Luis Manzano asserts there’s no tension between him and Mariel Rodriguez anymore

"Ako, I don’t see anything wrong with us communicating. Ang friendship nga namin dati, sabi ko nga, ang tawag sa amin before is ’demonic.’ Pero siyempre, may mga bagay na hindi na puwede considering her current status in life," says Luis Manzano about Mariel Rodriguez.


Nagtagpong muli ang landas nina Luis Manzano at Mariel Rodriguez sa premiere ng Kasambuhay Habambuhay short film anthology ng Nestle last Friday, June 10, sa Powerplant Mall, Rockwell, Makati City.

Matatandaang nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawang Kapamilya stars, bagamat hindi malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng hindi nila pagkakaunawaan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis last Sunday, June 12, nilinaw niya na noon pa man ay hindi niya ikinukunsidera na nagkaproblema sila ni Mariel, taliwas ng mga lumabas na balita.

"Ang tagal ko nang nakakahinga nang maluwag even after nung E-Live interview pa namin.

"So, wala akong tension nung pumunta ako ng Rockwell, sa Nestle event, walang ganun.

"To be honest, ang tagal nang wala.

"Nung nakita ko siya nun na magkatabi sila ni Toni [Gonzaga] na ini-interview, ayoko namang manghimasok dun.

"So, after that when I said hi," kuwento ng TV host-actor.

Bukas na ba si Luis na mabuksan uli ang komunikasyon at pagkakaibigan nila ni Mariel?

"Sa akin naman, if there is a need for us to talk... I mean ang weird naman kung bigla-bigla, magtatanong ka ng mga bagay-bagay.

"Ako, I don’t see anything wrong with us communicating.

"Ang friendship nga namin dati, sabi ko nga, ang tawag sa amin before is ’demonic.’

"Pero siyempre, may mga bagay na hindi na puwede considering her current status in life."

Ang tinutukoy ni Luis ay ang pagpapakasal ni Mariel sa action star na si Robin Padilla.

Pero bukas naman daw si Luis kung saka-sakaling magkatrabaho silang muli ni Mariel, gaya ng pagsasama nila dati sa E-Live at ilang TV guestings sa ABS-CBN.

"Oo naman," sambit niya.

"Sabi ko nga, nali-limit-an lang kami ni Mariel. Nakapag-Your Song lang kami at nag-E Live, puro hosting.

"Ako, I love to act and explore with her as Mariel the actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When It comes to hosting naman, iba ang tiwala ko kay Mariel as a host.

"Unang-una, sa kanila ang E Live. Dapat nga ako ang medyo mahiya kasi ako ang pinasok after," saad ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN