Edgar Allan Guzman still waiting for a lead role in primetime series

Kapatid talent Edgar Allan Guzman has been in showbiz for five years, but has yet to land lead role in a primetime series.

"Ako naman po, kahit ano, kahit supporting, okey lang sa akin kasi at least, di ba, experience? Although na-experience ko din noon sa Daisy Siete, support. Pero yung soap na primetime, yun nga sana," he says.


This Father’s Day, paano ginugunita ni Edgar Allan Guzman ang kanyang ama—the late Edgar Alenzuela Guzman?

"Siguro yung panonood namin ng basketball," sabi ni Edgar Allan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Hilig niya ’yon, e. Hilig ko din. Naglalaro din siya.

"Tapos, nung bata ako, pag hindi kami nanood ng PBA [Philippine Basketball Association] games, magagalit ako sa kanya.

"Sasabihin ko sa kanya, ’Nag-promise ka sa akin, hindi mo naman tinutupad!’ Gano’n ako dati.

"Nanonood kami nang live... After ng work niya kahit pagod siya, sa ULTRA at Araneta [Coliseum]."

Anong basketball team ang paborito nila ng daddy niya?

"Ginebra Kings!" sabi ni Edgar Allan.

’’Yung mga players, sina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Bal David, Noli Locsin, Marlou Aquino...

"Ang daming fans ng Ginebra!"

Sila lang ng kanyang daddy ang laging magkasamang manood ng mga game shows habang nagbibinata si Edgar Allan.

"Nung mga 10, 11, hanggang 12 years old ako," pagtukoy niya.

"Yung kakainin namin, kahit yung mango pie [sa Jollibee], okey na ako. Tapos, ibibili niya ako ng hotdog sandwich sa labas.

"Kaya hanggang ngayon, parang hindi ko pa rin matanggap na wala na siya."

Edgar Allan was 13 years old when his dad passed away.

Namatay ito sa sakit na aneurysm while on a business trip in Hong Kong nang pauwi na ng bansa.

Dating trader ng hospital equipment ang ama ni Edgar Allan at ng tatlo pa niyang mga kapatid na sina Bob James, 28, miyembro ng male dance group; Michael Vincent, 27, at Michelle Cindy, parehong call center agents.

TAKING CARE OF MOM ROSARIO. Bunso si Edgar Allan sa apat na magkakapatid. Silang lahat ang nag-aalaga ngayon sa kanilang inang nabiyuda, si Gng. Rosario Guzman.

"Si Mommy, sa bahay na lang siya ngayon. Kami na lang ang magtatrabaho para kay Mommy," sabi ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng ibang artistang sumikat, mayroon ding kasalatan sa buhay na naranasan ang Mr. Pogi ’06 winner.

"Tama lang," aniya.

"Yung tamang meron lang, nagkakaroon, pero nawawala rin, gano’n.

"Naaawa nga kami noon kay Daddy kasi wala kaming sariling sasakyan.

"Sa Pasig po kami nakatira, tapos nagko-commute siya sa Manila.

"Kaya nga po ako nag-work, kasi nung 13 [years old] ako, ang inaasahan lang namin, yung SSS [Social Security System benefits] ng mommy ko.

"Napansin ko, walang tutulong sa mommy ko kundi kaming magkakapatid.

"Nung nagda-dancer na ako noon, kahit 500 [pesos] lang ang bayad sa akin, okey lang," kuwento pa ni Edgar.

Naging miyembro rin muna ng all-male dance group si Edgar Allan sa TV bago napasali at nanalo sa "Mr. Pogi" search ng Eat Bulaga!.

"At least, pag-uwi ko, may baon ako. So okey na ’yon.

"Nung may mag-suggest na sumali ako sa Mr. Pogi, sabi ko, bakit hindi ko kaya i-try.

"So, nag-audition ako, tapos kinabukasan sumali na ako."

Five years later, may maituturing nang accomplishment si Edgar Allan bilang isang artista.

Part of his earnings ay inilaan niya sa ilang investments, tulad ng brand new car while saving up for a house and lot.

"Gusto ko yung gawa na, tapos ipapa-renovate ko na lang.

"Nagrerenta pa rin kami, pero medyo maganda na, up and down na," pag-describe pa ni Edgar Allan sa family dwelling nila sa isang apartment sa Pasig City.

How soon kaya ang pagkakaroon niya ng sariling house and lot?

"Hindi ko pa po sure, e. Itanong natin sa TV5?

"How soon po? Malapit na po ba?" biro ng young actor.

PRIZED TALENT. After five years in show business, maituturing nang isa sa prized talents ngayon ng Kapatid network si Edgar Allan.

Sa PEP interview, he also traced back his beginnings with the network, na halos kasabay rin ng mabilis na pagbabagong-bihis ng istasyon tungo sa pagiging totoong competitive sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"April 11, 2010 ako nag-start sa TV5," recalled Edgar Allan, na unang sumabak sa shows ng network tulad ng P.O.5 at Fantastik.

Sa drama show guestings niya, ang isang memorable portrayal ni Edgar Allan ay bilang nawalay na anak ni Maricel Soriano sa drama anthology na 5-Star Specials, na si Maricel ang unang featured actress.

"Ang dami kong taghiyawat doon!" natatawa ang young actor as he recalled the episode kunsaan gumanap siya bilang young pedophile na nagpakamatay.

Dalawang top-caliber actresses ang featured sa episode—sina Maricel Soriano at Cherry Pie Picache.

"Ang galing!" exclaimed Edgar Allan.

Hindi niya raw makakalimutan ang naging experience working with the two actresses, although hindi siya direktang nakaeksena nina Marya at Pie.

Nagkasama lang sila sa taping while waiting for their respective scenes to be taped.

Just the same, Edgar Allan remembers the experience with much fondness.

"Ako kasi, pag may senior na artista, ako ang lalapit para bumati. ’Hello po. Edgar Allan Guzman po...’

"Baguhan lang kasi ako. Baka mamaya, sabihin nila, ’Sino ba ito?’

"Mabait naman sila. Approachable sila."

At present, ganito rin ang maganda niyang karanasan working with the likes of Tirso Cruz III and co-stars in Bisperas.

"Opo, sina Kuya Pip, Ate Jennifer [Sevilla], Ate Julia [Clarete], at Ate Raquel [Villavicencio]," pagbanggit pa ni Edgar Allan sa main cast ng naturang Cinemalaya filmfest entry.

NEW SHOW. Meanwhile, may bagong musical-variety show ang TV5 at kabilang si Edgar Allan sa magiging regular co-host nito.

"Hey, It’s Saberdey! po ang title, sa June 18 ang start, live kami sa Broadway, 11 a.m. to 12 noon," pagbabalita pa ni Edgar Allan.

"Parang Fantastik din, pero usually 45 minutes lang yun, every Sunday.

"Ito [Hey, It’s Saberdey!], isang oras talaga, so marami-raming production numbers."

Agad ngang nagkaroon ng replacement ang natapos nang pang-Linggong musical-variety show; this time, every Saturday naman ang airing ng kapalit na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Edgar Allan dahil hindi pa rin siya mababakante tuwing weekends.

Dalawa pa rin ang shows niya sa Kapatid network. Bukod sa bagong variety show, nariyan pa rin ang gag show na Lokomoko U tuwing Biyernes ng gabi.

Sa RSVP Studios ng TV5 sa Parañaque City nagte-taping sina Edgar Allan at mga kasamang miyembro ng cast, sa direksiyon ni Al Tantay.

Kabilang sa cast ng gag show sina Tuesday Vargas, Alex Gonzaga, JC de Vera, Joseph Bitangcol, Rainier Castillo, Alyanna Asistio, Diane Medina, Valeen Montenegro, at ang Tres Marias na sina Luningning, Mariposa, at Milagring.

Sa isang naunang interview ng PEP, nabanggit ni Edgar Allan ang planong paglabas niya rin sa teleserye ng TV5 as early as April this year, pero hindi natuloy.

"Naghihintay kasi kami ng [mas] maganda," sabi niya.

"Si Kuya Noel [Ferrer, his manager], ayaw niya lang din kasi ng supporting ako. Yun lang.

"Ako naman po, kahit ano, kahit supporting, okey lang sa akin kasi at least, di ba, experience?

"Although na-experience ko din noon sa Daisy Siete, support. Pero yung soap na primetime, yun nga sana."

ACTOR-SINGER. Nonetheless, masaya si Edgar Allan sa takbo ng kanyang career.

Dalawang indie films sa forthcoming Cinemalaya filmfest, simula July 15, ang magtatampok sa aktor.

As mentioned, isa rito ang Bisperas (Intruders), a family drama, sa Directors’ Showcase category written by Paul Sta. Ana and directed by Jeffrey Jeturian.

Ang isa pa ay ang Ligo Na U, Lapit Na Me, entry sa New Breed category, sa panulat ni Jarry Gracio mula sa nobela ni Eros Atalla at sa direksiyon ni Erick Salud.

Sa Ligo Na U... na isang sex-dramedy, with Mercedes Cabral as Edgar Allan’s leading lady, ang young actor din ang umawit ng theme song.

Halos magkakasabay niyang ginawa ang voice-over dubbings at ang recording ng theme song ng Ligo Na U...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig din ngang kumanta si Edgar Allan bukod sa pagsayaw na una niyang ginagawa bago napasabak sa seryosong pagganap sa mga indie movies.

"Mayroon na po akong ginawang music compilation, yung Love Drive na mga pambabaeng songs ang nasa album," banggit niya.

"NO COMMENT" ON IWA MOTO. Sa kainitan ng balita tungkol sa ex-girlfriend niyang si Iwa Moto, na nakipagkalas sa boyfriend nitong mixed martial artist na si Mickey Ablan, after a violent incident and ensuing reactions, kinokontak ng PEP si Edgar Allan para sa anumang komento but he chose not to respond.

Lately lang siya nagpahayag ng kanyang saloobin nang maging maayos na ang sitwasyon ni Iwa, ayon sa mga ulat.

"Ayoko na po talaga [mag-comment]," sabi ni Edgar Allan, na nag-beg off sumagot hinggil sa issue sa isa sa mga unang text messages ng PEP.

Sa naunang interview naman niya with PEP, malayang nagpahayag si Edgar Allan ng tungkol sa naging past nila ni Iwa. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi naging positibo ang komento ng isang reader/blogger, ayon din sa young actor.

"May nag-comment dun sa article, parang ginagamit ko si Iwa, gano’n. Kaya sabi ko, huwag na nga lang!

"Kasi nga, parang lumalabas, negative ako. Parang ginagamit ko si Iwa," katwiran din ni Edgar Allan, na very much aware naman sa mga naganap na insidente involving his ex-girlfriend.

ON JOHLAN VELUZ. Ang isa pang iniiwasan ni Edgar Allan ay ang magiging epekto ng anumang intriga at maling pagtuturing sa kanya sa relasyon nila ng current girlfriend na si Johlan Veluz.

Nabanggit na rin ng young actor ang tungkol kay Johlan in a previous PEP article, na aniya’y miyembro ng SexBomb Dancers.

Sa kasalukuyan, okey pa rin ang takbo ng lovelife ni Edgar Allan, at maingat siya sa pagri-reveal ng tungkol sa kanila ni Johlan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apparently, he wants to keep things private kahit pareho silang nasa showbiz ng kanyang girlfriend at sabi nga’y kapwa sila "public property."

Ano naman ang reaksiyon ni Johlan sa kanyang kissing and bed scenes with Mercedes Cabral sa bago niyang pelikula?

"Tinanong ko siya, ’Okey lang ba sa ’yo? ’Oo, trabaho yun, e,’" pagtukoy ni Edgar sa sagot ng girlfriend niya.

"Nagulat nga ako, kasi... ’A, okey.’ Ayoko kasi na may masabi siya.

"Ayoko po kasing maging iba yung tingin niya sa akin.

"Nahihiya nga ako, pero sabi ko naman sa kanya, ’Daya lang naman ’yon, di ba?’

"Pero yung mga kissing scenes, talagang totoo."

Nagbiro pa raw si Edgar Allan kay Johlan, na ang sabi, "Ikaw pa rin ang makakakita ng lahat! Iyong-iyo ’to!’

"’Ewan ko sa ’yo!’ sabi niya," natatawa na lang si Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN