Baron Geisler: "I don’t plan to drink even when I get out."

"I don’ plan to drink even when I get out. I just wanna keep on moving forward and continue being sober," says Baron Geisler who is currently under a rehabilitation program for alcoholism.


Kaya na raw ngayon kontrolin ni Baron Geisler ang sarili pagdating sa alak.

Matatandaan na ipinag-utos ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) na sumailalim ang aktor sa isang rehabilitasyon matapos magreklamo ng harassment ng aktres na si Cherie Pie Picache na dati niyang co-star sa Noah.

Sa ngayon, dalawang buwan na lamang ang natitira at matatapos na ni Baron ang rehabilitation program sa Penuel House, isang spiritual retreat house para sa mga kalalakihan na lulong sa masamang bisyo.

Sa ilang buwang pananatili niya rito, sabi ni Baron ay malaki na ang pagbabago niya.

Isang halimbawang ibinigay niya ay nang magdiwang siya ng kanyang ika-29 na kaarawan noong Hunyo 5.

Kuwento ni Baron, "It’s the first time na nag-party kami na hindi ako naghanap or nag-cross sa mind ko na uminom [ng alak].

"Talagang nag-enjoy ako. Nandoon ’yong pagmamahal na hinanap ko, e, ’yon bonding, and nakuha ko naman.

"Nasagot naman ang birthday wish ko."

Hindi na rin daw siya natukso kahit ng buyuin siya bago mag-umpisa ang fashion show para sa launch ng SM Accessories noong Miyerkules, Hunyo 8, sa One Esplanade, Bay Boulevard, Pasay City.

Sabi niya, "Actually, sa first shoot, hinarap pa nila ako ng mga sampung bote ng kuwatro-kantos na gin.

"Hindi ko alam kung biro ’yon, pero wala na siyang dating sa akin, e.

"Kasi, I’m thinking of the consequences now."

Para kay Baron, pipilitin na niyang hindi na maulit pa ang mga pagkakamaling nagawa niya noon pagkatapos ng kanyang rehabilitation.

"I don’t plan to drink even when I get out," sabi ni Baron.

"I just wanna keep on moving forward and continue being sober."

ON JIRO MANIO. Bukod kay Baron, isa pang binatang aktor ang kamakailan ay boluntaryong pumasok sa isang rehabilitation facility.

Ang dating award-wining child actor na si Jiro Manio ay kusang nagpa-rehab para malunasan na ang kanyang pagkalulong sa droga. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinangaan naman ito ni Baron.

Bilang suporta, sinabi pa ng dating Noah actor, "I’m very happy na sinubmit niya ang sarili niya doon sa rehab.

"Kasi, wala nang ibang mapupuntahan ’yon kundi lalong masira ang buhay or gumulo ang buhay niya. But now, may chance siya.

"I was thinking kasi na laging ginagamit noon na kapag hindi ka nag-submit, parang nandiyan ka lang sa kangkungan, paikut-ikot ka lang doon sa putik.

"Buti naman at nakabangon siya. I affirm him for that.

"Hopefully, he’ll be a better person after his rehab."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN