Oyo Sotto on wife Kristine Hermosa’s pregnancy: "Minsan nakakalimutan ko, hindi pa talaga siya nagsi-sink in."

"Very happy, also at the same time, may takot, ’tsaka kaba kasi first baby [namin]. So, lagi lang naming pinagdadasal na normal, ’tsaka malusog yung bata," says Oyo Sotto about the pregnancy of his wife Kristine Hermosa.


Noong last week ng May ay kinumpirma ng Kapamilya actress na si Kristine Hermosa na siya ay buntis sa una nilang anak ng kanyang mister na si Oyo Sotto. (CLICK HERE for related article.)

Kung natutuwa ang fans ni Kristine, higit na saya ang nararamdaman ng magiging first-time daddy na si Oyo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Oyo, sinabi nitong matagal na talaga nilang gustong magkaanak ng kanyang misis.

"We really wanted to have a baby na.

"Planado siya, pero yung nabuntis siya, e, hindi namin alam, e," saad niya.

Nakausap ng PEP si Oyo sa taping ng pinagbibidahan niyang action series sa TV5, ang Bangis, sa Bailen, Cavite noong Lunes, June 13.

EXCITED DADDY. January 12 ng taong kasalukuyan nang magpakasal sina Oyo at Kristine. At matapos nga nilang maghintay ng ilang buwan, si Kristine ay nine weeks pregnant na.

Matagal ang naging paghihintay nila Oyo. Umabot na rin daw sila sa puntong ipinagpasa-Diyos na nila ang lahat.

"For the past few months, we were really expecting talaga," sabi ng aktor.

"Every month, test [siya] nang test, hanggang sa yung mga medyo pahuli na, sabi namin, ’Huwag na, baka ayaw pa ng Diyos.’

"So, sa Kanya na lang kung ibibigay niya sa amin yung baby, or baka hindi pa itong taon na ’to."

Isa raw sa mga dahilan kung bakit medyo nahirapan sila na makabuo ay ang pagkakaroon ni Kristine ng polycystic ovary.

"Kasi sa situation ni Tin, medyo may pagka-severe yung polycystic ovaries niya, so hirap talaga siyang mabuntis.

"So, parang may pina-take lang sa kanya na fertility na gamot.

"Tapos yung OB [Gyne] asked us kung gusto na daw ba ni Tin magpa-inject para daw sumabog na yung mga eggs niya, para mabuntis na.

"Sabi namin, ’wag na lang, mas maganda yung normal na process, yung walang mga injection."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano nga ba niya nalaman na buntis na ang kanyang asawa?

"Meron isang umaga, siya [Kristine] yung nagising nang maaga, tapos ang tagal niya sa banyo. Nagtataka na ako.

"Sabi ko, ang tagal naman [niya] sa banyo, ang aga-aga pa, siguro mga 6:30 yun o 7.

"Tapos paglabas niya, tinapon niya sa akin yung pregnancy test, e, kakagising ko lang.

"So, tinitingnan ko, parang sabi ko, ’Ano ba ’to? Ano bang basa dito?’

"Tapos yun pala, may dalawang lines, positive. Tapos dumiretso na kami sa OB niya," kuwento ni Oyo.

GOOD NEWS. Matapos malaman ang resulta ng pregnancy test, agad na ipinaalam ni Oyo sa kanyang ama na si Vic Sotto ang tungkol sa magandang balita.

Una pa nga raw ay hindi sila nagkaintindihan ng kanyang daddy.

"Kasi ang text ko sa kanya nun, ’Good morning, dad, positive.’

"Tapos nag-reply siya, ’Yes, of course, good morning!’" natatawang sabi ni Oyo.

"Sabi ko, ’Bat ganun?’ Sabi ko, ’Ibig kong sabihin positive yung [pregnancy] test.’

"Tapos, parang nagkasalisi ata yung text namin, parang ang susunod na text [niya] sa akin, ’Anong ibig mong sabihin dun sa positive?’

"Tapos nabasa niya na ’ata, sabi niya ’A, ok, akala ko kung ano yung positive na sinasabi mo.’"

Ayaw raw ni Bossing Vic na makialam sa pinagdadaanan ngayon experience ng kanyang anak. Gusto niya raw ay matuto itong mag-isa.

Ganun din naman ang palagay ni Oyo.

"Mas okay sa akin yun kasi lalaki ako, e," sabi niya.

"Mas magandang natututo ka sa sarili mo.

"Iba sa babae, e, dapat maalaga ka talaga.

"Dapat ang lalaki pinapakawalan lang, e, para matuto."

KRISTINE’S PREGNANCY. Kahit mahigit dalawang buwan nang buntis si Kristine, hindi pa rin daw ito lubusang mapaniwalaan ng aktor.

"Hindi ako makapaniwala, e, kasi hindi pa naman malaki yung tiyan niya dahil two months and one week pa lang siya [buntis]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang kuwento pa ni Oyo, "Minsan tinitingnan ko siya, parang sasabihin ko, ’Buntis ka nga pala, ’no?’

"Kasi minsan nakakalimutan ko, hindi pa talaga siya nagsi-sink in."

Ganunpaman, sinabi ni Oyo na iisa lang daw ang nararamdaman nilang mag-asawa.

"Very happy, also at the same time, may takot, ’tsaka kaba kasi first baby [namin].

"So, lagi lang naming pinagdadasal na normal, ’tsaka malusog yung bata."

Ang gusto sanang maging anak ni Oyo ay babae.

Wala pa rin daw silang naiisip na pangalan para sa magiging baby nila.

Hindi rin naman daw maselan ang pagbubuntis ng kanyang asawa, pero may cravings na rin daw ito.

"Basta mahilig lang siya ngayon sa maasim. Puro maasim kasi...sabaw na maasim, hilaw na mangga."

ANSWERED PRAYER. Naging maganda ang simula ng taon na ito para kay Oyo.

Nagsimula ang kanyang taon nang magpakasal sila ni Kristine.

Sumunod dito ang project na na ibinigay sa kanya ng TV5, ang fantaseryeng Bangis.

At ngayon nga ay ang pagbubuntis ni Kristine.

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw makapaniwala si Oyo sa mga blessings na natatanggap niya.

"Ang hirap i-grasp, e," sabi niya.

"Kasi for such a long time, I’m really praying to God na sana nga matuloy yung kasal namin.

"Kasi ang daming issues from the past, lalo na sa mga exes namin, pero ayoko nang banggitin ang pangalan.

"Ang daming issues, e, pero okay lang, ganun talaga siguro.

"Pero importante yung nakahawak ka sa Diyos, Siya yung pinagkakatiwalaan mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN