Robin Padilla's official statement on alleged violation of Comelec rule

May 10, 2016
<p>Through his legal counsel, Robin Padilla clarified that he never violated any Comelec rule, following his post of photo of a ballot, which also indicated the presidential candidate he is supporting.</p>

Naglabas ng official statement ang kampo ni Robin Padilla hinggil sa akusasyong paglabag umano ng action star sa regulasyon sa pagboto ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos mag-post si Robin sa social media ng shaded na balota ng kanyang sinusuportahang kandidato sa pagka-pangulo.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-react at tinuligsa ang ginawa ng aktor.

Pero sa ipinadalang kopya ng official statement ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, May 10, wala raw ginawang violation si Robin.

Pahayag ng legal counsel ni Robin na si Atty. Rudolf B. Jurado ng Jurado Jurado & Associates Law Offices, "Mr. Padilla desires to convey that he never violated any law or rule regarding the alleged photograph of his ballot since it was neither an official ballot nor taken inside a voting precinct."

Continue reading below ↓

Kahapon, araw ng eleksyon, May 9, may ilang artista ang binatikos at inakusahan na lumabag diumano sa regulasyon ng Comelec, kagaya ng pag-post ng larawan ng balota, pagsusuot ng damit at accessories sa katawan na nagtataglay ng pangalan o mukha ng kandidato, o larawan na nagpapakita ng mga napiling kandidato.

Bukod kay Robin, binatikos din ang asawa nitong si Mariel Rodriguez, pamangkin na si Daniel Padilla, at ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Dinepensahan naman ni Mariel ang sarili at sinabing wala siyang nilalabag na regulasyon.

Read: Robin Padilla and Mariel Rodriguez accused by netizens of violating Comelec rules

Read: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo under fire for allegedly breaching ballot secrecy

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Through his legal counsel, Robin Padilla clarified that he never violated any Comelec rule, following his post of photo of a ballot, which also indicated the presidential candidate he is supporting.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results