Arci Muñoz wants to join a beauty contest, but won’t pose for a men’s magazine: "Hindi pa sa ngayon kasi very strict talaga ang parents ko."

"Hindi ko rin kayang mag-two piece. Alam mo may scene nga ako sa Mga Nagbabagang Bulaklak na nakita ’yong tiyan ko, umiyak ako," says Arci Muñoz on whether she would pose for a men’s magazine. "Kasi ’yong costume ko, kita ang tiyan. E hindi ako komportable kasi ang feeling ko... ang taba ko. Kaya naiyak ako."


Isang masiglang Arci Muñoz ang nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon right after ng pilot epsiode ng Hey It’s Saberday!

Exciting daw kasi for her na masabak sa hosting kasama sina Alex Gonzaga, Danita Paner, at JC de Vera sa bagong musical variety show ng TV5 na mapapanood every Saturday, 11:30 AM. Kasama nila rito ang mga baguhang young stars na ginu-groom ngayon ng Kapatid Network.

Para talaga siyang isang nagbabagang bulaklak. Flaming ang kanyang beauty. Pero sa kabila ng ganda’t kaseksihan niya, nakapagtatakang zero ang kanyang lovelife sa ngayon. Walang napapabalita ni isa man lang na nanliligaw sa kanya.

"Wala, e," nakangiting reaksiyon lang ni Arci. "Wala muna. Career muna. Priority ko kasi ang aking career. And ang mga trabaho... ang dami-daming magagandang opportunities na dumarating.

"So hindi mo puwedeng balewalain ’yon, di ba? Hindi puwedeng paghaluin. Ang hirap."

Hindi ba sila napi-pressure na ang katapat at binabangga nila ay ang Showtime na isa sa mga top rating shows ng ABS-CBN?

"Hindi naman kami nakikipag-compete sa Showtime. This is not a popularity contest. Basta kami, we know that we are doing our best. We’re doing our job. And nag-i-enjoy kami. That’s what matters most. Iyon ang importante."

Marami ang nagsasabing tama lang ang naging desisyon ni Arci umalis sa GMA-7 at lumipat sa TV5. Matapos mabigyan ng break sa Mga Nagbabagang Bulaklak, tila hindi na nga paaawat sa pagbongga ang kanyang career.

"Sa kabila kasi, lagi akong antagonist. Lagi akong kontrabida. Although I really enjoy doing that, pero dito kasi sa Kapatid Network ako nabigyan talaga ng magandang opportunity para maipakita ko talaga na I can act. At kaya kong gawin iyon and give it my very very best. Kasi ayoko rin namang mapahiya sa kanila kasi pinagkatiwalaan nila ako, e.

"Pero wala naman akong ano sa GMA. Binigyan din naman nila akong projects do’n. In fairness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRIMETIME PRINCESS. Masarap din daw ang pakiramdam na kabilang siya sa mga itinuturing na mga prinsesa ng Primetime ng TV5 kung saan kabilang din sina Danita Paner, Alex Gonzaga, Jasmine Curtis at ang produkto ng Star Factor search na sina Ritz Azul at Eula Caballero.

"It’s such a great privilege, of course. Na tawagin kang prinsesa. I’m really overwhelmed. Kaya sobra naman akong thankful."

She’s one of the prettiest and sexiest actress nowadays. Willing kaya siya mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine in case may mag-offer sa kanya?

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon. Hindi ko pa alam."

Kahit pa sabihing stepping stone ito para mas sumikat pa?

"Ayyy! Siguro ano ’yan... marami namang ibang way muna, e. Hindi mo naman puwedeng i-rush talaga lahat ng bagay. Mas maganda ’yong slowly but surely. Di ba?

"’Yong mga sexy-sexy na ’yan, hindi ko pa talaga mapagdesisyunan. Hindi pa sa ngayon kasi very strict talaga ang parents ko."

Ano kaya ang mga puwedeng makapag-convince sa kanya?

"Siguro kung maganda ang layout. Maganda ang peg. At ’yong mga involved sa photo shoot ay mga pinagkakatiwalaan kong tao. And I’m spiritually and physically ready. Di ba?

"I consulted my parents. And they agreed kung ano ’yong mga nailatag na mga plans."

What about roles na medyo sexy?

"Depende kung gaano ka-sexy. May limitations ako. Sa Nagbabagang Bulaklak nga, kamison lang, hirap na hirap silang ipasuot sa akin.

TUMMY EXPOSURE. "Hindi ko rin kayang mag-two piece. Alam mo may scene nga ako sa Bulaklak na nakita ’yong tiyan ko, umiyak ako."

’Yon lang, iniyakan na niya?

"Kasi ’yong costume ko (sa tagpong naging dancer siya sa club), kita ang tiyan. E hindi ako komportable kasi ang feeling ko... ang taba ko. Kaya naiyak ako."

E di naloka ang direktor at ang production staff? Na iyon lang, iniyakan na niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Naintindihan naman nila. Kasi, before talaga kami magsimula, naintindihan ko, walang two-piece. Walang tummy exposure.

"Kasi... alam mo ’yong sa sarili mo feeling mo hindi ka pa ready? Na kung gagawin mo iyon, mukha kang tanga. ’Yong gano’n?

"Kumbaga, hintayin n’yo na lang. Gagawin ko naman, ’yon e. Wait lang. ’Pag ready na ako, sige. Walang problema diyan."

E paano kung halimbawa, role ng super hero na ang costume e labas ang tiyan? Gaya na lang, halimbawa, ng karakter ni Darna?

"Ay, paghahandaan kong mabuti ’yon! Oo. Di ba? Paghahandaan kong mabuti. Yesss!"

Ano nga pala ang feeling niya na naunang umere for a couple of months ang Babaeng Hampaslupa ni Alex Gonzaga pero na-extend ito at naunang tinapos ang Mga Nagbabagang Bulaklak? Nagkaroon tuloy ng intriga na siguro raw ay na-feel ng TV5 na mas may staying power si Alex bilang bida ng isang primetime series kesa kina Arci at Ritz.

"No’ng una inisip ko rin ’yon, e... [pero] kung wala nang ii-extend, bakit mo pa pipiliting pahabain?"

NOONTIME SHOW. So what’s next for Arci?

"Hindi ko pa alam. In the meantime, ito munang hosting ko ng Hey It’s Saberday."

Aware ba siya na baka hindi maiwasang magkaroon ng rivalry o professional jealousy sa kanila nina Danita, Alex, Jasmine, Ritz, at Eula, na mga primetime female stars ng TV5?

"Sobrang cool namin. At saka sa sarili ko, hindi ko iniisip ’yong competition. Kasi, paano ako makakapag-perform nang mabuti? Paano ko maipapakita sa kanila ’yong best ko?"

Kailan naman siya magiging ready sa pagpapaligaw ulit? Ano ’yong mga tini-take niya into consideration para mag-entertain ng suitors?

"Hindi ko naman isinasara ’yong door sa ganyan. Ligaw lang naman, e. Bakit hindi?

"Kaso, walang nanliligaw sa akin ngayon, e. Totoo ’yan.

"Kung meron, sige... i-entertain ko. Ligaw lang naman, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEAUTY CONTEST. Tuloy pa ba ’yong plano niyang pagsali sa Bb. Pilipinas next year?

"Hindi ko pa alam."

Pero pam-beauty queen nga ang tipo niya. Matangkad siya, maganda, sexy, at matalino. Just in case, saang international beauty pageant ba niya hangaring maging representative ng Pilipinas?

"Sa Miss Universe ka na. Di ba? Tinanong ko naman ang TV5 management kung puwede akong sumali. Okey lang daw, sabi nila. So... let’s see."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN