Singer-actor Gerald Santos to portray Jose Rizal in musical play

"Kalimutan na lang po kung anong pinagdaanang problema dahil sa ngayon, mas masaya ako sa TV5. Hindi ako nawawalan ng project dito, e," says young singer-actor Gerald Santos.


Matapos ang maraming concerts at dalawang albums, nakatakdang sumabak ulit sa acting ang itinanghal na grand winner ng Pinoy Pop Superstar Season 2 ng GMA-7 na si Gerald Santos.

Gagampanan niya ang papel ng national hero na si Dr. Jose Rizal sa isang musical play.

"Napili po ako para gampanan ang role ni Jose Rizal sa Sino Ka Ba Jose Rizal?.

"Musical play po ito at talagang excited ako sa project na ito, although inaayos pa ang lahat," kuwento ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap namin siya sa Music 21 Plaza, Timog Ave., Quezon City para sa kanyang upcoming concert na Gerald Santos: Major Move.

Hindi na bago kay Gerald ang pag-arte dahil noong nasa GMA-7 pa siya ay lumabas siya sa Magpakailanman ni Mel Tiangco upang gampanan ang kanyang sariling kasaysayan.

Kinalaunan ay napasali siya sa dating primetime series I Love New York bilang kapatid ni Jolina Magdangal.

Dahil dito ay na-nominate pa siya sa PMPC Star Awards for TV bilang Best New Male TV Personality.

Sa ngayon ay nasa TV5 si Gerald at kasali siya sa bagong show na Hey It’s Saberday.

Kung bibigyan siya ng Singko ng acting assignments ay okay lang daw sa singer/actor.

Actually, pati na sa indie films ay game din daw siyang sumubok.

"Gusto ko rin po na maka-acting o mapasali sa mga TV series sa TV5, pero kung may offer din sa indie films, why not?" sabi ni Gerald.

Willing ba siya to do a love scene or kissing scene?

"Siguro naman po kaya ko nang gawin yun," matipid niyang sagot.

RHIAN & KC. Dahil aminadong crush at pantasya si Rhian Ramos, gusto ba niyang si Rhian ang makasama sa ganitong eksena?

"Pantasya? Crush ko pa rin siya mula noon hanggang ngayon," nangingiting sagot ni Gerald.

"Pero ewan ko lang po kung may tsansa akong makatambal siya sa isang project someday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bata pa kasi ako noon, kaya crush lang. Pero ngayon ay handa ko na siyang ligawan.

"Single naman siya ngayon, di ba? Pero siguro po, dapat sa tamang panahon.

"At saka bukod kay Rhian, crush ko rin po sina Sarah [Geronimo] and KC [Concepcion]."

Kuwento pa niya, "Na-starstruck po ako kay KC nang na-meet ko siya na nagkasabay kami mag-promote sa DZMM.

"Tapos sabi ni KC, na-surprise po siya sa boses ko, sabi niya she was amazed."

SOLO CONCERT. Sa June 18, mapapanood siya sa Gerald Santos: Major Move sa Music Museum.

Ayon sa singer-actor, maraming bago ang makikita sa kanyang concert tulad ng kanyang versatility bilang performer.

Hindi lamang ang galing ni Gerald sa ballad ang makikita rito kundi ang iba’t ibang genre ng musika, kabilang ang rock, rap, jazz, RnB, at standards.

Special guests ni Gerald sina Joseph "The Artist" Valerio (Ultimate Talentadong Pinoy 2011), Eula Caballero (Star Factor champion), The Knights Band, Dance Squad, The UP Concert Chorus, at si Wency Cornejo.

"First time time na solo ko ito sa Music Museum, iba itong gagawin ko, parang step up, level up.

"Na-stereotype kasi ako bilang balladeer, e, and gusto ko ring patunayan na kaya ko ring gawin yung ibang genre, yung pagiging total performer nga.

"Dapat kasi well-equipped ka para magustuhan ka ng tao," sabi pa ng tinaguriang Prince of Ballad.

TURNING POINT. Ayon din kay Gerald, isang turning point ang mga nangyayari ngayon sa kanyang career.

Naka-move on na raw siya sa nangyari noon sa kanya sa GMA-7, at mas gusto niyang kalimutan na ang nakaraan at harapin ang kanyang career.

"Kalimutan na lang po kung anong pinagdaanang problema dahil sa ngayon, mas masaya ako sa TV5.

"Hindi ako nawawalan ng project dito, e," saad niya.

Sa kasalukuyan ay kaliwa’t kanan ang mga show niya sa probinsiya at dito sa Metro Manila, and very soon ay matutupad na rin ang kanyang pangarap na makapag-show sa abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino pa ang pangarap niyang makasama sa concert?

"Dream kong makasama sa concert si Martin Nievera. Dream din siyempre po si Sarah Geronimo.

"Pero hindi pa sa ngayon, siguro in the future, hopefully."

Sinabi rin ni Gerald na interesado ang Viva na kunin siya, kaya inimbita nila ang boss ng Viva na si Vic del Rosario sa concert ng binata sa June 18.

"Before pinapunta ako sa Viva para mag-audition kasi narinig nila akong kumanta sa TV5, nagandahan at nagalingan daw po sila sa akin.

"Sabi ng manager ko, pumunta na nga lang sila sa concert ko sa June 18 para doon nila makita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN