JC de Vera hospitalized for throat infection after shooting scenes in Australia

Katulad ni Mo Twister, naging girlfriend din ni JC de Vera si Rhian Ramos. Kamusta naman sila ni Mo?

"Hindi kami friends. Siguro acquaintances. Kilala niya ko, kilala ko siya. Pero hindi namin napag-uusapan [ang breakup ni Mo kay Rhian]. Ano yun, comparing notes?" natawang sabi ni JC.


Na-confine raw sa hospital si JC de Vera ng isang linggo after arriving from Australia, where he shot scenes for the TV5 teleserye, Utol Kong Hoodlum.

Ayon kay JC, nagkaroon daw siya ng infection sa throat. Sobrang lamig daw sa Australia ngayon, bukod sa araw-araw raw siyang puyat.

"Nag-taping kami ro’n... Natulog lang ako ng ilang hours, tapos, dumiretso ako sa Cebu for a series of mall shows. Hayun, nadale ako. From sobrang lamig, pagdating ko rito, sobrang init."

We told JC na siyempre, may bantay naman siya sa hospital.

Nangiti ito dahil alam niyang ang girlfriend na si Danita Paner ang tinutukoy namin.

"May work ’yan. Dumadalaw-dalaw lang kapag wala siyang taping," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Jasmine Curtis ang leading lady ni JC sa Utol Kong Hoodlum. Some of the scenes were shot in Australia where she is a student.

DANITA PANER. Eight months na rin daw ang relationship nila ni Danita.

Aniya, "Okay naman, wala namang pressure. Steady lang naman. Relax lang. Wala namang pressure sa kahit ano. Even sa work, walang pressure.

"Siyempre, given naman sa isang partner na may sweet moments kayo. Part naman talaga ng work na kailangan may lambingan kayo. Magbi-build kayo ng chemistry.

"Like sa amin ni Jazz, hindi puwedeng hindi ko lambingin si Jazz. Hindi ko rin siya puwedeng iwanan. Kapag pinanood kami sa TV, siyempre, mahirap mag-trabaho. Hindi kami kumportable sa isa’t-isa.

"At naiintindihan naman ’yun ni Danita. At saka ako, parang gustong-gusto ko ang nag-aalaga ng leading lady. Parang siyempre, tinutulungan din nila ko."

Hirit namin kay JC, may tendency pa naman siyang ma-in-love sa leading lady niya.

Natawa ito at sinabing, "In fairness naman kay Jazz, inaalagaan ko lang siya kasi bago, pero hindi naman ibig sabihin no’n na mai-in-love ka, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado ba siyang he tends to fall in love with his leading lady?

"Oo... kahit sino naman. Kasi, kapag nasa work ka, nandoon talaga yung part na nagiging close kayo. Mai-in-love ka ro’n sa good qualities nu’ng tao. "

Sa relasyon nila ni Danita, ano ang nakikita niya na dahilan kung bakit umabot na rin sila ng eight months?

"Well, kung iko-compare mo siya sa ibang babae, siya, pang-long term. Kasi yung iba, good qualities lang ang nakikita mo. Hindi mo pa nakikita yung bad side.

"Hindi ko naman sinasabing hindi pang-long term ang iba. Pero siyempre, it takes time para makilala mo ang isang tao. Siyempre, lamang na si Dan dahil mas kilala niya ko, ’di ba?

"So, yun ang sinasabi ko na, sige, puwede tayong magka-inlaban, [pero] three months lang. After ng show, iba na ulit ang makaka-partner mo, e."

NEW SHOW. Bukod sa Utol, nag-pilot na rin kahapon, Saturday, ang Hey It’s Saberday! na napapanood tuwing alas-onse ng umaga. Bagong show ito para sa kanya.

"Yes, it’s a new show to promote the teen stars ng TV5. Siyempre, sobrang dami namin, sabay-sabay pumasok lahat. Parang ang gusto yata ng network, i-build-up ng sabay-sabay. So, parang kami naman yung magiging guide nila.

"Siyempre, may participation din kami, pero, yung show sa kanila."

RHIAN RAMOS. Itinanong din namin kay JC tungkol sa ex-girlfriend niya na si Rhian Ramos. Hindi naging maganda ang sinasabing break-up nito with his fellow Kapatid star na si Mo Twister. Ano ang naging reaction niya when he learned about what happened?

Aniya, "’Yung sa amin ni Rhian, nag-end yung sa amin na hindi kami okay, pero, walang nagsalita. Parang yun na lang ang ang naging respect namin sa isa’t-isa. ’Huwag mong ikuwento.’ Siyempre, may kuwentong lalabas talaga, pero yung galing sa side namin, hindi siya nagkuwento, hindi ako nagkuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman kino-compare yung sa amin sa kanila, pero, ang dami rin kasing nagtatanong. Ako, wala... wala akong reaction. Wala naman kasi talaga. Parang naano lang ako, hindi ko alam kung ano ang tamang term, hindi rin naman dedma."

Sila ni Mo, okay ba sila?

"Hindi kami friends. Siguro acquaintances. Kilala niya ko, kilala ko siya. Pero hindi namin napag-uusapan. Ano yun, comparing notes?" natawang sabi ni JC.

Dugtong pa niya, "Pero yung mga tao, tanong nang tanong, ano ang masasabi mo? Wala akong pakialam diyan. Sa kanila yun, e. Kung anuman ang sinabi ni Mo, e, gusto niya yun. Ako naman, nanahimik naman ako rito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN