Gerald Santos wows audiences with his impressions of famous local singers like Martin, Gary, Janno and Ogie

Isa sa mga talents ng balladeer na si Gerald Santos ay ang panggagaya sa boses ng mga male singers natin tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Janno Gibbs at Ogie Alcasid.


Isa sa mga talents ng balladeer na si Gerald Santos ay ang panggagaya sa boses ng mga male singers natin tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Janno Gibbs at Ogie Alcasid.

Kadalasan ay ginagawa ito ni Gerald sa mga concerts niya, and recently ay sa mga TV guestings niya (tulad sa Willing Willie), at aliw na aliw at manghang-mangha sa kanya ang audience every time ginagawa niya ito.

"Tapos may bago akong ginagaya, si Mark Bautista tsaka si Christian Bautista. Gagawin ko sa concert ko, pero may ibang gimik kaming gagawin," kuwento ni Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ang concert na sinasabi niya ay ang Gerald Santos: Major Move na gaganapin alas otso mamayang gabi, June 18, sa Music Museum.

Sa mga male singers na ginagaya niya, kanino siya nahihirapang manggaya?

"Ah kay... kanino ba? Maybe kay Martin, kasi ano, e... Martin and Mark Bautista, kasi may particular song na puwede mo agad i-incorporate ang boses nila e, yung pangaggaya mo, pero may kanta na hindi puwede ipasok yung boses nila. Kasi ang ginagawa ko po minsan yung hindi nila kanta yung ginagaya ko, mga ibang kanta pinagsasama-sama ko sila, yung ganun."

Kanino siya nadadaliang manggaya?

"Si Janno pinakamadali po, Janno, Gary, Ogie, Christian, yun pong apat na yun nadadalian po ako doon."

Dati na niya itong ginagawa.

"Actually ginagawa ko na po siya sa mga concerts ko before, pero siyempre ngayon lang siya na-expose talaga sa TV. Iyon yung funny side ko sa concert... pang-break ng monotony, para may fun side din si Gerald."

May nakausap na ba siya sa anim na male singers na ginagaya niya tungkol sa panggagaya niya?

"Ah hindi pa, kasi ngayon pa lang kumalat. Sana nga po, sana nga po makausap ko sila. Nakausap ko na po sila pero hindi pa tungkol doon, taska last year ko pa sila nakausap. Hindi ko pa po sila ginagaya na na-expose na sa TV, hindi pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon sana, sana kung ano, hindi sila magalit or ma-offend."

Kung mamayang gabi ang concert ni Gerald, airing rin today ng Hey It’s Saberday na musical/variety show ng TV5 na pumalit sa Fantastik na nag-last airing day noong May 23.

Ano ang reason na sinabi sa kanila sa pagkakatanggal ng Fantastik?

"Wala po e, wala pong sinabing particular reason kung bakit pinalitan. Pero noon pa lang hinihigingan na po kami na papalitan nga daw. Baka i-reformat, reformat lang daw, pero hindi namin akalain na ibang show na, tapos ibang time slot, tapos ibang araw.

"Tapos itong huli sinabi na nga na wala munang taping for Fantastik kasi papalitan na nga ng Hey It’s Saberday. Ayun sinabi sa amin na ’Magiging every Saturday na tayo.’ Doon lang po namin nalaman."

Eleven to twelve noon ang bagong show na ito ng Kapatid network.

Ang pilot nila today ay live.

"Tapos may taping po kami after.

"Nakakatuwa nga po kasi iyon din po ang araw ng concert ko, June 18, ito ngang Gerald Santos: Major Move. Iyon nga lang po, hindi na lang kami a-attend sa taping."

So wala siya sa second episode next week ng Hey It’s Saberday.

"Opo, kasi po ano e, dahil nga sa concert ko."

Ang mga guests ni Gerald sa concert niya ay sina Joseph "The Artist" Valerio na grand winner ng Talentadong Pinoy Year 2, Star Factor champion Eula Caballero, UP Concert Chorus, Dance Squad at si Wency Cornejo.

Walang exclusive contract sa TV5 si Gerald.

"Per show po ang contract. Ano naman po iyon, open naman po.

"Like yung sa Fantastik, once matapos yung show nakalagay naman po sa contract na may kapalit kaagad, which is yung Hey It’s Saberday, kaya may panibagong contract na naman po ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN