Melai Cantiveros believes Jason Francisco will be a responsible husband someday

"Kasi dati, pag nag-aaway kami, walang nagpapatalo. Sobrang pride talaga. Ngayon nagso-sorry na kami sa isa’t isa. At saka, abnormal lang talaga kami! May mga times na hindi kami nag-aaway, mga eight months umaabot na walang away. Pero pag dumating naman yung away namin, sobra naman, minsan every week," says Melai Cantiveros about her relationship with Jason Francisco.


Matatandaang nabuo ang pagmamahalan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa Bahay ni Kuya noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother, ang reality show ng ABS-CBN.

Marami ang naghinala na baka gimik lang ng dalawa ang pagiging sweet nila sa loob ng Bahay ni Kuya para pag-usapan at sumikat.

Ngunit pinatunayan ng dalawa ang kanilang pag-iibigan magpahanggang ngayon.

Sa katunayan, nag-celebrate sina Melai at Jason ng kanilang 16th monthsary—o isang taon at apat na buwan—kagabi, June 8, sa isang restaurant sa Ortigas.

Kanina naman, June 9, sa Happy Yipee Yehey! ay binati sila ng kanilang co-hosts.

Pagkatapos ng show ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Melai.

Paano sila nag-celebrate ng monthsary nila ni Jason?

"Kumain lang kami kagabi sa isang restaurant sa Ortigas.

"Tumakas kami, kasi dapat may trabaho kami kagabi, pero tumakas kami para mag-celebrate.

"Basta, magkasama lang kami, nag-ikot-ikot sa city, magkasama kaming dalawa to celebrate our monthsary."

Ano ang gift nila sa isa’t isa?

"Hindi nga ako nakabili ng gift para sa kanya, e," sabi ng comedienne.

"Siya rin naman, hindi na rin siya nakapagbigay ng gift sa akin.

"Mabuti rin naman na hindi na rin siya nakapagbigay, kasi hindi na rin ako nakabili para sa kanya.

"Kasi sobrang busy rin kami sa trabaho namin.

"May taping kasi kami ng Banana Split kaya hindi na ako nakabili. Pero okay lang naman.

"Hindi naman ako nagtampo kay Jason na hindi siya nakapagbigay sa akin ng gift.

"Kasi kahit hindi naman namin monthsary, binibigyan naman niya ako ng makikita niyang regalo para sa akin."

Ano ang huling regalong ibinigay sa kanya ni Jason?

"Mga ganito," sabi ni Melai, sabay pakita ng kanyang bangles at accessories.

"Minsan, pag may nakita siyang dress, minsan mga jacket.

"Para daw may magamit ako sa mga taping at show ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapag-usapan na ba nila ang kasal?

"Wala pa! Sobra naman! Sobrang wala pa!" natatawa niyang sabi.

"Sobra malayo pa ’yang kasal na ’yan.

"Nag-e-enjoy kami sa isa’t isa being a boyfriend at girlfriend.

"Happy kami supporting each other."

RESPONSIBLE JASON. Sa palagay ba ni Melai, magiging mabuting asawa si Jason kung sakali?

"Sa palagay ko hindi!" natatawang biro niya.

"Ang salbahe ko naman!

"Oo naman, pag sobrang love niya yung babae.

"Siyempre pag love na love niya pa rin ako nang time na yun, magiging responsible pa rin siyang asawa.

"Responsableng-responsable ’yan sa mga kapatid niya, paano pa kaya sa akin pag asawa na niya ako?"

Kumusta si Jason mula nang magkakilala sila noon sa bahay ni Kuya kumpara ngayong mahigit isang taon na sila? Ano ang mga pagbabagong nakita niya?

"Mature na kami," sagot ni Melai.

"Kasi dati, pag nag-aaway kami, walang nagpapatalo. Sobrang pride talaga.

"Ngayon nagso-sorry na kami sa isa’t isa.

"Atsaka, abnormal lang talaga kami!

"May mga times na hindi kami nag-aaway, mga eight months umaabot na walang away.

"Pero pag dumating naman yung away namin, sobra naman, minsan every week."

Ano ang madalas na pinag-aawayan nila?

"Konting bagay lang. Yung kung minsan gusto ko nang umuwi, ayaw pa niya.

"Or minsan gusto niya nang umuwi, tapos ayaw ko pa.

"Yun! Mag-aaway na kami."

Ano ang mensahe niya para kay Jason?

"Sana maging mabait ka parati, huwag kang maging maldito, lagi ka nang maldito minsan.

"Sana makikinig ka rin sa akin paminsan-minsan.

"At sana patuloy yung pagiging responsable mo sa mga kapatid mo.

"Maging happy ka at huwag kang malungkot at huwag kang maging aburido.

"Kasi palagi kang ganyan, e.

"Maging happy ka always. And always pray! I love you!"

PUREZA. May ginagawang pelikula ngayon si Melai, ang The Adventures of Pureza, The Queen of Riles. Ano ang role niya sa movie na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang role ko doon ay si Pureza. Marami akong pagdadaanan na adventure, na yun ang aabangan ng mga manonood.

"Si Pureza dito ay taga-riles.

"Yung adventure niya, parang normal lang na tao. Makaka-relate ang masa sa movie na ito.

"Normal na tao na nag-adventure, nakipagsapalaran sa buhay.

"At sa adventure niya na yun ay nakalabas naman siya nang maayos, kasama ang kanyang best friend.

"[Para sa kanya], it’s the biggest mistake na nagka-inlaban sila.

"Hindi pa tapos yung shooting namin even up to now."

Kasama ni Melai rito sina siana Manalo, Pokwang, Gina Pareño, Joem Bascon, Bentong, at si Jason Francisco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN