Geoff Eigenmann misses his dad Michael de Mesa who moved to America with his girlfriend

Nagtanim ba ng galit o sama ng loob si Geoff Eigenmann sa father niya na si Michael de Mesa when he left the family?

"Ah, wala. Even with my mom (Gina Alajar), wala rin kasi... That’s the way life is. You just have to accept and move on," Geoff says.


Aminado si Geoff Eigenmann na nami-miss nilang magkakapatid ang father nilang si Michael de Mesa na naninirahan na ngayon sa America kasama ang kanyang girlfriend.

"We miss him especially on Father’s Day. Pero nandoon siya and he has to do what he has to do. So ganoon talaga," pahayag ni Geoff sa press visit namin ng Magic Palayok.

Anu-ano ang fond memories niya sa kanyang dad?

"Madami. Ah siyempre before, nu’ng kumpleto pa kami, madalas yung family dinner, family gatherings. Kasi every time na may something sa family, kahit na maliit na celebration lang, basta may reason para magsama-sama lang, sama-sama lahat.

"E ngayon, hindi na namin nagagawa ’yon. Kasi even if we are together, the other Eigenmanns, kulang pa rin kami so iba," tugon niya.

Michael de Mesa was formerly married to Gina Alajar.

Malungkot ba na malayo sa kanila ang daddy niya?

"Hindi naman. Because he’s just a phone call away. Madali lang naman. It’s easy to contact him. Halos pareho rin naman when he moved out of our house 10 years ago. Ganoon din naman ang nangyari... Sanayan lang naman,"wika ng aktor.

Anong edad siya nahirapan nu’ng nawala ang daddy niya?

"Actually, when we were younger madalas nang nangyayari ’yon e. Naghihiwalay ang parents namin pero nu’ng time na ’yon, hindi namin napapansin. Kasi kung tinatanong namin si daddy, ang sinasagot sa amin was nasa trabaho. Hindi namin na-realize yung difference.

"But when it happened the last time, matanda na kaming lahat e. We all understood. Hindi naman siya naging difficult. It’s just hard to accept kasi nasira ang pamilya niya e.

"I think it would have been worse if it happened when we were younger tapos, alam namin kung ano ang nangyayari. Nalinawan kami at such a young age," paliwanag ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtanim ba siya ng galit o sama ng loob sa father niya dahil sa nangyari?


"Ah, wala. Even with my mom, wala rin kasi... That’s the way life is. You just have to accept and move on.

"There’s really no point kung magtatanim ka ng galit. Kasi kung magtatanim ka ng galit, pinapahirapan mo lang ang sarili mo. And you’re causing problems na hindi naman kailangan. Pag puwede namang pag-usapan, pag-usapan at ayusin," katwiran niya.

Kumusta na ang relasyon niya sa kanyang daddy?

"Okey naman. The last time I spoke to him was during his birthday. Tinawagan ko siya two weeks ago. He’s happy that I called pero ’yun nga, siguro by September, we have to go back to the States to visit para magkita uli.

"Pero because nga of the show that I might be doing, baka hindi matuloy. He was kinda sad about that," wika ng boyfriend ni Carla Abellana.

How does Geoff feel about fatherhood?

"I’ve always been fond of kids. Lagi akong malapit sa bata. At first, shy-shy ako pero pag komportable na ako, kaya kong maging isip-bata. I like playing with kids. A lot of people say I can be a good dad. Nakikita nila yung fatherly instinct ko," sagot ng aktor.

Iniisip pa ba niyang baka mangyari sa future family niya ang nangyari sa pamilya niya?

"Well as much as possible, ayokong mangyari yun. Puwede naman iwasan ang mga bagay kung ayaw mo naman talaga. If there’s a will there’s a way.

"If you want your family to be perfect, you can make it perfect.

"You have to really make an effort and be true to yourself and your loved one," deklara ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN