Dominic Ochoa excited to become a dad

"Come to think of it, I’m really excited about it. Sabi ko nga, I’m not getting younger. I’m of age already, so parang gusto ko na talaga," says Dominic Ochoa about becoming a father.


Sabik na ang aktor na si Dominic Ochoa sa pagsilang ng kanyang unang anak. Nasa ika-pitong buwan ngayon ng pagbubuntis ang asawa niyang si Denise Go-Ochoa.

Bigla ring napaisip ang aktor nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang gagawin ng pamilya niya sa darating na Father’s Day (June 19) ngayong magiging ama na siya.

"Actually ngayon ko lang naisip. Ikaw unang nagparamdam sa akin. Ang inisip ko yung Father’s Day para sa tatay ko," natatawang sabi ni Dominic.

Pagkatapos binanggit niya, "Come to think of it, I’m really excited about it. Sabi ko nga, I’m not getting younger. I’m of age already so parang gusto ko na talaga."

Bukod pa rito, mas natuwa ang aktor nang nalaman niya na lalaki ang magiging unang anak niya.

"It’s a baby boy!" masayang sinabi ni Dominic. "So, can you not be thankful to the Lord, na ’yon ang binigay na biyaya sa’yo? I want a girl after. Sabi ng asawa ko, ’Ikaw kaya magbuntis?’"

May naiisip na ba silang pangalan para sa kanilang anak?

"Yeah — Alexandria," sagot ni Dominic.

"Defender ang meaning niya... Alexandria is not unusual, but it’s something different."

Sa ngayon, hinahati ni Dominic ang kanyang oras sa trabaho bilang actor ng primetime soap opera na 100 Days at sa pag-aalaga sa kanyang asawang nagdadalang-tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN