Danita Paner not worried about JC de Vera’s new leading lady, Jasmine Curtis-Smith

"Ako kasi, kapag naloko or kunwari nagustuhan niya, wala tayong magagawa, ganoon talaga, e. Kahit anong pigil mo, di ba? E, hindi, hindi naman siya ganoon. Siguro nabansagan lang siya kasi nagkaganoon," says Danita Paner about boyfriend JC de Vera being paired to newcomer Jasmine Curtis-Smith.


Kasama sa bagong youth-oriented variety show ng TV5 na Hey, Saberdey! ang singer-actress na si Danita Paner. Nag-pilot ang show na ito noong Sabado, June 18.

Kumusta ang pilot episode nila?

"Okay naman. Masaya. Puro bagets.

"Para kaming nasa sitcom. Kulitin lang," sabi ni Danita nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pilot episode ng Hey, Saberdey! noong Sabado, June 18, sa Broadway Centrum.

Technically, ito na ang pangatlong variety show ni Danita sa TV5. Una ang P.O.5 at Fantastik na parehong wala na.

BONUS FACTOR. Ang Hey, Saberdey! rin ang show kunsaan magkasama silang muli ng kanyang boyfriend na si JC de Vera.

Bonus factor ba kapag magkasama sila ni JC sa isang show?

"Oo. Kasi, ito na lang ang show na magkasama kami," nakangiti niyang sagot.

Eight months na raw ang relationship nila.

"Kapag naiisip namin, parang ang bilis.

"Ang daming nangyayari kasi taping nang taping, hindi mo namamalayan ang oras kaya nakakatuwa."

Walang away, tampuhan sa loob ng walong buwan?

"Meron, siyempre. Hindi naman kami perfect couple.

"Pero wala naman yung nag-cool off, nag-break.

"Meron din naman na mga major away, pero naayos din naman agad.

"Minsan umaabot din ng days na may problema, pero yun na siguro ang pinakamalala.

"Ang importante, naaayos pa rin namin at may communication pa rin. Naghihintayan lang talaga."

JC’S NEW LEADING LADY. Si JC ay may bagong serye sa TV5, ang Utol Kong Hoodlum, kunsaan ang leading lady niya ay si Jasmine Curtis-Smith.

Iniintriga na agad si JC kay Jasmine dahil madalas ay nai-in love si JC sa leading ladies niya. Wala bang selos or threat sa part niya?

"Wala naman," sabi ni Danita.

"Kasi, kaibigan ko si Jas at mabait naman talaga yun.

"Atsaka, ako kasi, kapag naloko or kunwari nagustuhan niya, wala tayong magagawa, ganoon talaga, e. Kahit anong pigil mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, hindi, hindi naman siya ganoon. Siguro nabansagan lang siya kasi nagkaganoon."

Nabibigyan naman siya ng assurance ni JC?

"In fairness naman, oo."

Pagdating daw sa respective families nila, wala silang problema pagdating sa relasyon nila.

"Ay, mahal na mahal ni Mommy [Daisy Romualdez] ’yan," sabi ni Danita.

"Walang kaproble-problema. As in, masayang lahat. Ang daming trabaho, ang daming blessings.

"Lalo na dito sa TV5 kasi noong binigyan ako ng first soap, My Driver’s Sweet Lover, tapos nasundan pa ng Bangis, tapos meron pa nito.

"Tapos, yung partner ko pa si Oyo Boy Sotto, nakakatuwa naman."

BANGIS. Ang Bangis ang very first fantaserye ng TV5.

Kumusta naman si Oyo bilang leading man?

"Ay, napakabait!" sambit ni Danita.

"Napaka-gentleman atsaka mahal na mahal niya ang asawa niya. Talagang makikita mo na he’s a family guy."

KAPATID. Feel blessed nga raw si Danita being a Kapatid.

"Sobra! Lalo na noong sinasabi nila na isa ako sa primetime princesses ng TV5, kami nila Alex [Gonzaga].

"Ako, parang, ’What, seryoso?’ Nakakatuwa!"

Kung nasa ibang network siya, nakikita niya kaya na matatanggap din niya ang same importance na meron siya ngayon sa TV5?

"Kaagad, e, lead role kaagad. Hindi ko alam.

"Siguro, may nakita lang na iba sa akin ang TV5 na hindi ko alam kung ano."

Hindi raw siya naaalarma kahit sinasabi na kumpara sa ABS-CBN at GMA-7, hindi pa rin ganoon kalaki ang audience share ng TV5.

"Ako kasi, aware rin ako sa ganyan," sabi niya. "But I don’t take it as a negative issue.

"Kumbaga, nag-i-start pa lang ang network. Kumbaga, suwerte ako na part ako ng pagsisimula nila.

"Kasi siyempre, kapag lumaki ito, lahat kami, kasama do’n sa success na yun.

"So, trial and error lang siya. Konting patience."

May pressure ba on her part kapag may mga nadaragdag na bagong artista sa kanila, especially yung mga galing sa ibang network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat ba?" ang balik-tanong naman ni Danita.

"Actually, hindi ko pa rin alam kasi dito sa showbiz dahil galing ako sa music scene.

"Pero kapag may bago, natutuwa pa nga kami kasi may bago kaming kasama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN