Tessie Tomas has no "burning desire" to go back to hosting

Matagal na si Tessie Tomas sa showbiz industry. Mula noong magsimula siya sa palabas na Champoy (1981), nagtuluy-tuloy na ang kanyang career.

Iba’t ibang roles na rin ang kanyang nagampanan. Kasama na rito ang pagganap niya bilang si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa TV movie na A Dangerous Life (1988).


Matapos niyang gumanap bilang nanay ni Piolo Pascual sa ABS-CBN fantasy series na Noah, muling magbabalik sa primetime ang veteran actress na si Tessie Tomas. Pero ngayon ay sa Kapatid network na.

Kasama si Tessie sa upcoming fantaserye ng TV5, ang Bangis, na pagbibidahan nina Oyo Sotto at Danita Paner.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tessie noong Lunes, June 13, sa set ng Bangis sa Bailen, Cavite.

Masaya raw siyang maging parte ng bagong show na ito ng TV5.

"Karangalan ko ang makasama sa Bangis, at mga sitcom sa teritoryo ng Channel 5," saad niya.

ON BANGIS. Ito ang unang big project ni Tessie sa Kapatid network kaya naman naninibago raw siya.

"Kakaiba, hindi ko din inaasahan actually. Na-flatter ako na [sa akin] in-offer ito, yun ang feeling ko."

Ano ba ang role niya sa bagong palabas na ito ng TV5?

"Ako si Mama Mia, ako yung tumatayong second mother nung sila Douglas, Leon [Oyo Sotto], tsaka si Falcon [CJ Caparas].

"Sabi nila, parang I’m the heart of the show,

"Kasi yung motherly love ko sa kanila, sa kanilang tatlo, very protective ako with them."

Kumpara sa ibang mga nagawa na niyang shows noon, kakaiba raw ang palabas na ito.

"Well, hindi pa ako nakakita ng isang serye na buwaya ang bida!" natatawang sabi niya.

"Ang nakakatuwa, parang environment conscious ang buong palabas.

"Medyo mahirap dahil sa mga computer graphics ata na gagawin sa [palabas] namin.

"Hindi namin nararamdaman, pero sa post-production mahirap dahil dun sa mga action.

"Pag binasa mo yung script, yung act ng buwaya, mahirap i-computer graphics.

"I’ve never been in a serye like that."

Madami rin ang nakapunang hindi na ganun ka-visible si Tessie sa mainstream showbiz. Bagamat lumalabas pa rin siya sa ilang TV shows, madalang na ito.

Pero aniya, "I don’t really hide, hindi naman ako nag-retire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I really slowed down by choice. I only accept one project at a time."

ON ACTING. Matagal na si Tessie sa showbiz industry. Mula noong magsimula siya sa palabas na Champoy (1981), nagtuluy-tuloy na ang kanyang career.

Iba’t ibang roles na rin ang kanyang nagampanan. Kasama na rito ang pagganap niya bilang si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa TV movie na A Dangerous Life (1988).

Pero kahit 30 years na siya sa industriya, hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing bilang isang artista.

Ano nga ba ang sikreto niya?

"First of all, I’m not conscious sa caliber [as an actress]," sagot niya.

"I just feel lucky na nakita ko yung pagbabago ng landscape [ng showbiz], lalo na ng Philippine television.

"Kasi, for the longest time I’m in television, e.

"Secondly, wala akong ego problem, lalo na ngayon for the past 30 years.

"Mas malakas naman kasi ang ego problem pag bago ka pa lang,

"Kasi yung ibang artista, ’Ay, hindi bagay sa akin ’yan. Ang liit naman ng role, bagay sa akin malaking role.’"

Dagdag pa niya, hindi naman mahalaga sa kanya kung malaki o maliit na role ang binibigay sa kanya.

"[Minsan] second choice lang ako, at sinasabi ng director yun—nasasabi ng director yun.

"I don’t really mind kasi, you know, talagang may ganun yung negosyo—may first choice, may second choice.

"Hindi lang available yung first choice kaya ka nakuha, kaya ino-offer sa ’yo ’to.

"So, it’s up to you whether you will let it bother you."

ON HOSTING. Kilala rin si Tessie sa galing niya bilang isang host.

Ang kanyang naging popular talk show sa ABS-CBN na Teysi ng Tahanan ay tumagal ng pitong taon.

Pero pag-amin niya, hindi na daw siya ganun ka-encouraged na bumalik sa hosting.

"Para kasing ang laki ng pinagbago ng landscape ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sorry, pero wala kong nakikitang competition or any encouragement to go back [sa hosting], dahil parang nawala yung genre na yun."

Kuwento niya, "Nung pinabalik ako nung minsan sa kabilang channel, ginawa akong looking young.

"Tapos, puro young na yung ini-interview ko, puro showbiz. Wala nang quality talk, mga bands, parati akong nakamaong, pinapabata nila ako.

"’What’s wrong with me? Why are you making me different?’ I thought people like me for who I am, ’di ba?"

Pero hindi naman daw niya tuluyan tinalikuran ang pagho-host. Yun nga lang daw ay may mga batayan na siya ng mga show na gusto niyang i-host.

"I can do specials na, for instance, I’m getting to be a part of various causes, like that.

"So, kung meron ipapagawa sa aking special forum, yun, okay na rin yun.

"Pero no burning desire [for hosting]."

ADVICE TO YOUNG STARS. Sa tagal niya sa industriya, hindi na nakapagtataka na madaming humihingi ng advice sa kanya.

Pero pag-amin niya, iba na raw ang showbiz industry ngayon.

"To be very blunt about it, masyado nang madaming artista.

"Too many artists for little jobs, for very few jobs.

"So, di ba, parang survival of the fittest ang nangyayari?

"Maigsi na ang lifespan nila."

Kaya naman ang mapapayo niya sa mga young stars ngayon ay ang alamin ang forte nila sa industriya.

"I think, what they have to do is to really know what they are best in, and keep improving on that."

Paliwanag ng beteranang aktres, "Try to focus on that, and like everything, be the best.

"Kasi ang dami ng, pag nag-absent ka, pag hindi ka puwede, there’s [someone] next in line. There are five people whose going to replace you."

Kaya naman daw hindi siya nagsasawang magbigay ng payo sa younger generation ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"[I] felt self-fulfilled," nakangiting sabi ni Tessie.

"Nandoon na ako sa stage na gustung-gusto ko mag-share, gusto ko mag-guide ng mga tao, mga young actors and actresses."

Pero ang pinakamahalagang aspiration niya daw ngayon ay: "I hope I continue to be a good example to them—as someone who comes on time, someone who takes her job seriously, and someone who’s a professional, and someone who always wants to do her best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN