Bianca Manalo denies being third party to John Prats-Rachelle Ann Go breakup

"Kasi bilang babae, kung ako rin po ang nasa isang relasyon at galing sa isang relasyon, napakasakit din namang isipin kung mapunta ka sa ganung klaseng sitwasyon, na may maririnig kang ganun, na ikaw third party daw. Sino ba naman ang may gusto nun? Ngayon na nalalagay pa ako na bilang sinasabing ’third party’ daw, na hindi po talaga, masakit po talaga."


Nadadawit ang pangalan ng former beauty queen na si Bianca Manalo sa breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go.

Ilang araw kasi bago lumabas ang kumpirmasyon ng paghihiwalay nina John at Rachelle ay nabalita ang panunukso ng Happy Yipee Yehey! hosts sa young actor at kay Bianca. (CLICK HERE to read related story.)

Magkasama sa noontime show ng ABS-CBN sina John at Bianca.

Pero mariing pinabulaanan ni Bianca na siya ang "third party" sa breakup ng kanyang co-host sa dati nitong girlfriend.

Aniya, "Nirerespeto ko po kung anong relasyon meron sila.

"Kung may pinagdaanan po silang dalawa, labas na po ako dun, wala po akong kinalaman talaga.

"Ako po, bilang babae, ayaw ko po sanang mailagay sa ganyang klaseng isyu—na may third party."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca pagkatapos ng Happy Yipee Yehey! noong Martes, June 14.

Ayon pa sa beauty queen turned TV host-actress, "Kahit naman siguro sino, ayaw yung hihiwalayan ka para sa isa pa. Ang pangit naman po nun.

"Kahit ako naman yung nasa lugar ni Rachelle, e, sino ba naman ang may gusto nun?

"So, sana po i-out n’yo na ako dun.

"Kasi po, wala po talaga akong kinalaman doon."

THIRD PARTY. Ano ang naging reaksiyon ni Bianca nang malaman niyang siya ang itinuturong "third party" sa paghiwalay nina John at Rachelle?

"Sobra! Sobra akong na-hurt!" sambit niya.

"Kasi bilang babae, kung ako rin po ang nasa isang relasyon at galing sa isang relasyon, napakasakit din namang isipin kung mapunta ka sa ganung klaseng sitwasyon, na may maririnig kang ganun, na ikaw third party daw.

"Sino ba naman ang may gusto nun?

"Ngayon na nalalagay pa ako na bilang sinasabing ’third party’ daw, na hindi po talaga, masakit po talaga."

Dagdag niya, "Never kong inisip na maging third party.

"Ini-enjoy ko yung single life ko, tapos gaganituhin ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may manliligaw sa akin, gusto ko, yung ako lang."

Napag-usapan ba nila ni John ang isyu na ito? Ano ang sinabi nito sa kanya?

"Humingi siya ng paumanhin sa akin. Nag-sorry siya," sabi ni Bianca.

"Hindi niya raw alam bakit napasok ang pangalan ko.

"Although, alam naman namin na... Kaya naipapasok ang pangalan ko dahil sa asaran naming tatlo, di ba? Yun lang po yun!" pagtukoy ni Bianca sa kanyang sarili at sa co-hosts nilang sina Mariel Rodriguez at Matteo Guidicelli.

"Pero sa akin, wala naman po yun.

"Hindi naman ako masyadong nagpapaapekto, kasi alam ko namang hindi totoo."

Pero ano ba talaga yung totoo? Wala na ba talaga sina John at ni Rachelle?

"Yun nga po, sinabi niya [John] naman po sa aming lahat na wala na daw po silang dalawa.

"So, hindi ko po talaga alam, sa kanila na lang yun," saad ni Bianca.

Paano kung magkita sila ni Rachelle? Ano ang sasabihin niya rito?

"Hindi ko alam, pero alam niya naman kung ano yung totoo, e.

"So, pag nakita ko siya, hi-hello, ganyan.

"Iniisip ko lang kasi, baka pag nilapitan ko siya at sinabi kong, ’Hey, hindi ako, ha!’ parang defensive naman ako, di ba?

"So, huwag na lang, di ba? Hayaan na lang natin.

"I-out niyo na lang po ako sa isyu na ’yan, wala talaga akong kinalaman.

"Hindi ko po pinangarap na maging third party.

"Tulad ng sabi ko, kung may darating na lalaki sa buhay ko, gusto ko yung ako lang."

Ano ang masasabi niya na ayaw pang magsalita ni John tungkol sa hiwalayan nila ni Rachelle?

"Sa kanya na po yun, siguro hindi pa siya handang magsalita.

"Hindi po kasi natin alam kung ano yung pinagdaanan nila, e. So, kanila na po yun.

"Ang hirap magsalita, lalo na ako, ano bang kinalaman ko rito?" saad ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE POSSIBILITY. Ano ang magiging pakiramdam niya halimbawang may gusto sa kanya si John at gusto siya nitong ligawan?

"Siyempre, flattered ako. Siyempre humahanga yung tao. Yun lang po.

"’Thank you! Thank you!’ Ganun, pero wala."

Paano kung manligaw nga sa kanya si John, may chance ba ito?

"Well, hindi ko po talaga alam, e," sagot ni Bianca.

"Ako naman po ngayon, very much happy in my life, enjoying my single life.

"Mas ini-spend ko life ko sa ibang mga friends ko and with my family.

"Enjoy! Enjoy muna being a single."

Pero sa palagay niya ba ay boyfriend-material si John?

"Talagang pinu-push niyo lang, ha. Bakit ba gustung-gusto niyo akong pigain?"

Pero aniya, "Mabait naman po siya, may takot sa Diyos, goal-oriented, family-oriented...

"Siguro. Hindi ko alam!

"Alam niyo, ’yan talaga ang pinagtataka ko, ’yan ang epekto.

"Wala pa nga kaming ginagawa, lahat kayo kinikilig na.

"’Yan ang epekto, ’yan ba yung magic na tinatawag?"

How does she find John? Yung samahan nila bilang co-hosts?

"Okay naman... Masaya, masaya kaming lahat pag nagkikita kami sa dressing room," sabi niya.

DRESSING ROOM. Si Toni Gonzaga ang nagkumpirma na break na sina John at Rachelle sa The Buzz noong Linggo, June 12.

Bukod dito, ibinuko rin ni Toni na madalas pumasok sa dressing room nila si John dahil kay Bianca. Totoo bang nagbababad sa dressing room nila si John? (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi naman nagbababad, pumapasok lang," paglilinaw ni Bianca.

"Kasi bilang yung tao ay laging nasa location parati, di ba? Hindi naman siya sa studio naka-assign as host.

"Sobrang seldom niyang nasa studio siya, lagi siyang nasa remote area.

"So, pag umaabot siya ng may show pa kami dito sa studio, ano dapat gawin nung tao?

"Pag nandito pa kami, siyempre bilang mga kaibigan, kailangan niya man lang mag-hi or hello sa aming mga ka co-host niya, kaya siya pumapasok sa dressing room namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN