Baron Geisler after a few months in rehab: "Nadumihan ako sa hitsura ng alak."

"Before kasi, yung sa career ko, wala akong kasama. Yung walk with the Lord, wala. Kaya parang malabo yung journey ko. Pero ngayon, I feel na mas magiging matatag ako this time because kasama ko si Lord sa aking career," says Baron Geisler.


Live na nakausap ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, June 12, ang controversial actor na si Baron Geisler.

Bagamat hindi pa tapos ang rehabilitation program niya ay pinapayagan makalabas ang aktor kapag may mga trabaho siya.

Kumusta na siya pagkatapos ng ilang buwan sa rehab?

"I feel terrific, I feel blessed that I’m actually allowed to be here," sambit ni Baron.

Pagkatapos nga raw ng interview ay muling babalik si Baron sa retreat house kung saan siya sumasailalim sa isang rehab program.

Ano ba ang nabago sa kanya ng retreat house for five months? Sabi pa ni Boy, is he talking to the same Baron?

"I’m still Baron," sagot naman ng dating child star.

"But ang dami rin changes na nangyari, realization...

"I realized na I just have to live one day at a time and accept the things I cannot change, and take courage with the things I can change.

"Parang ganoon."

DEALING WITH ALCOHOL. May tapang na ba si Baron na baguhin ang mga bagay na alam niyang problema niya?

"I could say, yes," sagot niya.

Yung alak, kaya na ba niyang harapin ang problemang yun?

"Yes," mabilis na tugon ni Baron.

"Actually, lumabas ako noong Wednesday [June 8] for SM Accessories.

"Right after the event, merong cocktails. Parang medyo nadumihan ako sa hitsura, noong alak.

"Habit, e. Doon sa loob, medyo mawawala yung mga dating habit.

"Nadumihan ako sa hitsura ng alak."

Ibig niyang sabihin, hindi na niya babalikan ang alak?

"Well, it’s too early to tell. But right now, I’m determined to really stop," sabi ni Baron.

Ano ang baon ni Baron para mahinto ang alak?

"Well, my higher power. God," sagot niya.

RELATIONSHIP WITH GOD. How’s his relationship with the Lord now?

"Very okay. He loves me," sagot ni Baron, na pinalakpakan ng audience sa studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano nasasabi ni Baron ngayon that God really loves him?

"Ang dami Niyang promises. I read the Scripture every day."

Ano ang pangako ng Diyos na palaging laman ng puso niya ngayon?

"That I’m saved. This is a new life."

Bakit kailangang maniwala ng tao sa kanya ngayon?

"Actually, you don’t have to," sagot ni Baron.

"Hindi naman ako pumunta rito para paniwalaan ako ng mga tao.

"Nandito lang ako para bigyan kayo ng updates sa mga nangyari sa akin.

"And to say thank you to the people I owe. For giving me so many chances and yun..."

Kahit nasa retreat house siya, Baron is still doing movies and even a fashion show.

Ayon kay Boy, noon at ngayon, hindi raw mababago para sa kanya that Baron is one of the best actors of his generation.

Sabi naman ni Baron, "Thank you...ang masasabi ko lang ngayon, yun po ang isa sa pinagkaiba ko ngayon.

"Before kasi, yung sa career ko, wala akong kasama.

"Yung walk with the Lord, wala.

"Kaya parang malabo yung journey ko.

"Pero ngayon, I feel na mas magiging matatag ako this time because kasama ko si Lord sa aking career."

Boy requested Baron na iparinig sa publiko kung ano ang prayer na nasa puso niya ngayon. And the actor recited the Serenity Prayer:

God grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
courage to change the things I can;
and wisdom to know the difference.

Living one day at a time;
Enjoying one moment at a time;
Accepting hardships as the pathway to peace;
Taking, as He did, this sinful world
as it is, not as I would have it;
Trusting that He will make all things right
if I surrender to His Will;
That I may be reasonably happy in this life
and supremely happy with Him
Forever in the next.
Amen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN