Jennylyn Mercado on biological mom’s denial the actress was abused as a child: "Lahat ng proof, evidence, makikita... So sino’ng nagsisinungaling, di ba? "

Nag-react din ang ina-inahan ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia Mercado sa mga denial ni Jinkee, ang biological mom ng aktres.

"Hindi raw totoo yun?! Ano yung picture? Itim lahat yan at tsaka ito naka-usli, itong noo, mahaba. Kaya pinagtawanan pa nga niya yun, e. Sabi niya, ’Ay mukhang ET!’ "


Sa Startalk TX kahapon, nakunan ng pahayag si Jennylyn Mercado tungkol sa mga binitiwang salita ng kanyang biological mother na si Jinkee na walang katotohanan ang kuwentong binubugbog si Jennylyn ng dating karelasyon ni Jinkee. (CLICK HERE to read related story.)

"Alam na naman ng lahat e, di ba? In black and white lahat ng details, lahat ng proof, evidence, makikita nila sa YES magazine. So sino’ng nagsisinungaling, di ba?"

Ayon naman sa ina-inahan ni Jennylyn na si Mommy Lydia Mercado...

"Hindi raw totoo yun?! Ano yung picture? Itim lahat yan at tsaka ito naka-usli, itong noo, mahaba. Kaya pinagtawanan pa nga niya yun, e. Sabi niya, ’Ay mukhang ET!’"

Nagalit si Mommy Lydia at sinabi daw niya kay Jinkee, "Anak mo pinagtawanan mo? Ano’ng klaseng ina ka?"

Pagpapatuloy pa niya: "Yung sinabi niya (Jinkee) na nagbibigay daw siya ng suporta, hindi totoo yun!

"Huwag na niyang dagdagan ang sakit ng damdamin ni Jennylyn at baka bumalik pa yung trauma ng bata.

"Kulang na lang, si Jennylyn lumabas sa akin, e. Lahat ng hirap, lahat ng ano, talagang ibinigay ko lahat kay Jennylyn. Minahal ko ng mahigit pa sa tunay na anak," ani Mommy Lydia.

"Kung mahal mo siya, anak mo siya, dapat yun ang inasikaso mo, naipagtanggol mo ang anak mo.

"Pero ako sabi ko, ilalaban ko ng patayan si Jennylyn!"

Ang legal counsel ni Jennylyn na si Atty. Joji Alonso ay may payo sa aktres.

"Sabi ko sa kanya huwag na lang magsalita about it, ’Let the public judge. You’ve already said your piece. It’s really just time to move on.’

"You can look at the record sa police, something happened."

Ayon naman kay Jennylyn...

"That’s my mom. Walang question na kailangang mahalin mo yung anak mo para mahalin ka ng anak mo. Irespeto mo yung anak mo para irespeto ka rin niya. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So in the long run, hindi naman niya ako talaga tinanggap e, so... di ba? So sino ang nagsisinungaling? Alam ng lahat, ng tao yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN