Liza Diño, Kathniel fans engage in heated exchange over ballot photo-ops

May 10, 2016
<p>Liza Diño (main) on why she questioned Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's photo-ops (inset) with election ballots: "I said I have nothing against them but their actions intentional or not poses a bigger question on some rules na dapat ay sinusunod n

Inalmahan ni Liza Diño ang pambabatikos sa kanya ng ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) matapos kuwestyunin ng aktres ang tungkol sa mga kumalat na larawan ng Kapamilya young stars na may hawak na balota.

Bagamat isang araw na makalipas ang eleksyon, patuloy na nakatatanggap ng pambabatikos si Liza.

Ito ay sa kabila ng pagbura ng theater actress ng nauna niyang Instagram post tungkol sa diumano’y paglabag nina Kathryn at Daniel sa Commission on Election (Comelec) rules.

Pakiramdam ng ilang fans ay lumaki pa lalo ang isyu dahil sa pag-post ni Liza hinggil dito.

Buwelta ni Liza sa isang komento ng fan ngayong araw, May 10: “Who’s bashing?

“I didn’t bash them or call them names.

“Kayong anti at pro-Kathniel ang nagbabatuhan ng masasakit na salita sa isa’t isa.

“Kung marunong din kayong magtanggol sa kanila nang maayos nang hindi nangmamata at nagsasabi na tanga ang mga pumupuna sa kanila, eh di sana hindi nadadamay ang mga idol nyo.”

Continue reading below ↓

FOR THE SAKE OF FAIRNESS. Makailang-beses nilinaw ni Liza na layunin lamang niyang depensahan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nahaharap sa diumano’y paglabag sa Comelec rules nang sila ay magpakuha ng larawan kasama ang kanilang balota.

Ayon pa kay Liza, ilan sa mga naturang OFWs ay nahaharap sa imbestigasyon at posibleng makulong dahil sa diumano’y violation ng mga ito.

Continue reading below ↓

Kaya’t noong kainitan ng isyu kahapon, kinuwestiyon ng theater actress ang Comelec kung ang mga artistang tulad nina Daniel at Kathryn ay mapapatawan din ng parehong sanction. 

Paliwanag pa ni Liza, “I said I have nothing against them but their actions, intentional or not, poses a bigger question on some rules na dapat ay sinusunod ng lahat.

“[Comelec commissioner Rowena] Guanzon said they were cleared. Good for them!

“But you can’t force others who don’t see it that way to not say anything.”

Depensa naman ng ilang KathNiel fans, lalong nahusgahan ang kanilang mga idolo dahil sa social media posts ni Liza.

Continue reading below ↓

Tila hindi pa raw mapanindigan ni Liza ang “paratang” nito laban kina Kathryn at Daniel nang burahin ng theater actress ang pinakaunang Instagram post nito tungkol sa isyu.

Sagot ulit ni Liza, “Oh I can withstand the effect of it, trust me. But kayo? Kaya nyo bang lalo silang mabash?

"I took it down bec hindi ako aware sa kapasidad ninyong mga ANTI at PRO Kathniel na magbatuhan ng mga kabastusan sa isat isa.,

"I didn’t do it for myself! You’re still bashing me now so what difference does it make if I keep it on my wall?”

Mayroon ding isa pang Instagram post si Liza kung saan idinetalye niya kung bakit kinailangan niyang kuwestyunin ang Comelec ruling tungkol sa pagkuha ng larawan kasama ng balota.

I saw an allegedly "Robin Padilla" post with a filled up ballot and Mariel Padilla wearing a Duterte shirt. Awhile ago, Kathryn and Daniel draw flak for having pictures with their ballots. This "NO PHOTOS/SELFIES INSIDE THE PRECINCT" issue has been debated on throughout this whole campaign. Maraming botante ang umaalma dahil gusto nilang kuhanan ang kanilang mga balota for protection pero hindi pumayag ang COMELEC. May responsibiliad tayo bilang artista upang ipakita na pare-pareho tayong lahat dito. You can easily decline to have pictures taken dahil alam naman nating bawal. Sa kasalukuyan, maraming OFW ang iniimbestigahan at maaaring kasuhan dahil sa pagkuha ng litrato. Sino ang magpoprotekta sa kanila? Sana wag naman tayong maging unfair sa ating mga kababayan. No exceptions. No one is above the law. To the MEDIA people, taking pictures of artists and politicians with their voting receipts or ballots is a violation of the law . Or ngayon ba parang pwede na as long as hindi selfie? Dahil dito ang dami ng loopholes bigla dahil vague ang rules. COMELEC should release an advisory and be clearer with the supposed RULES. Kailangan klaro sa lahat dahil marami ang naaagrabyado. *COMELEC advisory photo taken from Philippine Star

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

NOTHING AGAINST KATHNIEL. Giit pa ni Liza, wala siyang personal na isyu kina Kathryn at Daniel at nais lamang niyang malinawan sa alituntunin ng Comelec.

Continue reading below ↓

Lalo pa’t mismong mga pinuno ng Comelec, tulad nina Rowena Guanzon at James Jimenez, ay magkaiba ang posisyon hinggil sa isyu.


RUTHLESS FANS? Sa huli, pinaalalahanan ni Liza ang ilang KathNiel fans na maging maingat sa kanilang mga salita.

“BUT I SAW HOW RUTHLESS SOME OF YOU CAN BE. Ginagatungan nyo rin ang mga tao para magsabi ng masama.

Continue reading below ↓

“Sinasabihan ninyo ng tanga at bobo.

“Sa tingin nyo you’re protecting your idols by doing that? NO.

“Lalong maraming nagagalit sa kanila dahil napakawalang modo ng iba sa inyo.

“So don’t blame me.

“Maybe kayo rin you can start choosing your words wisely if you choose to comment on other people’s walls.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Liza Diño (main) on why she questioned Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's photo-ops (inset) with election ballots: "I said I have nothing against them but their actions intentional or not poses a bigger question on some rules na dapat ay sinusunod n
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results