Jennylyn Mercado to her biological mother: "Kung hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang anak, irespeto mo na lang ako bilang tao."

"Bakit kailangan niya akong sirain? Kasi kung mahal mo yung anak mo at kung totoo ka bilang isang ina, hindi mo gagawin yun, e, hindi mo sasaktan yung anak mo, hindi mo sasabihang sinungaling. Aalagaan mo... Unang-una, hindi mo siya iiwan, hindi mo siya ide-deny. So, anong klaseng ina yung gumagawa ng mga ganung bagay?" says Jennylyn Mercado about her biological mother Jinkee.


"Siyempre, kung ikaw bilang isang ina, kung mahal mo yung anak mo, hindi mo gagawin yun.

"Hindi mo siya kayang sirain, hindi mo siya kayang pagsabihan ng hindi magagandang salita."

Ito ang reaksiyon ni Jennylyn Mercado sa mga naging pahayag ng kanyang biological mother na si Jinkee sa panayam nito sa programang The Buzz noong nakaraang Linggo, June 5. (CLICK HERE to read related story.)

Inilabas naman ni Jennylyn ang kanyang saloobin sa taped interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, June 12.

Sinagot din ni Jennylyn ang iba pang mga alegasyon ng kanyang tunay na ina.

COMMUNICATION GAP. Una na rito na hindi raw totoong hindi nakikipag-communicate si Jinkee kay Jennylyn all throughout her daughter’s childhood, na pinadadalhan pa raw ni Jinkee ng pera si Jennylyn.

"Ang masasabi ko diyan is that’s a lie!" marring sabi ni Jennylyn.

"Kasi ang communication namin, recently lang, e. It started January this year.

"Grade Four ako nung huli ko siyang nakita at hindi niya ako ipinakilala bilang isang anak dun sa asawa niya.

"Simula Grade Four ako until last year of December, wala kami kahit isang communication.

"Walang kahit anong padala, walang kahit anong pagtanggap bilang isang anak, walang ganun.

"In fact, hindi pa alam ng family niya na may anak siya hanggang ngayon.

"So, I think kaya siya nagre-react ng ganyan dahil nalaman na ng family niya na, ’Oh, may anak siya!’

"So, parang protection na lang for herself yun."

Sa interview ng The Buzz kay Jinkee ay hindi ito humarap sa kamera, at tanging likuran lamang niya ang ipinakita.

Ano naman ang masasabi ni Jennylyn sa mga ipinakita ni Jinkee na palitan daw nila ng text messages at mga resibo ng cash remittances para sa kanya?

"Isa lang naman yung resibo ng cash remittance," sabi ng Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Birthday gift niya yun for me, kasi sabi niya ’What do you want ba for your birthday?’

"Sabi ko, ’No, wala, wala akong gusto.’

"Sabi niya, ’O sige, I’ll send you money na lang, ikaw na bahalang bumili.’

"Tapos, so ako naman, parang, ’Okay, sige!’"

Ito raw ay noong huling birthday ni Jennylyn noong May.

BATTERED CHILD. Isa pa sa mga matinding alegasyon ng biological mother ni Jennylyn ay wala raw katotohanan na isang battererd child ang kanyang anak.

Sabi ni Jinkee: "It never happened."

Ano ang reaksiyon dito ni Jennylyn?

"Makikita naman natin sa black and white dito sa diyaryo," sabi ni Jennylyn habang hawak ang kopya ng June 2011 issue ng YES! magazine.

"Actually, kung gusto nilang ipakita ko yung original copy nitong Pilipino Star na newspaper, e, puwede, puwede kong ipakita.

"At eto po ako, eto yung Mommy Lydia ko, at nandun sa loob yung news, yung headline, yung buong story kung anong nangyari, eto yung iba pang mga pictures.

"So, you think hindi battered kid ’yan?

"E, anong tawag diyan?

"Na nangingitim yung...ang daming black eye, di ba? Parang..."

Sa palagay niya, bakit sinabi iyon ng kanyang biological mother?

"I have no idea," sagot ni Jennylyn.

"Kasi kung isa kang matinong ina, at kung mahal mo talaga yung anak mo, hindi mo gagawin yun, e."

Sa puntong ito ay hindi na napigilang umiyak ni Jennylyn.

Patuloy niya, "Kung hindi mo pa rin matanggap sa sarili mo na... Kung hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang anak, irespeto mo na lang ako bilang tao.

"Sana huwag mong sisirain ang pamilya ko, lalung-lalo na ang kinabukasan ng anak ko.

"Kasi wala akong ginagawang hindi maganda sa kanya, sinasabi ko lang lahat ng totoo.

"Ngayon, kung anuman yung nakasulat dito, lahat ng nakasulat dito sa YES! magazine, lahat ito totoo. Hindi ako nag-imbento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko pinili na maging detalyado lahat, pati mga pictures, pati mga messages, dahil gusto kong malaman ng mga tao kung ano yung totoo, at gusto ko ng ebidensiya.

"Kaya lahat ng detalye, nandito, kahit ultimo maliliit na mga litrato nandito," ang umiiyak pa ring pahayag ni Jennylyn.

"Para sa akin, kilala ako ng lahat ng tao na totoo, gusto ko parating sinasabi kung ano yung totoo.

"So, kung pinagbibintangan niya ako na sinungaling, siguro dapat tingnan niya muna ang sarili niya."

STILL HER MOTHER. Sabi pa ni Jennylyn, "Kasi ako, well, itong recently, gusto kong maayos lahat.

"Napatawad ko na siya sa lahat ng mga pagpapabaya at lahat ng mga ginawa niya sa akin.

"Wala akong ibang gustong mangyari kung hindi siyempre ayoko nang magkaroon ng sama ng loob kaya once na...

"Nung time na nag-text kami at nagkaroon kami ng communication, gusto kong maayos.

"Kasi kahit papaano, siya pa rin ang naglabas sa akin, dahil sa kanya kaya ako nandito ngayon, e.

"Kung wala siya, wala ako dito.

"Pero yung hindi lang maganda na part is bakit kailangan niya akong sirain?

"Kasi kung mahal mo yung anak mo at kung totoo ka bilang isang ina, hindi mo gagawin yun, e, hindi mo sasaktan yung anak mo, hindi mo sasabihang sinungaling.

"Aalagaan mo... Unang-una, hindi mo siya iiwan, hindi mo siya ide-deny.

"So, anong klaseng ina yung gumagawa ng mga ganung bagay?"

Nagulat ba si Jennylyn na kung kailan nakapag-establish na siya ng communication sa kanyang tunay ina ay ganun ang sasabihin nito laban sa kanya?

"Yes, nagulat ako talaga!" sagot niya.

"Dahil akala ko, okay kami, e. Kasi we’re starting parang a new relationship, para maging okay yung bond namin, e.

"Kahit na ang tagal na naming hindi nagkita, kahit na ano pang pinagdaanan ko, dahil ang dami-dami ko nang masasamang pinagdaanan na wala siya sa tabi ko, okay lang yun, napatawad ko na siya dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na hindi niya ako tinanggap bilang isang anak.

"Pero ngayon, ginagawa niya pa rin sa akin, parang ang sama- sama ng pakiramdam, ang sama ng feeling, na wala na nga siyang nagawang mabuti para sa anak niya, ginaganito niya pa."

MOMMY LYDIA. Isa pang sinabi umano ni Jinkee sa interbyu dito ay tila nanggagamit lamang daw sina Jennylyn at ang ina-inahan nitong si Mommy Lydia Mercado; na ang gusto lamang daw ni Jennylyn ay mapag-usapan to boost her career.

"Ang masasabi ko tungkol dun, kasi kung siguro wala si Mommy Lydia sa akin, lalo na nung time na iniwan niya ako at inabandona niya ako, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.

"Hindi ko alam kung buhay pa ba ako....kung buhay pa ba ako ngayon," ang umiiiyak pa ring sabi ni Jennylyn.

"Kasi kung hindi dahil sa Mommy Lydia ko, hindi ko na alam kung ano na nangyari... kung ano na nangyari sa buhay ko.

"So thankful ako na dumating yung Mommy Lydia ko, and iyon yung mga bagay na ginawa ng Mommy Lydia ko for me na hindi naibigay ng biological mom ko para sa akin."

Hiningan naman ni Pia ng mensahe si Jennylyn para sa biological mother niya.

"Siguro thank you, dahil kung hindi rin dahil sa kanya, wala rin ako dito ngayon.

"At dahil sa mga nangyayari ngayon makes me a better and stronger person.

"And sana, matauhan na siya.

"Sana... sana maramdaman ko naman kahit papaano, kahit hindi ko siya kasama, o kahit na inabandona niya ako, kahit konting pagmamahal lang, kahit konting respeto lang, sana maramdaman ko yun galing sa kanya."

Nagbigay rin ng mensahe si Jennylyn para kay Mommy Lydia...

"Siya lahat, e, simula nung pagkabata ko hanggang ngayon, siya yung tumayong ina...

"Inalagaan niya ako nang mabuti, pinalaki niya ako nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, siguro wala ako sa posisyon ko ngayon.

"At mahal na mahal ko siya."

Ngayon ba ay pinagsisisihan ni Jennylyn ang tell-all interview niya sa YES! magazine?

"No, kasi importante sa akin na maintindihan ng mga tao kung ano yung totoo.

"Kasi ayoko ng marami pang tanong, paulit-ulit na tanong, maraming kuwestiyon.

"Kailangan kong idetalye, so at least dito nasabi ko lahat ng kailangan kong sabihin.

"Detailed lahat kahit maliliit na litrato, lahat ng ebidensiya, nandito.

"Kasi gusto kong sabihin yung totoo, ’tsaka gusto ko na maintidihan din ako ng mga tao," pahayag ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN