Lydia Mercado refutes allegations of Jennylyn’s biological mom that the actress-singer was not a battered child

"Pasalamat ako umuwi siya [Jinkee], isasalba niya anak niya, pero hindi! Ang ginawa niya... Pinakulong ko kasi yung lalaki, e, pinakulong ko. Pagkatapos, akala ko si Jennylyn ang inuwian niya, hindi. Pinalabas niya yung kinakasama niya sa kulungan!" says Mrs. Lydia Mercado (main photo) about the biological mom of Jennylyn Mercado.


Sa interview ng biological mother ni Jennylyn Mercado na si Jinkee Pineda sa The Buzz last week, isa sa mga pinabulaanan nito ay ang lumabas sa tell-all interview ng Kapuso star sa YES! magazine na magkamag-anak sila ni Lydia Mercado, ang adoptive mother ni Jennylyn. (CLICK HERE to read related story.)

Sa taped interview naman ng Showbiz Central kay Mommy Lydia na ipinalabas noong Linggo, June 13, sinagot nito ang mga inihayag ni Jinkee.

"Ang totoo, malayo na kaming magkamag-anak, pero lumaki kami sa iisang magulang, magkamag-anak pa rin kami," sabi ng tumatayong ina ni Jennylyn.

BATTERED CHILD. Sabi ni Jinkee, hindi raw totoong battered child si Jennylyn, at wala siyang kinasamang lalaki na siyang nang-abuso kay Jennylyn noon.

Pero ayon kay Mommy Lydia, "Paano siyang magsisinungaling e... Nasa Dubai siya, kinuha niya sa akin si Jennylyn.

"Na si Jennylyn, nagmamakaawang huwag siyang kunin sa akin.

"Ngayon, nadala niya si Jennylyn, dinala nila sa Mandaluyong, doon sa kanyang kinakasama.

"Hindi ko alam na iniwanan pala niya si Jennylyn doon at umalis na siya papuntang Dubai.

"May nagsabi na lang sa akin na si Jennylyn, minamaltrato.

"Kasi ito yatang si Jennnylyn, nagsasabi na ’Iuwi mo ako sa mama ko.’

"Itinatapon lahat ng mga gamit ni Jennylyn sa labas at iyon, nakita ko nga nung tumawag sa akin na nagkapasa na si Jen."

Ayon pa kay Mommy Lydia, tinawagan niya si Jinkee para umuwi. Pero nagulat siya sa ginawa nito.

Kuwento niya, "Tinawagan ko siya sa cell phone, na ’Umuwi ka, may nangyari kay Jennylyn!’

"Oo, umuwi siya, umuwi. Buong akala ko... Kung buhay lang ang mommy ko [Salustiana Vergara], siya makakapagsabi.

"Pasalamat ako umuwi siya [Jinkee], isasalba niya anak niya, pero hindi!

"Ang ginawa niya... Pinakulong ko kasi yung lalaki, e, pinakulong ko.

"Pagkatapos, akala ko si Jennylyn ang inuwian niya, hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinalabas niya yung kinakasama niya sa kulungan!

"Si Jennylyn kinuha ko, binawi ko.

"Yun na nga, kasi torete na ang utak ko. Dinala ko sa DSWD [Department of Social Welfare and Development] parang...humingi ako ng tulong.

"Sinabi ko sa kanila ang kuwento na ito, napabayaan ng nanay tapos ngayon kinukuha, ganyan.

"Ang DSWD ang nagbigay sa akin ng karapatan na para maging anak ko si Jennylyn.

"Pinabantayan pa yung bahay namin ng pulis para wala nang pumunta."

FORMAL ADOPTION. Isa rin sa mga puntong binanggit ni Jinkee sa panayam dito ng The Buzz ay ang kawalan daw ng opisyal na kasunduan sa pagitan niya at ni Mommy Lydia tungkol sa pag-ampon kay Jennylyn.

Paliwanag naman ni Mommy Lydia, "Kasi iniwanan niya sa amin, e.

"E, ngayon, ang nangyari nga nung mag-aaral na si Jen, wala akong birth certificate nung bata.

"Ngayon, nag-file ako ng late registration para magkaroon ang bata ng ano pagpasok.

"Nung pumunta ako sa Census, kinuha ko pa rin ang Pineda at saka Mercado.

"Na ang pangalan niya, ang nanay, ’tsaka sa Mercado, ako.

"Ang lumabas ay Mercado, walang Pineda... Nakuha ko ngayon si Jennylyn sa apelyido ko.

"Sabay kong ipinayl yung dalawa kasi kung hindi ko makuha ang Mercado, ibig sabihin makukuha ko ang Pineda.

"E, ang lumabas nga, hindi Pineda, ang lumabas ang Mercado.

"Kailangan ko na [ang birth certificate]."

FINANCIAL SUPPORT. Tungkol naman sa isyu ng communication at sustento, sinabi ni Jinkee na nagpapadala siya ng pera kay Jennylyn sa pamamagitan ni Mommy Lydia.

May ipinakita pa nga noong resibo si Jinkee bilang patunay na nagpo-provide siya financially sa anak.

Maaaring wala raw siya sa piling ng anak physically, pero sinusustentuhan niya raw ito.

Hindi rin daw pinapayagan ni Mommy Lydia na makipag-communicate si Jennylyn sa kanya kahit na nagpapadala siya ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Mommy Lydia, "Totoo yun, nagbigay siya sa akin ng dalawang libo.

"O, dalawang libo at saka isang t-shirt na black para kay Jennylyn.

"Ngayon, binawi pa niya yun, nagalit siya sa akin. Binabawi pa niya yung dalawang libo.

"Wala kaming pera nun, e, mahirap lang kami... Sabi ko, ’Sige pag kinuha mo ay may mangyayari sa ’yo!’ Tinakot ko rin siya.

"Mula noon hanggang sa ngayon, hindi na kami nagkita.

"Sinabi niya sa interview doon na may iniwanan siyang educational [plan]?

"Oo, totoo yun, nag-file siya ng educational, pero pinutol niya, hindi niya itinuloy.

"Nagpapadala siya ng pera, nandiyan pa asawa niya noon, maliit pa si Jennylyn.

"Wala akong natanggap na pera galing sa kanya maliban dun sa tatay ni Jennylyn, yun ang nagpapadala sa akin ng pera."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN