Jackie Rice happy with Sisid’s high ratings; talks about intimate scene with co-star Dominic Roco

"Kasi nga lahat kami kabado noong magsisimula pa lang ang pilot. Kasi nga first time kong magbida at mas kabado ako sa kanilang lahat. Kapag hindi maganda ang ratings, ang sisi nasa akin, ’di ba?" Jackie Rice talks about Sisid, her afternoon drama series on GMA-7. "Pero natuwa kaming lahat na sa first episode pa lang, okey na ang ratings. Tapos hanggang sa ma-survive namin ang first week. Ngayon itong second week,


Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Jackie Rice nang i-congratulate siya ng marami dahil sa success ng kanyang pinagbibidahang afternoon drama series sa GMA-7 na Sisid.

Simula nang mag-pilot ito noong May 30 ay mataas na agad ang naging rating nito. At sa ikalawang week ay panalo pa rin ang sexy drama na ito ni Jackie.

Nakangiti si Jackie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang guesting niya sa GMA-7. Hindi raw niya ini-expect na maganda ang feedback na makukuha ng kanilang show at maging ang ratings nila ay nakadagdag sa sipag nilang lahat na magtrabaho sa set.

"Very inspired kaming lahat," panimula ni Jackie.

"Kasi nga lahat kami kabado noong magsisimula pa lang ang pilot. Kasi nga first time kong magbida at mas kabado ako sa kanilang lahat. Kapag hindi maganda ang ratings, ang sisi nasa akin, ’di ba?

"Pero natuwa kaming lahat na sa first episode pa lang, okey na ang ratings. Tapos hanggang sa ma-survive namin ang first week. Ngayon itong second week, ayos pa rin kaya masayang-masaya kaming lahat talaga.

"Ako nga panay ang pray ko na magtuluy-tuloy ang magandang pagtanggap sa Sisid dahil hindi lang naman ako kundi marami kaming nangangailangan ng trabaho. Kaya dasal ko na patuloy lang ang blessing sa amin sa set."

Kung noon ay nasabi ni Jackie na hindi pa siya handang makipag-love scene sa kanyang magiging leading man, ngayon ay mukhang wala siyang nagawa dahil nakunan na at naipalabas na ang very intimate scene niya with Dominic Roco sa Sisid.

Inamin ni Jackie na sobra siyang kinabahan dahil first time niyang gagawin iyon at feeling niya hindi pa siya handa masyado. Pero dahil siya ang bida ng Sisid kaya wala siyang karapatan na tumanggi at pinaubaya na niya ang lahat sa kanilang director na si Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kasi ni Direk Ricky na yung parang Blue Lagoon daw ang kalabasan ng eksena. Tinanong ko kung paano gawin iyon at in-explain naman sa akin.

"More on close-up naman ang love scene namin ni Dom. Tsaka parang ingat na ingat siya sa akin sa scene. Gusto nga ni Direk na magpatulo ako ng luha habang naghahalikan kami ni Dom. Nagawa ko naman yung gusto ni Direk, pero medyo nahirapan din ako mag-motivate kasi nga kinabahan ako.

"Pero noong mapanood namin yung playback, nagandahan ako kasi hindi siya basta love scene. Para kaming nasa music video ni Dom. Nagulat nga ako sa sarili ko kasi nagawa ko ’yung hiling ni Direk. Nagbiro nga si Dom na mag-take two daw kami sa eksenang iyon! Nag-enjoy siya, ’di ba?" sabay tawa pa ni Jackie.

Hindi naman daw nagselos ang non-showbiz boyfriend ni Jackie nang malaman nito na nakunan na ang love scene nito with Dominic Roco. Ang sabi ni Jackie ay masyadong supportive ang boyfriend niya at naiintindihan nito ang kanyang trabaho.

"Walang problema with him kasi nga alam niya ang mga ginagawa ko at trabaho lang lahat ito. At the end of the day, kami pa ring dalawa, ’di ba?" ngiti pa niya.

"Sa totoo lang, friends siya with both Dom and JC (Tiuseco) kaya hindi siya magseselos talaga. Once bumisita siya sa set ng Sisid, pinakilala ko siya sa buong cast. Tapos may instant bonding sila ng mga boys.

"Natuwa naman ako kasi walang insecurity on my boyfriend’s part. Kilala niya ang mga katrabaho ko kaya he doesn’t have to worry at all. May tiwala siya sa akin at ayokong masira iyon."

Unang natuwa para kay Jackie ay ang kanyang magulang. Matagal nang hiwalay ang mga ito ngunit napagsama pa rin ni Jackie at tumira sa napatayo niyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si daddy naman kasi ang kasama ko rito sa bahay talaga. Si mommy naman paminsan-minsan siyang nandito sa Manila at madalas siyang nasa house namin sa Olongapo City.

"Noong matapos na nga ang bahay na nabili ko, gusto ko na nandoon din sila para kahit na hiwalay sila, parang buong pamilya pa rin kami.

"Kaya kapag nandito si mommy sa Manila, doon din siya sa bahay tumutuloy. Siyempre, nagkikita sila ni daddy at okey naman sila. Good friends naman silang dalawa. Minsan tinutukso ko sila, pero siyempre, nasa kanila naman iyon kung gusto ba nilang mag-reconcile. Kami namang magkakapatid, gusto namin iyon talaga.

"Pero siguro nga tama na lang iyong magkaibigan sila. Kung gusto ni Lord na magbalikan sila, magkakatotoo iyon. Sa ngayon, masaya kaming magkakapatid na nakikita silang magkasundo at sa iisang bahay lang kaming lahat," pagtatapos pa ni Jackie Rice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN