Mark Herras explains why he posted a morbid picture on Facebook: He misses his lola who passed away recently

Pinalitan na ngayon ni Mark Herras ang profile pic niya sa kanyang Facebook account. Litrato na nila ng girlfriend niyang si Ynna Assistio ang nakalagay.


Marami ang na-intriga sa mga ipinost ni Mark Herras sa kanyang Facebook account na Bobby Bong Marley kamakailan lang.

Parang may gusto itong ipahiwatig na pawang may kaugnayan sa kamatayan ang nakasaad sa kanyang account.

Tatlong krus sa sementeryo ang nasa profile pic nito at nung nakaraang Martes, June 7, nag-shout ito ng, "And if I die before I wake I pray to the Lord my soul to take.... but please don’t cry just know that I made this song for You...coooz I’m ready for the funeral."

Kinabukasan ay meron uli siyang shout ng, "BLANKO... Mamang sundo mo na ko, please."

Mamang ang tawag ni Mark sa namayapa niyang lola at sobrang close ang dalawa.

Nag-post din ito ng mga awiting "Paalam by Bebin and Bebe (Baguio Artists)," "I’ll be Missing You (Puff Daddy)," at "Kanlungan (Kaleidoscope)."

Parang may mabigat na pinagdadaanan si Mark na ang duda ng karamihan ay nag-break na sila ng kasintahan niyang si Ynna Asistio dahil matagal na ring kumakalat ang intrigang iyun.

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark nung nakaraang Miyerkules, June 8, pero mabilis niyang itinanggi ang isyung breakup. Ikinakalat lang daw iyun ng mga haters nila.

Nakausap ng PEP si Nadia nung kamakalawa ng hapon, June 9, at mariin niyang itinanggi ang intrigang iyun. Meron din kasi siyang ipinost sa kanyang Facebook account na, "Breaking up with him doesn’t mean you don’t love him, it only means you love yourself a little more. Nice..."

Hindi raw nakatukoy kina Mark at Ynna, kundi sa isang kaibigang nakipag-break sa kanyang boyfriend kamakailan lang.

May initials ng pangalan ng kaibigan nito sa shout na iyun pero nakiusap si Nadia na huwag nang ilagay.

Basta okay raw ang kanyang anak at si Mark na itinuturing na nilang bahagi ng pamilya.

Kung ano man daw ang kahulugan ng mga nasa Facebook ng young actor, hindi raw niya alam dahil wala naman daw itong ipinagtatapat sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Mark sa dance rehearsal ng Party Pilipinas kahapon, June 10, at ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin ng mga shout niya sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Mark, "Actually ayoko nang magsalita kasi, di ba, parang lalaki pa o mas lalabas pa yung issue.

"Pero gusto ko lang i-defend yung sarili ko, si Ynna, si Tita Nadia, and my family na we’re happy.

"Unang-una maganda yung nagiging takbo ng trabaho ko ngayon. I’m very, very excited dun sa danceserye. Next week magsisimula na akong mag-taping, so back to work na ko.

"Kung me nakabasa man siguro dun sa facebook ng kung ano-ano, hindi yun tungkol sa amin or hindi yun tungkol sa relationship namin ni Ynna.

"It’s all about me na parang I’m just trying na binubuo ko lang yung sarili ko ulit [as a way of] getting ready to work again."

Kaya nakapag-shout lang daw siya ng ganun ka-morbid ay dahil nami-miss lang daw niya ang kanyang lola na wala pang isang taong namayapa.

"Nami-miss ko lang si Mamang, saka hindi ko pwedeng sirain yung pangako ko sa lola ko kasi I promised her na marami akong gagawin for her, for me, at hindi ko siyempre puwedeng biguin si Mamang so hindi po mangyayari yun," sagot ni Mark.

Humingi ito ng paumanhin sa kanyang pamilya, sa mga fans, lalo na kay Ynna at sa Tita Nadia niya at buong pamilya dahil nag-alala na raw sila kung ano talaga ang dinadala nitong problema.

Maayos daw nilang napag-usapan ang isyung iyun ni Ynna at lalo pa nga raw naging matibay ang kanilang relasyon.

"Hindi siya madaling i-explain pero madali kaming mag-usap ni Ynna.

"I mean, masyadong magaan sa amin ang lahat so there’s nothing to worry about. Our relationship is fine, we’re both busy working again and siyempre we’re helping each other sa career namin pareho. Tulungan kami," pahayag ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa buhay ko, unang-una, I’m satisfied. Hindi yung satisfied na hanggang ganito na lang ako. I mean, satisfied ako kasi I have Ynna, I have my family, I have Ynna’s family, I have a lot of friends, I have a lot of new work at maganda yung cast [sa show] na malapit nang magsimula.

"Personally, ako siguro, yung nagiging problema ko lang yung normal problem ng tao — bills, bayaran, yun lang. Ako yung tao na me problema o wala, hindi ko kailangan isipin na problema yun kasi hindi yun makakatulong sa ’kin.

"Kapag pinroblema mo yun lalo kang mahihirapan," patuloy niya.

Pinalitan na ngayon ni Mark ang profile pic niya sa kanyang Facebook account. Litrato na nila ni Ynna ang nakalagay.

"Sa mga fans at sa mga naniniwala po sa akin, I’m so sorry.

"Na misunderstood ’nyo lang po yung mga pinost ko.

"I just miss my lola and I’m very, very excited to work again, so please pakiintindi na lang po at siyempre abangan niyo ang danceserye at siyempre Party Pilipinas every Sunday," pahayag ni Mark na sumabay pang nag-promote sa kanyang programa.

Sa susunod na linggo ay magsisimula nang mag-taping si Mark ng danceseryeng pagsasamahan nila ni Kris Bernal at Rocco Nacino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN