Janice de Belen returns to ABS-CBN, the same network where her ex-husband John Estrada works

Janice de Belen (left) makes a comeback to ABS-CBN as part of the upcoming primetime series Budoy. He ex-husband John Estrada (right), on the other hand, is a regular talent of the Kapamilya network.


Magbabalik sa Kapamilya network ang aktres na si Janice de Belen.

Kasama siya sa upcoming primetime series na Budoy, pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Sa story conference ng Budoy noong Biyernes, June 17, ay muling tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN si Janice.

Sa panayam ng The Buzz sa aktres, aminado siyang medyo nakakaramdam siya ng nerbiyos.

"Medyo nakakanerbiyos nang konti. Nakaka-overwhelm.

"I’m really excited, I’m really, really looking forward to not only the story, but to be here again.

"I’ve known a lot of people here. I’ve worked... I have a lot of friends here.

"I want to see them again or work with them again," saad niya.

Maliban sa kanyang mga nakatrabaho, usap-usapan na rin ang posibleng muli nilang pagkikita ng dating asawang si John Estrada, na host ng noontime show na Happy Yipee Yehey! at bahagi ng teleserye na Minsan Lang Kita Iibigin.

Pero ngayon, handa na ba silang harapin ang isa’t isa, lalo pa nga’t nasa iisang network na sila?

Hindi ba magiging awkward na nasa same station na sila ng kanyang ex-husband?

"No," sagot ni Janice.

In fact, ine-expect na raw ni Janice na posibleng maging isyu na nasa iisang istasyon na sila ni John.

"It’s a work area and everything is work," sabi niya.

Paano kung magkakasalubong sila sa hallway?

"Hello!" natatawa niyang sagot.

Pero aniya, "Hindi naman ako dito magte-taping, e."

Isang buntong-hininga naman ang naging sagot ni Janice sa tanong kung magge-guest ba siya sa noontime show na Happy Yipee Yehey!, kunsaan isa sa mga host si John.

JOHN’S BIRTHDAY. On the other hand, nasorpresa naman si John sa biglang pagdating ng kanilang apat na anak ni Janice—sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan—sa Happy Yipee Yehey! noong Sabado, June 18.

Kumanta pa ang mga ito sa kanyang birthday at Father’s Day celebration na rin ng noontime show ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito, may ipinahayag din si John tungkol sa asawang si Priscilla Meirelles.

Ayon kay John, "Alam n’yo, ito ang balita, guys, kagabi, umuwi ako galing taping.

"Sabi ng asawa ko, ’Babes, parang I feel not good... I think, I’m pregnant.’

"Sabi niya, ’Okay lang ba?’ Sabi ko, ’Siyempre, mag-asawa na tayo!’"

Kahapon, June 20, ang planong pagpapa-check-up ng dalawa para ma-confirm kung totoong nagdadalang-tao na nga si Priscilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN