Boy Abunda to seek Samar gubernatorial post in 2016

Boy Abunda, who is born in Borongan City, Eastern Samar, has announced his intention to run for a gubernatorial post in 2016.


Ipinaalam na ng TV personality at talent manager na si Boy Abunda ang kanyang intensiyon na pasukin ang mundo ng pulitika.

Balak ng The Buzz host na tumakbo bilang gobernador ng Eastern Samar sa taong 2016, ayon sa ulat ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News kanina, Hunyo 16.

Ito ay pormal niyang inanunsiyo sa press conference na inihanda para sa pagkakatalaga kay Boy bilang senior political adviser ng Ladlad party-list.

Si Boy ay ipinanganak sa Borongan City, Eastern Samar.

Subalit bago ang planong ito, tutulong muna ang TV host sa pagpapatibay ng mga programa ng party-list group na sumusuporta sa karapatan ng homosexuals at transgenders.

Ayon kay Abunda, "We have to intensify the fight for the rights of the gay, lesbian, transgender, and bisexual community."

Nabanggit din ng Bottom Line host na, "We need to boost its chances to win in 2013, otherwise, we will lose official accreditation."

Matatandaan na nagkaroon ng problema noon ang grupo ng hindi sila bigyan ng accreditation ng Commission on Elections noong nakaraang eleksyon. Subalit napagbigyan din sila bago pa ang May election noong 2010.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN