Arci Muñoz plans to take a vacation in Europe after Mga Nagbabagang Bulaklak

"Malungkot po kasi po kahit 13 weeks yun, tatlong buwan, parang ang feeling namin, ang tagal na ng pinagsamahan namin ng mga staff, ng mga ibang artist. Yung bonding namin sa isa’t isa. Pero happy rin naman kami kasi tapos na. Naitawid namin nang maayos yung show. Happy naman ang management sa naging contribution namin," says Arci Muñoz about the last week of Mga Nagbabagang Bulaklak.


Magsisimula na ngayong gabi, June 13, ang huling linggo ng primetime series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Aminado ang isa sa mga bida ng serye na si Arci Muñoz na apektado siya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye.

"Malungkot po kasi po kahit 13 weeks yun, tatlong buwan, parang ang feeling namin, ang tagal na ng pinagsamahan namin ng mga staff, ng mga ibang artist. Yung bonding namin sa isa’t isa.

"Pero happy rin naman kami kasi tapos na. Naitawid namin nang maayos yung show.

"Happy naman ang management sa naging contribution namin.

"Mapapanood na rin namin yung produkto na pinaghirapan namin.

"At may cast party po ngayong Wednesday [June 15]. May pa-Miss Gay sila!" pagbabalita pa ni Arci.

NO COMPETITION WITH RITZ. Isa rin sa nakakapagpataba ng puso ni Arci ay ang mga komento na naririnig niya tungkol sa ikinaunlad ng kanyang acting.

"Sobra po akong nagpapasalamat," aniya.

"Sabi ko nga po, lahat naman tayo may opinyon.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng taong nakaka-appreciate sa effort na ibinigay ko."

Pero kakambal ng papuring ito ang intrigang nagpapagalingan at nagpapatalbugan daw sila ng co-star niya at gumaganap na kapatid niya sa serye na si Ritz Azul.

"Sabi ko naman, we have no competition.

"Kahit sino naman inside Nagbabagang Bulaklak, wala talagang kumpetisyon sa amin.

"Kami ni Ritz, pag may eksena kami, we help each other.

"Kung hindi kami makaiyak, magtutulungan kami, gumagawa kami ng paraan kung paano kami makakaiyak.

"Ako, nag-uusap kami about our parents, someone close to us para makaiyak kami.

"Yung show nga namin, laging napupunang iyak kami nang iyak.

"So, ako naman, nag-iiba ako ng ibang atake para hindi naman puro iyakan," saad niya.

NEXT PROJECT. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Arci na nagbida na siya sa isang serye at nailabas niya nang husto ang kakayahan niya sa drama, kumpara sa naging career niya noong nasa GMA-7 pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw niya, "Wala naman po akong anything sa Kapuso network.

"I’m very happy na nabigyan din naman nila ako ng work.

"Pero siyempre, iba yung ibinigay na break sa akin ng TV5.

"Sobra akong nagpapasalamat at nagtiwala sila sa akin.

"Kasi bago pa ako, pero binigyan nila ako ng maganda at malaking show."

Wala pa raw sinasabi sa kanya ang manager niyang si Annabelle Rama kung ano ang susunod niyang project.

Puwede naman daw siyang mag-guest sa ibang network, pero nasa desisyon na ’yon ng kanyang manager.

"May contract akong exclusive.

"Sabi naman ni Tita Annabelle, puwedeng magpaalam.

"Pero siyempre, courtesy na rin na isipin muna or huwag na lang muna.

"Bahala si Tita Annabelle, siya ang nakakaalam," nakangiti niyang sabi.

Gusto ni Arci na samantalahin ang pagkakataong wala pa siyang bagong project sa TV5. Isa na nga rito ang naiisip niyang bakasyon.

"Ang dami ko na ngang naiisip. Gusto kong magbakasyon, out of the country.

"Nagpa-plan kami ng daddy ko. Gusto naming magpunta ng Spain to visit his sister.

"Siguro at the same time, Europe tour na rin.

"Siguro mangyayari ’yan after ng lahat na kailangang tapusin dito.

"Wala pa namang sinasabing next project ko kaya magpapaalam muna ako.

"Baka kasi may mga guestings pa," paliwanag niya.

NO ISSUE WITH VALERIE. Nilinaw naman ni Arci na wala silang isyu ng dati niyang co-star sa Mga Nagbabagang Bulaklak na si Valerie Concepcion. Nagtataka siya kung bakit may ganitong intriga sa kanilang dalawa.

Pagpapatunay ni Arci, isa si Valerie sa mga tumutulong sa kanila ni Ritz para magkaroon sila ng motivation sa ilan sa mga gagawin nilang eksena.

Bukod pa rito, lumabas sila kamakailan lang at nag-bonding dahil naunang nawala sa show si Valerie.

Nag-aalala lang daw si Arci na baka palakihin ang isyu at magkaroon ng epekto ito sa kanilang pagkakaibigan ng actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN