kasi hindi ako sanay sa ganito talaga, e. This is my first case. My first legal trouble," he says.


Aksidenteng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses noong Martes ng gabi, June 7.

Dumaan kasi si Mayor Meneses sa Mga Obra Ni Nanay art gallery ng showbiz talk show host at columnist na si Cristy Fermin sa Sct. Reyes, West Triangle, Quezon City.

Nagulat pa siya nang makitang may ilang movie press na naroon, na katatapos lang makipag-usap sa nagbabalik-showbiz na aktor na si Michael Sandico at sa batikang direktor na si Mario J. de los Reyes.

Siyempre pa, hindi maiwasang usisain si Mayor Meneses tungkol sa sitwasyon nila ng dating girlfriend na si Aiko Melendez.

Pero asiwa ang alkalde na mag-entertain ng maiintrigang tanong.

Pakiusap nga niya, huwag na raw interview. Kaswal na kuwentuhan na lang daw.

Hindi raw kasi siya puwedeng magsalita lalo kung ang tungkol sa usaping legal sa pagitan nila.

May libel case kasi siyang naisampa against Aiko kaugnay ng mga diumano’y mga paninira sa kanya na nagsimula sa Twitter hanggang kalaunan ay naisulat din ng ilang movie columnists. (CLICK HERE to read related story.)

May kontra-demanda ring nai-file laban sa kanya si Aiko which has something to do with PD 9262 o Anti Violence Against Women. At hearing na raw nila rito kinabukasan, Wednesday, June 8. (CLICK HERE to read related story.)

Aware umano si Mayor Meneses sa gag order sa kanya ng court which will take effect kapag nakapag-hearing na. Kaya he can’t really talk about it daw.

Gano’n pa man, hindi talaga makakaiwas si Mayor Meneses sa mga tanong tungkol kay Aiko at sitwasyong kinahantungan ng kanilang breakup.

Ang dahilan ng pagsasampa ng kaso ni Mayor Meneses laban kay Aiko ay dahil sa pagkakalat diumano na kuwestiyonable ang kanyang gender at inili-link pa siya sa kapwa lalake, gaya na lang sa mayor din ng isa pang bayan sa Bulacan na si Enrico Roque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba ng malaking epekto sa imahe at pagkatao niya ang mga paninira sa kanya na diumano ay pakana ng kanyang dating kasintahan?

"Ang hirap kasi hindi ako sanay sa ganito talaga, e," sabi niya.

"This is my first case. My first legal trouble.

"And all my exes, we’re okay. I’m friends with my exes."

Sila lang daw ni Aiko ang hindi maganda ang naging paghihiwalay dahil bukod sa mga isyung ibinunga ng breakup nila ay humantong pa nga ito sa pagsasampa nila ng demanda sa isa’t isa.

REASON FOR BREAKUP. Hindi rin malinaw kung ano nga ba talaga ang rason kung bakit sila nag-split.

Although nilinaw nilang walang third party sa kanilang hiwalayan, parehong tikom ang kanilang bibig tungkol dito.

May tsismis na nalulong daw kasi si Aiko sa pagkaka-casino na hindi raw nagustuhan ni Mayor Meneses. At ito ang sinasabing posibleng dahilan umano ng tuluyang pagkakalabuan ng dalawa.

Pero itinanggi ito ni Mayor Meneses.

In fairness daw kay Aiko, hindi naman daw totoong lulong ito sa pagka-casino.

Isa raw sa naging problema sa relasyon nila ay ang kawalan ni Mayor Meneses ng time kung minsan dahil na rin nga sa tungkulin niya bilang isang public servant.

How did his family react sa naging maintrigang hiwalayan nila ni Aiko?

"Of course, shocked din sila," sagot ng alkalde ng bayan ng Bulacan.

"Wala naman silang sinabi sa akin na anything but I have their all-out support.

"Imagine, for so many years, inaalagaan ng pamilya ko ’yong pangalan namin."

Kahit na sinasabing maganda naman ang performance niya bilang mayor ng Bulacan, may "stigma" pa rin daw ito sa mga nasasakupan niya.

"Hindi naman maiaalis ’yon, e. At kumbaga, the damage has been done," sabi niya.

Hindi ba sila puwedeng magkapatawaran na lang ni Aiko?

"It’s hard for me kasi to answer that. Dahil wala namang humihingi ng kapatawaran," sagot ni Mayor Meneses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN. Sa ngayon, tila wala namang planong humingi ng patawad sa kanya si Aiko. Bilang buwelta sa libel case na isinampa niya laban sa aktres, nag-file din nga ito ng demanda against him.

"May in-issue sa akin na temporary prevention order. Na I can’t get near her," banggit ng alkalde.

PD 9262 o Anti Violence Against Women ang kasong isinampa ni Aiko laban sa kanya.

Bakit may gano’n? Sinaktan niya ba ang aktres?

"Bayolente raw ako," ani Mayor Meneses.

"Never akong naging bayolente. Hindi ako gano’ng klase ng tao."

Wala raw siyang matandaan ni isang insidente na naging violent siya at nasaktan niya si Aiko sa mga pagkakataong nagkakaroon sila ng pagtatalo o hindi pagkakaintindihan.

Wala rin daw sa tipo niya ’yong makikipagtalo o makikipag-away. Lalo na raw at madalas, at the end of the day, ay pagod na siya galing sa kanyang panunungkulan bilang mayor ng Bulacan.

Pinakaayaw raw ni Mayor Meneses ’yong pagbibintangan siya ng mga bagay na hindi naman niya ginagawa.

Kaya raw kung gano’n na puro komprontasyon na walang basehan, siya na lang daw ang umiiwas. Kesa ma-provoke pa siyang pumatol o hindi na makapagtimpi pa.

Ipinauubaya na lang daw ni Mayor Meneses sa korte ang lahat.

And at the rate things are going, kung siya ang tatanungin, malabo raw talaga kung ang pag-uusapan ay posibilidad ng out-of-court settlement sa pagitan nila ni Aiko.

Lalo pa at may isinampa rin ngang kontra-demanda sa kanya ang aktres.

NO MORE LOVE. Diretsahang nasasabi rin ni Mayor Meneses, wala na siyang nararamdamang love for Aiko.

Noong kasagsagan ng isyung paninira nito sa kanya na nagsimula sa Twitter, do’n na raw ito nawalan pati na rin ang respeto niya umano sa aktres.

Hindi raw kasi talaga niya ma-imagine na kaya siyang siraan ni Aiko nang gano’n katindi. Dahil hindi raw nga ganoon ang pagkakakilala niya rito sa panahong naging sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Aiko ay mariin nitong pinabulaanan ang ibinibintang sa kanya ni Mayor Meneses. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon, bagamat hindi pa natatapos ang mga maintrigang usapin sa pagitan nila ni Aiko, sinisikap daw ni Mayor Meneses mai-focus pa rin nang husto ang sarili sa mga obligasyon niya bilang alkalde.

First term pa lang niya as mayor and he’s looking forward na makarating pa hanggang sa ikatlong termino ng kanyang panunungkulan kung patuloy siyang pagkakatiwalaan ng kanyang mga nasasakupan.

Hindi ba mas masarap manungkulan kung may First Lady siya, halimbawa, na nasa likod niya’t nakasuporta sa kanyang mga plataporma at programa?

"Depende sa First Lady!" natawang sabi ni Mayor Patrick.

"Dapat ’yong makakatulong sa ’yo talaga, di ba?"

So, magiging pihikan na siya sa pagpili ng susunod na makakarelasyon?

Nangiti na lang siya at wala nang anumang nasabi pa.

Matatagalan pa ba bago niya muling buksan ang kanyang puso para sa isang bagong pag-ibig o relasyon?

"Hindi natin masasabi, e. Basta darating din ’yong tungkol diyan," sagot niya.

CONNECTIONS. Best friend ni Mayor Meneses ang boyfriend ni Ara Mina na lagi nilang nakakasama dati ni Aiko no’ng panahong sila pa.

Ngayon daw, siya naman ang minsa’y nakakasama ni Ara at ng boyfriend nito na kaibigan nga niya.

Ang ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana, naging ex-boyfriend din ni Ara.

Ano nga pala ang naging reaksiyon ni Ara sa hindi magandang naging paghihiwalay nila ni Aiko?

"Wala. No comment lang siya.

"Huwag niyo na akong pagtatanungin tungkol sa kung anu-ano.

"Masyado akong honest kasi. Baka kung ano ang masabi ko," pagbibiro pa ni Mayor Meneses.

HEARING. Kahapon, June 8, through text ay kinumusta namin siya tungkol sa isinagawang hearing ng case filed by Aiko.

Nagkaharap daw sila pero ayaw na niyang magdetalye pa tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pasensiya na, I can’t talk about it talaga," naisagot na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN