Priscilla Meirelles-Estrada on having a baby: "We want to have a baby, but not any time soon."

"We want to have a baby, but not any time soon kasi sobrang busy siya and mayroon akong personal projects. I don’t believe this year is the year for that," says Priscilla Meirelles when asked if she and husband John Estrada plan to have a baby. The couple got married in February 2011.


Marami raw nagbago sa buhay ni Priscilla Meirelles simula nang magpakasal sila ng actor-TV host na si John Estrada.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Miss Earth title holder matapos ang fashion show na ginanap para launch ng SM Accessories sa One Esplanade, Bay Boulevard, Pasay City noong Miyerkules, Hunyo 8.

Ayon kay Priscilla, mas maraming oras na ngayon ang ibinibigay niya bilang maybahay ni John.

Dagdag pa niya, "I need to be more aware of, di ba, ’yong husband ko? I can no longer do just whatever I want.

"Even dati [gano’n ako], pero now more conscious ako everything that I do, about my everyday because lagi, I need to, you know, make something for breakfast, ’yon gano’n."

Natanong naman ng PEP kung may plano na ba silang magkaanak ni John, na pinakasalan niya sa isang resort sa San Fernando, La Union noong Pebrero 26.

Para sa dating beauty queen, hindi pa tama ang panahon para magkaanak sila ni John dahil sobrang abala sila sa trabaho.

Aniya, "We want to have a baby, but not anytime soon kasi sobrang busy siya and mayroon akong personal projects.

"I don’t believe this year is the year for that. But definitely, we’re gonna have a baby and in God’s time.

"Baka this year, baka next year, hindi ko alam."

Naikuwento rin ni Priscilla kung gaano ka-busy ngayon si John sa kanyang trabaho bilang host ng noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!

Sabi niya, "Mahirap ang schedule niya. Lagi siyang busy araw-araw. He only has time to rest. You know, it’s really, really, really complicated.

"Ako naman, I need to be always the one available to join him, to bond with him.

"I believe kids right now is complicated kasi I’m gonna need his support and I’m gonna need him around.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Presently, it’s medyo mahirap because of his work."

BUSY WITH PERSONAL PROJECTS. Samantala, tinanong din ng PEP kung bakit tila madalang na ngayon ang paglabas ni Priscilla sa telebisyon.

Sabi ng Star Magic talent, naging abala rin siya sa business na balak niyang itayo.

"When I was preparing para sa wedding ko, I really stopped everything that I was doing work-wise.

"I was really focusing preparing everything for the wedding.

"Then, pagkatapos ng wedding ko, you know, ayusin ’yong bahay, ayusin lahat.

"Now is the time that I’m gonna, again, prepare myself and maybe go back to work.

"I have some projects and business that I’m gonna be putting up soon.

"Those were the reasons why hindi ako masyadong mag-hit sa TV."

Gayunman, hindi naman daw niya tuluyang lilisanin ang showbiz dahil sa nag-asawa na siya.

Sabi ni Priscilla, "I’m still preparing myself physically, preparing mga projects ko, so I can eventually go back to TV and be more visible on TV.

"Pero it’s not something really conscious na naman.

"There’s just really other things that I need to prioritize right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN