Rachelle Ann Go on breakup with John Prats: "Yun na po ang sinabi niya, e, di yun na po yun."

Nilinaw ni Rachelle Ann Go na sa kanyang pagkakaalam, nung nagsalita si Toni Gonzaga sa The Buzz na break na si Rachelle at si John Prats ay hindi pa raw sila naghihiwalay. Kamakailan lang daw sila nagdesisyon mag-breakup.


Lalong pinag-usapan ang isyung breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go nang kinumpirma ito ni Toni Gonzaga sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

Wala pang statement si John at si Rachel naman ay nanatiling tahimik.

Sa Happy, Yipee, Yehey! ay panay lang ang tukso kay John ng mga co-host nito pero wala siyang sinasabi kaugnay sa naturang isyu.

Si Rachelle Ann naman ay nagti-tweet lang ng mga makahulugang phrase hango sa The Notebook of Love.

Nung nakaraang Martes (June 14) ay nag-tweet ito ng quote from The Notebook of Love.

"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand his wisdom, but we simply have to trust His will."

Nung Biyernes, ito naman ang kanyang tweet: "R-E-S-P-E-C-T."

Nung araw ding iyun ay inamin ni John sa Happy, Yipee, Yehey! na single na siya nang tanungin ito ni John Estrada.

Kinagabihan ay na-korner ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle Ann sa VTR shoot ng Party Pilipinas at kahit papaano’y may nasabi rin ito kahit alanganin siyang magsalita.

Since kinumpirma na rin ni John na single na siya, ganun na rin ba ang sasabihin niya?

"Yun na po ang sinabi niya, e, di yun na po yun," medyo naalangan pa niyang sagot sa amin.

"Actually, ayoko po sanang magsalita pero since nasabi na naman po, ayun na nga.

"At saka sobrang ilang araw pa lang, oo wala pa pong ano... wala pang isang linggo," patuloy nito.

Nilinaw ni Rachelle Ann na sa kanyang pagkakaalam, nung nagsalita si Toni Gonzaga sa The Buzz na break na si Rachelle at si John Prats ay hindi pa raw sila naghihiwalay. Kamakailan lang daw sila nagdesisyon mag-breakup.

Nasa Singapore si Rachelle Ann nang pumutok ang balitang yun kaya nagulat na lang daw siya pagbalik ng bansa na yun ang mga itini-tweet at itinatawag sa kanya ng mga malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the longest time, hindi po. Pero sa ngayon, yun muna.

"Ayoko munang magkuwento po ng kung ano, pero oo, saka na lang pag okey na lahat.

"Ang hirap kasing magsalita kasi medyo magulo talaga. Magulo po lahat, so hindi pa rin kami kasi nag-uusap so hindi ko rin alam," medyo naguguluhan ding sagot sa amin ni Rachel.

Halatang pinipigilan lang nitong ilahad ang lahat ng saloobin dahil tila hindi pa niya kayang sabihin ang lahat.

"Kasi naguguluhan din ako sa kaganapan. Naguguluhan ako, so, oo hindi ko alam, e, sobrang hindi ko po alam.

"Hindi ko din kasi ma-explain. Hindi ko rin po alam kung paano ipapa-intindi sa lahat, kasi ako hindi ko rin alam so... may point ba ako?" natatawang sagot sa amin ng Party Pilipinas mainstay.

Tinanong namin kung masama ba ang loob nito kina Toni at Mariel Rodriguez na inunahan pa siyang mag-announce tungkol sa breakup.

"Hindi ko rin alam kasi yung kung... hindi ko rin po sigurado so ayoko na rin pong mag-react tungkol dun kasi hindi ko rin alam kung anong nangyari, kung bakit nangyari yun, so ayoko na rin pong pakialaman yung side nila," maingat pa rin niyang sagot sa amin.

Wala pa raw siyang nakausap sa kanila, at kahit si John ay hindi pa rin daw sila nag-uusap.

Kaya hindi rin niya mailatag nang maayos kung paano at kung bakit sila nag-break.

Tumanggi na rin itong magkomento sa pagkadawit ni Bianca Manalo sa isyu.

Hindi rin niya masagot nang maayos kung gaano kasakit itong nangyaring breakup nila ni John.

"Basta ako, sobrang thankful ako, andiyan yung pamilya ko, saka yung mga kaibigan ko.

"Yun naman talaga, e, hindi nila ako talaga, kumbaga, iniwan, di ba?

"So, sobrang yun, yung tinitingnan ko ngayon, yun yung pinapahalagahan ko.

"Ako, ano na lang, may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun na lang yung iniisip ko talaga, bahala na lang kung anong mangyayari," saad nito.

Ang gusto lang iparating ni Rachelle Ann sa lahat: "Ano po... huwag silang mag-alala.

"I mean, magsasalita naman po ako pagka-okey na lahat. Darating naman yung point talaga na magsasalita din ako.

"Sa ngayon, huwag muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN