Gretchen Barretto suffers minor injury after trampoline accident

Actress Gretchen Barretto literally hit the floor while doing an exercise on the trampoline last Tuesday morning. Although she did not sustain any major injury, Gretchen was advised by her doctors to rest.


Naaksidente ang aktres na si Gretchen Barretto habang nag-e-exercise gamit ang trampoline.

Ayon sa kuwento ng tagapagsalita ni Gretchen na si Bettina Aspillaga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), regular daw na ginagawa ni La Greta ang pag-eehersisyo sa pamagitan ng pagtalon sa trampoline.

Madalas daw ginagawa ng aktres at sanay na sanay na raw itong tumalon nang mataas.

Pero noong Martes ng umaga, June 16, "na-out balance" si Gretchen at bumagsak sa sahig.

Napasigaw raw nang malakas si Gretchen dahil sa sakit ng pagkabagsak niya.

Agad namang isinugod sa isang kilalang pribadong ospital ang aktres.

Pero wala raw namang dapat ikabahala ang mga nagmamahal sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Gretchen at under therapy.

Dahil sa pagkabagsak niya ay mahigpit na pinagbabawalan ng mga doktor na tumayo ang aktres nang kahit ilang minuto lang dahil complete rest ang ipinayo sa kanya.

Hindi naman apektado ang uumpisahang teleserye ni Gretchen sa ABS-CBN na may working title na Alta dahil "back story" pa raw ang unang kukunan.

Makakasama niya rito sina KC Concepcion, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Luis Manzano.

"Two weeks lang naman ang ibinigay na complete rest sa kanya," sabi ni Bettina.

Pero dahil sa aksidente ay hindi na matutuloy si Gretchen bilang isa sa main hosts ng 27th PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa Resorts World Manila sa June 21.

Makakasama sana ni Gretchen sina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Jericho Rosales bilang hosts.

Naghahanap na ngayon ang Airtime Marketing, na pinamamahalaan ni Tess Celestino, ng maging kapalit ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN