Ruffa Gutierrez insists she is "loveless" despite presence of Eduardo

"Ayoko muna. Marami pa akong priorities na kailangan kong asikasuhin. Hindi mura tuition fee ng mga bagets [mga anak niya] my God, sa international school!" says Ruffa Gutierrez while claiming that she is loveless now.


Iba ang ambience kahapon, June 19, sa studio ng TV5 kung saan umeere ang showbiz-oriented talk show na Paparazzi. Ito ay dahil sa birthday celebration ng isa sa mga host nito na si Ruffa Gutierrez.

Nakakalat ang pink and white balloons sa floor. Tapos sa isang bahagi ng set ay nakahilera ang mga makukulay at specially-made birthday cakes galing sa iba’t ibang establishments at kompanya ng products na ini-endorse ng actress-TV host.

Pero ang labis na naka-touch sa puso ni Ruffa ay pagtawag ng daddy niyang si Eddie Gutierrez para magbigay ng birthday message sa kanya.

Teary-eyed kasi ang veteran actor habang ipinapahayag ang labis nilang pagmamahal kay Ruffa na dahil nag-iisang babae ay "prinsesa" ng pamilya Gutierrez nga raw ang turing nila.

Hindi naiwasan ni Ruffa na maiyak na rin habang pinakikinggan ang sinasabi ng kanyang ama na madaling araw pa lang daw ay binati na niya ng Happy Father’s Day. Daddy’s girl daw kasi siya.

At naaalala raw lagi ni Ruffa ’yong mga panahong bata pa siya at sa Amerika pa sila naninirahan.

Iyon ’yong panahong pagbebenta ng mga kaldero ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya.

Kapag nagde-demonstrate daw ang daddy niya, siya ang nagsisilbing assistant na taga-abot ng mga set ng kitchenware na ipinapakita sa mga binibentahan nila.

"Meron ako laging five dollars kapag nakakabenta kami!" natawang kuwento ni Ruffa sa mga co-host niyang sina Dolly Anne Carvajal, Mo Twister, Cristy Fermin, at guest co-host nila na si Zoren Legaspi na siyang nag-i-interview sa kanilang mag-ama.

"Kapag walang benta, umuuwi kaming lahat na luhaan! ’Yon... so I would always help them.

"Si Daddy ang taga-demo, ako ang assistant, si Mommy naman ang nagsi-sales talk."

CHARITABLE ACT. After the show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa for an interview. Ikinuwento niya ang naging birthday celebration niya kasama ang ilang kabataan mula sa World Vision sa Baseco compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yesterday [June 18], nasa Baseco compound ako sa Tondo with the World Vision Kids.

"So, natutuwa naman ako kasi finally, nagkaroon ako ng time to celebrate my birthday with them.

"Kasi ilang beses na rin akong in-invite ng World Vision. And I think it’s very positive that I start ang kick-off the festivities with being with the kids."

It’s not her first time to get involved sa mga gano’ng charitable activity. Years ago pa ginagawa na niya ito through her own Roof A Child Foundation.

"Every birthday ko, lagi akong nagsi-celebrate by doing a charity event. Actually last year, it was for Avon na para sa mga battered women.

"And I plan to do that again this July naman. Parang post-birthday celebration ko."

EXTENDED CELEBRATIONS. June 24 ang mismong petsa ng kaarawan ni Ruffa. Pero laging ang daming celebrations nga na tumatagal ng isang linggo o higit pa.

Alin kaya sa mga ito for this year ang masasabing pinaka-exciting o meaningful for her?

"Well, lahat naman, e," sagot ni Ruffa, who will turn 37 on Friday.

"Kasi ako, kahit ayokong mag-celebrate this year, pero marami akong mga well-meaning friends that are planning dinners for me and celebrations.

"But I think spending it with the World Vision kids is something very meaningful.

"Kasi it’s my way of sharing my blessings to others and an opportunity for me to reach out, di ba? Para makatulong din sa kapwa."

Pero siyempre, meron siyang celebration din ng kanyang birthday na pampersonal, kumbaga. Sa Singapore daw niya ito gagawin.

"Well, I’ll be there with some friends. Basta mababasa n’yo na lang ’yon sa Twitter," sabi niya.

Kasama ba niya ’yong certain Eduardo na naririnig naming itinutukso sa kanya? Sino nga ba ang guy na iyon?

"Ay, basta!" nangiti si Ruffa. "Marami naman silang itinutukso sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami naman akong mga kaibigan na sasama sa akin sa Singapore. Last year kasi I was in Hong Kong.

"With the kids naman [her daughters Lorin and Venice] ang balak kong birthday will be on July sa States. Para whole family.

"Pinapili ko sila, e. Mas pinili nila to be in the States kasi ang tagal na nilang hindi nakapunta doon. At mas mag-e-enjoy sila doon, di ba?"

BIRTHDAY WISH. Meron ba siyang material na birthday gift that she wish to receive ngayon?

"Wala naman," sagot niya.

"My Mom, nagbigay na ng advance birthday gift. Binigyan niya ako ng Valentino na bag.

"Si Chard [Richard Gutierrez], binigyan ako ng sapatos. Na ang taas-taas, huh!

"I think 7 inches yata ’yong ibinigay niya sa aking heels. As if naman I’m not already so tall!

"Pero alam mo, wala akong hinihingi na materyal na bagay.

"Ang hinihingi ko lang, more happiness, more success, more blessings, peace of mind, iwas sa controversy, iwas sa mga masasamang tao."

SURROUNDED BY GOOD PEOPLE. Paano naman siya makakaiwas sa controversy, e, nasa showbiz siya?

"Well, I mean, hindi naman nga maiiwasan ang controversy. But always to... surround me with good people, good friends.

"Na... mahirap kasi when you’re surrounded by people na fake and mga traydor na gusto lang talagang masaktan ka.

"So I’m so happy and I’m so blessed na lahat ng mga nakapaligid sa akin, talagang genuinely and sincerely love me.

"Oo. Para sa akin, mas importante talaga na magkaroon ka ng mga kaibigan kahit na kokonti lang sila, basta ’yong totoo.

"Kesa naman marami nga, pero fake."

Alin ba ang napatunayan niyang puwedeng puwedeng mas totoo—her non-showbiz friends o ’yong mga kaibigang artista rin na gaya niya?

"Ang mga non-showbiz friends, wala namang pakialam at wala namang kumpetisyon sa buhay ko, wala namang isyu, e. Mga tahimik lang naman ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang showbiz naman, siyempre marami naman akong mga acquaintances.

"And I’m very happy na kahit nasa TV5 na ako, marami akong kaibigan sa GMA, sa ABS.

"Normally naman, I’m really a fun-loving individual. I have no mean bone in my body.

"And may mga mangilan-ngilan lang talaga na...’yong mga rotten eggs na dalawa lang naman o mga tatlo na... ’yong gano’n? Hindi ko na alam kung sino.

"Pero at the end of the day, kahit na minsan nasasaktan nila ako, sila rin naman ang nagsu-sorry sa huli. Iyon ang napansin ko."

JUSTICE FOR RUBY ROSE. During commercial gap, pagkatapos ng interview nila ng iba pa niyang co-hosts kay Rochelle Barrameda tungkol sa paghahanap pa rin niya ng hustisya for her sister sister Ruby Rose, narinig naming nagdayalog si Ruffa ng, "Hay naku, ayoko nang bumalik sa Istanbul, baka mangyari rin sa akin ’yong gano’n!"

Sa Istanbul nakatira ang estranged husband ni Ruffa na si Yilmaz Bektas, isang Turko.

Seryoso ba siya o nagbibiro lang sa gano’ng nasabi?

"Hindi.

"Siyempre naman, nakakatakot din ’yong nangyari sa kanya," pagtukoy ni Ruffa kay Ruby Rose, na after more than years na pagkawala ay nakita ang bangkay nito na nakasemento sa loob ng isang drum na nakuha sa dagat.

"Ang kaka-tweet ko nga lang. Sabi ko, justice for Ruby Rose."

Hindi ba siya natakot na mag-asawa ulit dahil do’n?

"Naku, gusto ko yata, mapag-isa na lang ako!

"Or hahanap na lang ako ng parang cute na medyo nerdy na parang ’yong guy sa Gossip Girl. Meron bang gano’n?"

Bakit ba maghahanap pa siya samantalang maugong nga ang balitang meron na siyang Edurado Puerta ngayon sa buhay niya?

"Actually, hindi ako naghahanap. Sila ang laging naghahanap sa akin!" natawang sabi ni Ruffa.

Pero naka-lock na ba ang puso niya ngayon para kay Eduardo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. I’m only taking baby steps."

YILMAZ BEKTAS. May communication pa ba sila ni Yilmaz sa ngayon? Binati na ba siya nito ng happy birthday?

"No. Wala.

"Ah...we have our seasons. And itong seasons ngayon, medyo dry.

"Nag-text siya. Nag-i-invite siya na pumunta kami doon ng mga bata."

Hindi rin niya binati si Yilmaz ng Happy Father’s Day?

"Well, siguro today, puwede kong sagutin ’yong text niya.

"Thank you for reminding me. O, di ba?" napangiti pa niyang sambit.

So, ano ang naisagot niya sa imbitasyon na ’yon ni Yilmaz na pumunta silang mag-iina sa Turkey ?

"For me naman kasi, we’re going through an annulment. Mabuti na ’yong huwag munang mag-comment about him.

"And sana naman we’ll have a good friendship because of our kids," saad niya.

Pero is it still possible na babalik o pupunta ulit siya sa Istanbul?

"As of now, wala pa sa plano ’yon. Wala pa talaga sa plano.

"This year I’m gonna be doing two movies sa Regal Films.

"One is ’yong Hototay na magiging entry sa Metro Manila Film Festival na comedy ang tema. The other hindi ko pa alam.

"And then may bago akong show na gagawin dito sa TV5. Na secret muna kung ano. Hindi pa puwedeng sabihin."

"So, pagkatapos ng bakasyon ko... Every July kasi kung napapansin ninyo, that’s my vacation month."

Gaano siya katagal na mawawala siya this July?

"Mga three weeks," sagot niya.

JOHN LLOYD CRUZ. Sa VTR greetings sa kanya na iniere ng Paparazzi, kasama ang dating na-link sa kanya na si John Lloyd Cruz. Anong feeling niya about it?

"E...wala. Alam mo, wala namang bad blood between us.

"We share the same birthday [June 24]. So I wanna wish him also a happy birthday."

Tinawagan ba siya ni John Lloyd para batiin? O tinext man lang kaya siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi. Tama na ’yong ganyan, ’no?

"Babatiin ko rin siya through you... happy birthday!

"Basta alam mo, wala namang bad blood sa aming dalawa.

"’Yon nga lang... siyempre mabuti na ’yong iwas sa gulo," sabi ni Ruffa.

IS SHE REALLY LOVELESS? Blooming siya nowadays. Walang maniniwalang loveless siya gaya ng mariin lagi niyang kini-claim.

"Wala nga, ’no? Basta mahaba lang ’yong hair ko—from Aparri to Jolo!" biro niya.

"Ayoko muna. Marami pa akong priorities na kailangan kong asikasuhin.

"Hindi mura tuition fee ng mga bagets [mga anak niya] my God, sa international school!"

Wala pa rin talagang ibinibigay na financial support si Yilmaz for their two daughters?

"Wala. Kaya dapat batiin n’yo rin ako ng happy Father’s Day!"

AWAY-BATI. Sa opening ng Paparazzi, nabanggit niya na galit na naman sa kanya ang mommy niyang si Annabelle Rama.

Ano ba ang pinag-awayan nila?

"Pinagsabihan ko siya about certain things. Sagot naman niya sa akin, ’Huwag mo akong pakialaman dahil hindi kita pinapakialaman!’

"Sabi ko na lang, ’Ay, ang taray!’"

Ayaw talagang banggitin ni Ruffa kung ano mismo ’yong pinag-ugatan ng misunderstanding nila ulit ng Mommy niya.

"Basta. Personal na ’yon, ’no?"

Anong plano niyang gawin para magkabati sila. Kailangan nilang mag-ayos dahil buong pamilya nila will have a dinner kinagabihan for her dad nga dahil Father’s Day.

"E, di siyempre ako ang anak, ako ang kailangang magpakumbaba.

"So, siyempre kailangan iki-kiss ko siya kahit tinataray-tarayan niya ako at hindi niya ako pinapansin."

Pero talaga bang hindi na siya pinapakialaman ngayon ng Mommy niya?

"Naku, maniwala ka do’n!" sabi ni Ruffa.

"Alam niya kasi wala akong ginagawa. I’m such a good well-behaved girl."

Pero boto naman ang mommy niya kay Eduardo?

"So far naman. Walang problema," panghuling nasabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN