Carla Abellana says she has a normal relationship with her father, Rey "PJ" Abellana, despite her parents’ early separation

Lumaki si Carla Abellana na hindi kasama ang ama sa bahay. Ganun man daw ang nakagisnan niyang set-up, dahil sa naging paghihiwalay ng mga magulang, normal pa rin ang relationship nila ng kanyang kapatid sa ama nilang si Rey "PJ" Abellana.


Father’s Day na bukas, June 19. Kung tutuusin, lumaki si Carla Abellana na hindi kasama ang ama sa isang bahay.

Pero ayon sa Kapuso actress, ganun man daw ang nakagisnan niyang set-up, dahil sa naging paghihiwalay ng mga magulang, normal pa rin ang relationship nila ng kanyang kapatid sa ama nilang si Rey "PJ" Abellana.

Around 3 years old pa lang daw siya nang maghiwalay ang kanyang parents.

Ayon kay Carla, "Bata pa ko noon kaya wala pa kong alam. Noong ma-realize ko na, almost weekly, sinusundo niya kami. Tapos dadalhin niya kami sa bahay niya.

"Doon ko na-realize na hindi na sila magkasama sa isang bahay. Pero, never naming napag-usapan, never na in-explain sa amin.

"Kumbaga, lumaki kami na ina-assume na lang namin. Naintindihan na lang namin."

Kahit separated daw ang parents niya, wala raw siyang na-miss na occasion with her dad.

"Kung birthday, Father’s Day, Christmas, New Year, kapag may okasyon naman, talagang nagkikita kami ng daddy ko. Siya yung nagsusundo sa amin."

Tomorrow raw, wala siya kaya hindi raw niya mai-spend ang Father’s Day with her dad.

"Nasa Pagsanjan ako, overnight, magsu-shooting ako. Next weekend, mukhang puwede kasi, wala naman akong schedule. Malamang kakain lang kami niyan, handaan lang. At siyempre, may gift."

Ano ang natatandaan niyang Father’s Day gift sa ama?

"Ang madalas kong gift sa kanya, T-shirt o kaya polo, sumbrero, belt na magaganda."

Kahit daw hindi sila buong pamilya, never raw siyang naging bitter sa ama or nagtanim ng galit dito.

Aniya, "Hindi naman. Although siyempre, marami akong naririnig. Kung ano talaga ang nangyari, bakit sila naghiwalay, pero, never akong nagtanim ng galit sa daddy ko.

"Kasi, iba ang pagkakakilala ko sa kanya at sa mga narinig ko. Of course, I will stick to what I know about him. So, never akong nagtanim ng galit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw, mas okay pa sila ng daddy niya.

"Mas better ngayon kasi mas nakaka-relate na ko sa kanya in many ways.

"Hindi lang sa career, kung hindi maging sa buhay. Ang hirap ng buhay especially in terms of working for your family.

"Naiintindihan ko na yun ngayon at mas na-appreciate ko siya as a father. Siyempre, ginawa naman niya ang best niya.

"Alam ko rin naman na nagkaroon siya ng ibang pamilya. Nakilala ko ang mga sisters ko at naging close naman kami. Hanggang ngayon, close kami. Anim kaming lahat."

In her own life, and in her future family life, gusto niyang maging buo ang magiging pamilya niya.

Ayon pa kay Carla, "Siyempre as much as possible gusto mong maiwasan kung anuman ang nangyari sa kanila. Pero hindi naman guarantee yun. Hindi naman porke naghiwalay ang parents mo, maghihiwalay rin kayo ng asawa mo.

"Hindi rin naman opposite ang mangyayari. Naghiwalay ang parents mo, tapos kayo, forever. Walang assurance.

"You can try your best to keep your marriage forever pero walang guarantee."

Pareho sila ng family background ng boyfriend na si Geoff Eigenmann.

"Family values, pati yung paghihiwalay ng parents, parehong-pareho kami. Maganda nga yun, nakaka-relate kami sa isa’t-isa.

"So, sana maiwasan namin yun. We learn from our parents’ mistakes. Sana, hindi maulit."

Nasabi ni Geoff sa PEP na minsan ay nagbibiro siya about the two of them getting married. Mabilis itong itinanggi ni Carla.

Aniya, "Hindi, hindi. Although si Geoff, mahilig magbiro about mga bata. Like, "O, paano ba yan, yung magiging anak mo, ’eto ang pambayad ng tuition ng anak natin.’ Yung ganoon. Mahilig siyang magbiro.

"Pero yung kasal, hindi. Yung marriage, hindi. Wala namang balak pa. Hindi totoo yan. Kung ako ang tatanungin kung ready na, hindi pa talaga.

"Ayoko pa talaga. Parang when I was younger, siyempre, madaling isipin na gusto ko kapag 26, 27 years old, ikakasal na ko. Pero ngayong malapit ka na ro’n, parang ayaw mo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling yayain na siya ni Geoff?

Nakangiting sagot ni Carla, "Sasabihin ko sa kanya, huwag muna. Hindi muna. Busy pa ako. No. 1, ayokong maudlot ang ganda ng career ko. Siyempre, mag-iiba ang priorities mo."

Dugtong pa niya, "At saka, kahit sino namang nagpakasal, mawawala ng konti, biglang lalabas ulit. Parang ayoko ng ganoon. Parang ayokong mawala muna. Ayoko muna."

Malapit ng magtapos ang kanilang afternoon series na Magic Palayok. Masaya naman daw si Carla sa naging outcome ng show nila.

"Actually, nagulat ako na patapos na pala kami. Parang kailan lang nagsisimula kaming mag-taping ng Magic Palayok.

"Nakakagulat na ilang tulog na lang, patapos na siya. Nakakatuwa na dumaan siya na magaan, masaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN