Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez was not pregnant at the wedding; baby’s due date is November

Contrary to reports, hindi kambal ang ipinagbubuntis ni Regine Velasquez, pero alam na ba ng mag-asawa ang kasarian ng baby?

"Wala pa, siguro next month. Kasi nasa three months and two weeks na kami so siguro sa fourth month medyo masisilayan na kung meron siyang extension dun sa kanyang katawan," ang natatawang sabi ni Ogie Alcasid.


Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon, Sabado, June 11, apat na araw ding hindi nagkita ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Galing kasi si Ogie sa Singapore para sa Music Fest.

"Hindi ko siya nadala dun dahil hindi kami pinayagan, hindi siya pinayagan ng doctor, so siyempre, para sa safety ng baby," pahayag ni Ogie sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

May nakakatawang kwento si Ogie tungkol sa pagdududang asawa niya si Regine habang nasa Singapore siya.

"Kinanta ko yung ’Please Be Careful With My Heart [a duet by Regine and Jose Mari Chan].’ Nakakatawa nga kasi nung rehearsal, sabi nila, ’Oh we know that song, it’s by Regine!’

"Sabi ko yes, and Regine sang with Jacky Cheung, right? And sabi nila, ’Yes, yes!’"

Nag-duet noon sa kantang In Love With You sina Regine and Chinese singer/composer/actor Jacky Cheung.

"Sabi ko, ’Regine is my wife’. Parang sabi nila, ’Hindi nga?’ "Parang sabi siguro nila, ’Weh?’

"Sabi ko, ’Yeah, she’s my wife.’ Parang gumaganun sila [na hindi naniniwala], sabi ko ulit, ’Yes, she’s really my wife!’

"Idol na idol nila si Regine, so nakakatuwa naman."

Contrary to reports, hindi kambal ang ipinagbubuntis ni Regine, pero alam na ba nila ang kasarian ng baby?

"Wala pa, siguro next month. Kasi nasa three months and two weeks na kami so siguro sa fourth month medyo masisilayan na kung meron siyang extension dun sa kanyang katawan," ang natatawang sinabi pa ni Ogie.

Bagamat wala namang preference si Regine sa pagkain, she’s constantly watching...

"Her sugar. Meron siyang gestational diabetes which is quite normal for pregnant women. We try not to give her too many carbohydrates and... mahirap kasi, siyempre pag buntis ka you’re always hungry, ’noh? So nakakaawa naman, laging gutom.

"Pero iyon nga sabi ko, ’Hon, kailangang konting tiis.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Understandable naman daw ang pag-aalala ni Ogie sa kundisyon ng asawa.

"You know the baby and Regine need all the attention. As much as I can attend to... I’m always there kapag nagbi-visit kami sa OB (obstetrician), so I really take note... every two hours after she eats we take her sugar para alam namin kung tumataas o bumababa."

Sa taped interview naman ng StarTalk TX sa kapatid at manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra, sinabi nitong...

"Yung first three months niya nakahiga lang siya so bed rest talaga siya, so... I think now lumalabas-labas na siya, ano na siya e, inip na inip na.

"Ingat na ingat pa rin, siyempre mahirap na.

"We’re all very happy na finally, magkaka-baby na."

Samantala, ano ang reaksyon ni Ogie na buntis na raw si Regine noong ikinasal sila?

"Ha? Hindi... ang due date niya November, e. Kasi... bilangin mo, November minus nine... hindi, e. Tsaka nakita mo naman na ang payat-payat ni Regine nung wedding."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN