Child actress Angeli Nicole Sanoy on end of her fantaserye: "Masaya, kasi umabot po kami ng 17 weeks. Malungkot, kasi hindi ko na po sila makakasama."

Ang bida ng Magic Palayok na si Angeli Nicole Sanoy, o mas kilala bilang Cookie, ay nakakaramdam daw ng lungkot pero may halong saya sa pagtatapos ng teleserye ngayong huling linggo ng June.


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magic Palayok sa New Manila kahapon, June 17. Ilang araw na nga lang ang natitirang taping days ng afternoon show na ito ng GMA-7 at mapapalitan na ng ibang serye.

Ang bida ng fantaserye na si Angeli Nicole Sanoy, o mas kilala bilang Cookie, ay nakakaramdam daw ng lungkot pero may halong saya sa pagtatapos ng show ngayong huling linggo ng June.

Aniya, "Malungkot po pero may kahalong saya. Masaya, kasi umabot po kami ng 17 weeks. Malungkot, kasi hindi ko na po sila makakasama. Mamimiss ko po sila."

Pinaalala naman namin kay Angeli na natupad ang kahilingan niya na ma-extend ang show at nabigyan pa sila ng panibagong extension.

Nakangiti nitong sabi, "Ang bait nga po. Ang bait-bait ni Lord sa akin."

Lahat daw sa cast ay mamimiss niya, pero lalo na raw sina Geoff Eigenmann at Romnick Sarmenta who play her uncle and father, respectively, in the series.

In real life, noong kausap namin siya, hindi pa raw niya naiisip kung ano ang Father’s Day gift na ibibigay niya ngayong araw na ito sa kanyang daddy.

"Hindi ko pa po naiisip. Last year, may gift din po akong ibinibigay sa daddy ko, pero, hindi ko po matandaan kung ano po ang mga ’yun."

On the other hand, natuwa naman si Angeli at sa huling mga episodes ng Magic Palayok ay muli niyang makakasama sina Mikey Cojuangco na siyang gumanap na nanay niya at mga inakalang ama naman niya na sina Polo Ravales at Frank Garcia.

Aniya, "Ito po talaga ang pinaka-memorable po. Tapos po, kasama pa po ako sa lead."

May mga nagbago ba sa buhay niya after starring in her own teleserye?

"Ano po, ’yun pong bibili ng taxi sila mommy po para gawing car. Tapos po, kapag po walang project, ’yun muna po ang gagawin. Para meron din po silang kita. Kapag may taping po, ’yun naman po ang gagawin naming service," ang sabi ng 10-year-old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angeli ay Grade 5 sa home study program sa Angelicum. Kapag walang taping, mas marami raw siyang time sumagot ng homework niya.

Hindi ba niya namimiss ang regular schooling?

"Namimiss ko rin naman po ang regular school. Ngayon pa lang po ako nag-home schooling. Pero ngayon po, mag-concentrate muna po ako sa school habang wala pa po akong project."

Totoo bang nagkakasakit si Angeli kapag walang taping?

"Opo nga e. Like noong wala po kaming taping, nagkaroon ako ng sipon at ubo."

Aminado naman si Angeli na nalulungkot siya na wala pang naka-line-up na project sa kanya.

"Siyempre po, gusto ko po sana, meron na, pero, okay lang po, maghihintay muna po ako. Kasi po, baka meron naman din po na dumating na magandang role," nakangiti niyang sabi.

Dahil ba sa naging bida na siya sa Magic Palayok, magiging choosy na siya at hindi na tatanggap ng hindi lead role?

Nakangiti niyang sabi, "Ay hindi po, okay lang po kahit na ano, basta may show. Okay lang po ako kahit ano pa po ang ibigay. At saka, hindi naman po ako sobrang sikat para magsabi sa kanila na gusto ko ganitong role, ganyan. Basta kahit ano po ang ibigay nila, go po!"

Pang-drama lang ba siya?

"Ay hindi po, kahit po sa iba, puwede rin po."

Sa huli, ano ang message niya sa lahat ng sumubaybay ng kanyang fantaserye na masasabing may consistently high ratings.

"Sana po manood pa po sila hanggang end. Lalo pong nakakaiyak at mapupunta pa po kami sa ibang lugar. Mas lalo silang maiiyak at matatawa. Pero salamat po kasi, sinubaybayan po nila kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN