Alex Gonzaga defends sister Toni Gonzaga against critics: "Trabaho niya yun and sa show nila, siya yung ine-expect na magsasabi ng ganun"

Alex Gonzaga advised her sister, Toni Gonzaga, not to bother with the criticisms that she hears from the fans of John Pratts and Rachelle Ann Go. Alex is now hosting a new variety show in TV5, Hey! It’s Saberdey!


Balik sa paghu-host ng variety show ang TV host-actress na si Alex Gonzaga.

Noon lamang Sabado, June 18, ay nag-pilot airing ang bagong youth-oriented variety show ng TV5, ang Hey! It’s Saberdey!.

Ito ang ikatlong variety show na ihu-host ni Alex sa Kapatid network. Ang mga nauna ay ang P.O.5 at Fantastik, na parehong nagtapos ng taon na ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alex sa set nila sa New Broadway Centrum, Quezon City, sinabi nitong masaya siya sa bagong project na ibinigay sa kanya ng Kapatid network.

Ang airing time nila ay 11 a.m. to 12 noon, na katapat ng talent search show ng ABS-CBN na Showtime. Hindi ba siya nangangamba rito?

"Ako ha, for me, ayaw ko makipag-compete sa Showtime.

"Kasi matagal na yung Showtime, e, tapos ang gagaling na nila doon.

"Kami, we’re just giving the audience parang another show, at kung magustuhan nila, suportahan nila, siyempre masaya kami dahil yung efforts namin napansin.

"Siyempre, pressure. Pero kung iisipin mo lang, di ba, nakakatakot?"

ON SISTER TONI. Kamakailan lamang ay inulan ng batikos ang nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga dahil sa pagkumpirma niya ng breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go. (CLICK HERE for related article.)

Ano ang masasabi niya rito?

"Ako naman, ang feeling ko dun, siyempre trabaho niya yun, e.

"Trabaho niya yun and sa show nila, siya yung ine-expect na magsasabi ng ganun," sabi ni Alex.

Pero giit niya, pinayuhan din daw niya ang ate niya na kausapin ang mga taong kasangkot sa issue.

Agad naman daw kinausap ng kapatid niya si John, pati na si Bianca Manalo, na siyang itinuturong dahilan ng nasabing hiwalayan.

"Ang sabi ko sa ate ko, ’Huwag mo na lang intindihin kung may manlait sa ’yo na iba. Ang problemahin mo, baka si John o si Bianca na-offend sa ginawa mo, e, hindi naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta una niyang naisip, maka-text niya agad si Bianca, tapos nakausap niya si John, okay naman sila."

Matatandaan na noon ay nakaranas na ng ganitong pambabatikos si Alex. Nag-comment kasi siya noon tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson. (CLICK HERE for related article.)

Ano naman ang reaksiyon ng ate niya, na ngayon siya na ang nakararanas ng pambabatikos?

"Ganun kasi talaga kasi trabaho mo yun, e, huwag lang yung sobra," saad ni Alex.

"Siguro ngayon na nasa The Buzz ang ate ko, parang mas naging open na siya sa ganun."

Pero kahit pa nakaranas na sila ng pambabatikos mula sa fans ng mga ibang artista, ang mahalaga raw ay mas napagtibay nito ang relasyon nilang magkapatid.

"So ngayon, naiintindihan na ako ng ate ko, naiintindihan ko na din siya.

"So wala, ayaw na lang namin isipin yung may naiinis [sa amin] kasi part ng trabaho mo yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN